Chapter 35 (Im scared to death)

Start from the beginning
                                    

Kinakausap ko parin siya kahit alam kong unconscious siya at di niya ko naririnig..

Araw araw ako nagdadala ng flowers..

simula umaga hanggang gabi di ko siya iniiwan dun...

Nagdala ako ng small board.. dun ko nilalagay yung stick notes na sinusulatan ko araw araw kapag dumadalaw ako sakanya...

"Nikki, gumising ka na... miss na miss na kita. " habang hawak hawak ko yung kamay niya..

" madami pa tayong pwedeng gawin magkasama..."

"december na... kaylangan mo ng gumising..."

"magpapasko ako sainyo..."

"sympre kasama ka... kaya gumising ka na..."

Araw araw, pinipilit ko yung sarili ko na magsabi ng masasayang bagay, 

umaasa ako na magising na siya...

nagpa-plano ako ng mga bagay na gagawin namin pag gising niya.. nagbabakasakali na kapag kinausap ko siya ng kinausap marining niya yung boses ko at magising siya...

Malapit ng mag Christmas..

pero coma parin siya...

isang araw dumaan sa bahay namin si ver...

"Oh? bakit  ka andito? papunta ako ng ospital ngayon eh, bibisitahin ko si nikki."

"Bro wag na.. dito ka nalang muna ngayon."

"Bakit? Kaylangan ako ni nikki dun! pupunta ako! "

sabay may inabot siya saking paper bag at scrap book..

"Ano to? "

" Regalo sayo ni nikki... yan yung ibibigay niya sayo nung araw na mahulog siya...Ge alis na ko.."

binuksan ko yung scrapbook na ginawa niya...

RANZ and NIKKI's MEMORIES TOGETHER. 

naaalala mo pa ba yung una tayo nagkita? binati kita nun, pero ang sabi mo sakin SAME TO YOU. hahaha! antipatiko ka pa noon, pero syempre iba na ngayon. naks. :)

Yung nagchurch tayo together... FIRST TIME MO NUN. kaya hindi mo alam kug para saan yung pagsisindi ng kandila. :)

Ehh yung tinuruan mo ko magbike? 

Yung couple bike? 

Tapos yung hinabol kita sa labas ng wala ako tsinelas? 

Lahat ng magagandang bagay na-experience ko dahil sayo RANZ.

at i don't regret anything that ive said nung nagchurch tayo.

YOU'VE GAVE ME those BEAUTIFUL days with you. 

at kung mauulit man' yun. I'd cherish it even more. :)

di ko na natuloy yung pagbabasa.. 

tumulo na yung luha ko..

lalo na nung nakita ko yung mga pictures namin...

hindi ko na inisa-isang basahin yung bawat pahina..

baka lalo ko lang siya mamiss..

pero yung last part..

may picture ng balloon..

"Naaalala mo pa ba yung sinabi mo sakin about dun sa pagtatali ng wish sa balloon? Di ko na kaylangang humanap pa.. Kasi matagal ko nang nahanap...

at ikaw yun. :) "

Kung alam mo lang nikki, takot na takot ako... na baka mawala ka sakin.. at di na yung mangyari ulit..

-------------------------------------------CUT SONG HERE -----------------------------------------------

CHRISTMAS...

NEW YEAR...

 last week of JANUARY na...

ang tagal ko nang di nakakapunta sa ospital..

sabi rin kasi nila tita wag ko muna raw bisitahin.. kaya ngayon nalang ulit ako makakapunta..

Pagpasok ko sa room niya wala na siya dun... O___O

"Nurse, nasan po yung patient sa room 214? "

"Ahh, pinapa-examine muna siya ni doctor.. nagising na ata siya.. "

Nanlaki yung mata ko nung sinabing nagising na siya.

SI NIKKI?! GISING NA SIYA?

" Hijo.."

narining ko yung boses ni tita sa likod ko.. 

pag lingon ko...

naka-wheel chair si nikki..

gising na siya!

"n...nikki? " ang laki ng ngiti sa mga labi ko. grabe. gising na taaga siya..

"Ok na siya ranz, kaylangan nalang mag stay ng 1 week, para ma-observe kung pwede na tlga siyang lumabas. " sabay akap sakin ng mommy ni nikki.

"Nikki. ok ka na? kilala mo pa ko? "

Tumingin lang siya sakin.. 

"Mommy, tara na , gusto ko na po magpahinga.." nikki

"Sige ranz, next time ka nlng dumalaw ulit kay nikki ha? " tita. 

Naalala ko yung sinabi ni bea. 

(FLASHBACK!!)

"Ranz, hinahanap ka niya bago magsimula yung show, pero wala ka, hinahanap ka niya kahit nung sumasayaw na kami.. wala ka parin, ngayong naaksidente siya, tska ka lang dumating.. bakit?! anong nagawa ng bestfriend ko bakit mo siya kaylangang paasahin? "

Hindi ko siya pinaasa nun.

Hindi..

baka..

galit lang siya sakin.. kasi akala niya, hindi ko siya sinipot nung araw na yun.

napahawak ako sa noo ko at napailing..

"badtrip!"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote, comment, spread.

I love you all! :"""> 

The destined love (Ranz kyle viniel e. ongsee )Where stories live. Discover now