Chapter 29 : Cyclops

Magsimula sa umpisa
                                    

“Syempre alam ko kung ano yan!!! Huwag niyong sabihin na yan ang sasakyan natin?” medyo napalayo ako sa kanila. “D-Dyan sa mga Giant bubuyog na yan?” Turo ko sa mga bubuyog.


“Ou, Mahal ko, ito ang sasakyan natin papuntang Ahkmou. Ang tawag sa kanila ay mga Belarbee.” Naku… narinig ko na naman ang bad words ni Prince Azera sa akin.


“N-Nasaan si Grego… S-Si Grego nalang… si Grego nalang ang sasakyan ko.” Para akong naghihisterikal sa kinatatayuan ko.     


“Hindi pwede si Grego, nagpapahinga siya ngayon dahil nasugatan din siya ng mga Goblins.” Nalungkot ako sa sinabi ni Montblanc. No choice… d-diyan sa mga Belarbee kami sasakay… Naman!! Wala na bang iba?


“Olis, howog kong mogoololo!!” (Alice huwag kang magaalala) ako ang nahihirapan kay Sha. Napansin kong nahihirapan din siya sa candy na nasa kanyang bibig kaya tinaggal niya ito. “Phew… nahirapan ako dun. Huwag kang magalala Alice. Mababait ang mga Belarbee huwag ka lang msyadong lalapit sa kanilang puwet kung saan nakalagay ang deadly weapon nila.” Sabay subo ulit ng candy at ngumiti siya sa akin.  

Nilapitan ako ni Prince Azera “Let’s go Alice.” T-teka? Hindi ba ako sasakay kasama ni Clyde? Tinignan ko siya, nakita kong hindi pa siya sumasakay, alam kong hinihintay niya akong lumapit sa kanya. “Nagdadalawang isip ka ba, kung sasama ka sa akin Alice?” Hindi ako makasagot sa tanong niya. “You can’t refuse me Alice. Sinabi ko sa kanila na I’m the one who will take care of you.” Ganun… “Diba, I told you na… sa akin ka na sasama.” Ngumiti siya at saka niya ako hinila papunta sa mga Belarbee.


“T-teka…” iwas ko sa mga Belarbee.

Tumingin si Prince Azera kay Sha “Dun ka muna kay Montblanc, makisakay.” Sumunod naman si Sha sa kanya.


“S-sandali gustooaa—awaa” nagulat ako ng binuhat ako ni Prince Azera pasakay sa Belarbee at saka siya sumakay dito. Hindi na ako nakapagsalita gusto ko sanang kasama namin si Sha.

Dahil sa kanan lang ang nagagamit kong kamay nahihirapan akong kumapit sa Belarbee lalo na, ang upo ko ay sa one side lang. Nang nagsimula ng lumipad ang Belarbee nagulat ako dahil pagewang gewang ang lipad nito kaya hindi ko naiwasang mapakapit sa braso ni Prince Azera.

Nang tumigil sa paggewang ang sinasakyan naming Belarbee agad ko namang tinagal ang pagkakapit ko sa kanya. “A-ah… sorry Third Prince.”


“It’s okay. Kumapit ka lang sa akin.” Inilagay niya ang kanang kamay ko palibot sa kanyang bewang at lalo pa siyang lumapit sa akin para macorner ng dalawa niyang kamay. “Ayan, siguradong hindi ka malalaglag sa position mo.” sa tingin ko nga, parang magkayakap na kami sa position namin.

Nang nasa himpapawid kami napasin kong hindi lumalayo sa amin si Clyde. Kahit nakaharap siya sa ibang lugar, sa amin parin ang mga tingin niya.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon