Chapter Thirteen

Magsimula sa umpisa
                                    

She spins me again and pulls me closer before letting me bend my back while she held my waist to prevent me from falling then pulls me back to her body again and continues to sway.

'Like a flower bending in the breeze
Bend with me, sway with ease
When we dance you have a way with me
Stay with me, sway with me'

Finally, after the last lyrics the song finished. Habol hininga kaming mag katitigan lang ni Miss Cleomonte.

I can see the sweat in her forehead and neck na nakapag padagdag sa pag ka hot niya. Halos ilang beses akong napa lunok at pilit iniiwasang mag tama ang mata namin.

"Oh, my God! Thank you so much for participating lalo na kay Miss Cleomonte. We are very thankful po, Ma'am." Sabi nung babae kanina at nag bow bow pa. Miss Cleomonte leans away from me, facing the girl who's holding the mic.

"No need to thank me, just keep up the good work." Sagot naman ng kasama ko at nag lakad na palayo kaya wala sa wisyo akong sumunod sa kaniya.

Naka sunod lang ako sa kaniya pero yung utak ko tila naiwan padin sa nangyaring sayawan kanina. Na fefeel ko pa din yung malambot niyang katawan na naka dikit sa akin at yung pabango niyang hindi na ata maalis sa ilong ko.

"Hoy Yves!? Mababangga kana sa pader, tanga!" Rinig kong sigaw ng kung sino pero too late na dahil nabangga na nga ako.

"Aray ko, yawa, piste!" Daing ko dahil ang lakas ng pag kakabangga ko. Paniguradong mag bubukol ito.

"Gago bakit kasi naka tulala ka lang? Naka drugs ka ba?" I heard Monique voice asked kaya naka simangot akong tumingin sa kaniya bago luminga linga at hinanap ang babaeng sinusundan ko pero she's no where to be found.

"Asaan si Miss Cleomonte?" Tanong ko sa kaniya. Nginisihan niya naman ako.

"Kaya pala nababangga sa pader dahil naka Ma'am ang isip. Jusko Yves malala na yan." Pang aasar pa nito kaya pinitik ko ang noo niya.

"Mas malala ang tama mo sa utak, tinatanong ko kung asaan si Ma'am ang dami dami mo na agad pinagsasabi." Irita ko namang sagot sa kaniya. Inirapan niya lang naman ako at nag kibit balikat.

"Aba'y malay ko, ikaw lang naman ang nakita kong nag lalakad na nakangiti tapos parang tanga." Tugon nito. She even stuck her tounge out na parang bata. Hindi ko nalang pinansin ang pagiging isip bata niya at napakamot nalang sa ulo ko.

Asaan kaya si Ma'am? Pag katapos kuhanin ang kaluluwa ko iniwan na ako mag isa. Pero on the other hand medyo naka hinga ako ng maluwag dahil kanina ko pang nararamdaman ang lakas ng tibok ng puso ko na hanggang ngayon ay tila hindi padin kumakalma.

Haish my dear heart, kalmahan mo muna ha baka atakehin ka. Jusko.


*~*~*~*~*~*


"Guys ito na yung chorus na part! Sabay sabay ha." Sigaw ni Keoni sa mic habang nakataas ang kamay at feel na feel ang pag kanta.

Nasa may karaoke kami na booth dahil nag yaya si Keoni, trip niya daw kumanta na akala mo'y ang ganda ng boses.

Pero dahil mabait kaming kaibigan ay hinayaan na namin, bahala siyang maka figure out nun ng sarili niya.

"Tatakbo, tatalon ang barkada mo'ng tunay aawit sayo." Napatigil kami ni Monique sa pag kanta at napatingin lang kay Keoni na patuloy padin sa pag kanta.

"Nyare teh? Hindi kami na inform na naiba yung lyrics ah."

"Bulag ka ba? Andiyan na yung lyrics sa screen!"

Kaniya kaniya naming reklamong dalawa ni Mon. Tumigil naman sa pag kanta si Keoni at nag peace sign sa amin.

"Sorry na, hindi ko alam na sa This Band pala kinakanta natin. Akala ko kasi yung Awit ng barkada kinakanta natin, hehe." Alanganin nitong sagot kaya sinamaan namin siya ng tingin.

"Ayoko na nga kumanta, na badtrip na ako sayo. Kakain nalang ako." Turan ni Monique at lumabas ng karaoke booth. Sumunod naman ako. Narinig ko pa ang pag sigaw ni Keoni ng "Wait." pero hindi ko siya inintay.

"Oyyyy! Mga lintek nang iiwan, fake friends!" Reklamo nito ng makasabay na namin siya sa pag lakad.

Hindi naman namin siya pinansin ni Monique.

"Teka, saan ba tayo kakain?" I asked Monique when she stopped walking and roam her eyes around. Probably looking for something to eat.

"Ayy mga besh speaking of pag kain may tanong ako." Keoni said at inakbayan kami.

"What is it?" I asked.

"Bumili ba kayo ng siomai kanina dun kila Jasmine?" Tanong ni Keoni kaya napatingin kaming dalawa ni Monique sa kaniya.

"Oo, bakit?" Sagot ni Mon ng lingonin niya ito.

Luminga linga naman si Keoni at lumapit pa sa amin bago bumulong. "May nakita daw kasing patay na daga dun."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Hala seryoso ka!?"

"Oo daw." Sagot nito at dismayang umiling iling.

Napahawak naman si Mon sa bibig niya at parang masusuka.

"Pero don't worry kasi diba yung siopao gawa daw sa pusa? Kaya ito oh, bili na kayo tag trenta lang para pag kinain niyo 'to hahabulin ng pusa yung daga sa tiyan niyo. Sige na, trenta lang oh. Mainit pa." She suddenly said and pull the tupperware na pinag lalagyan ng tinitinda niyang siopao kaya yung kanina kong nandidiring mukha ay napalitan ng pag ka inis.

"Yawa ka! Sisiraan mo pa yung siomai nila Jasmine para lang makapag benta ng siopao mo. Sira ulo!" Monique said and repeatedly hit Keoni with the empty water bottle that she was holding.

Hindi ko naman siya pinigilan dahil buti nga sa kaniya yan. Kahit kailan talaga hindi normal ang pag iisip ng isang 'to.

Tsk. Deserve besh.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon