Chapter Thirteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Napa busangot naman ang muka ko dahil lahat ng itinuro ko ay ayaw niya. "Ma'am akala ko po ba anything?"

"Yes, but I don't like those stuffs that you just said." Sagot naman niya at tinaasan ako ng kilay.

"Eh ano po bang gusto niyo?"

"Anything." Muli nitong sagot kaya tumigil ako sa pag lalakad at napatigil din siya.

"Ma'am wag niyo po sanang mamasamain itong itatanong ko pero... adik ka po ba?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Do I look like an addict Yves?" She asked.

"Oo, adik sa'kin." Agad kong sagot.

Nanlaki naman ang mata ko ng hindi ko napigilan ang bibig ko na sabihin iyon sa kaniya. Shutang bibig talaga 'to.

Mapapadasal kana lang na sana bumuka ang lupa at lamunin ako.

Babawiin ko na sana ang sinabi ko ng mag salita siya na mas lalong ikinalaki ng mata ko.

"Maybe."

Nag init naman ang pisnge ko at napa awang ang bibig lalo na ng bigla ako nitong kindatan.

"M-Ma'a---"

"Sorry to interrupt po Miss Keller and Miss Cleomonte pero part po ng booth 'to eh. Sorry po, bawal Kj." Putol naman ng lalaki sa amin at hinila kami papunta sa kung saan.

"Random dancing!" Sigaw ng isa sa kanila. May mga iba ding students dito na kasama namin.

"Sorry po Ma'am para sa grades lang po." Pag hinge ulit ng paumanhin nung lalaki na nang hila sa amin ng mapansin niyang naka simangot ang kasama ko.

'When marimba rhythms start to play
Dance with me, make me sway
Like a lazy ocean hugs the shore

Hold me close, sway me more'

Tumugtog ang isang music kaya nag tataka akong napatingin sa mga kasama namin ng mag simula silang mag sayaw samantalang nanatili lang kami ni Ma'am na naka tayo at hindi alam ang gagawin.

"Ang hindi po mag sasayaw ma didissqualified at mababawasan yung points nung nag recruit.." Sabi nung isang babae na sumigaw ng random dancing kanina.

"Sorry pero bahala ng madissqualifie--"

My sentence got cut off when Miss Cleomonte held my waist and pull me closer before swaying her hips to the beat of the song making my eyes widen and my cheeks blush.

Eyyy Mommy ang hot.

Ramdam na ramdam ko yung katawan niyang naka dikit sa akin habang para lang akong tuod na hinahayaan siyang kontrolin ang katawan ko.

Iniiwas ko ang paningin ko pero hinawakan niya ang pisnge ko at ipinaharap lang ako sa kaniya.

'Other dancers may be on the floor
Dear, but my eyes will see only you
Only you have that magic technique
When we sway, I go weak'

Katulad ng nasa kanta, nanlambot din ang tuhod ko lalo na ng mag salubong ang mata naming dalawa.

Pinaikot niya ako bago ulit hilain palapit sa katawan niya at nag patuloy sa pag sasayaw. I didn't know how my body knows the steps, kusa lang itong sumusunod sa mga galaw ni Miss Cleomonte.

'When marimba rhythms start to play
Dance with me, make me sway
Like a lazy ocean hugs the shore
Hold me close, sway me more'

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon