Chapter 28

23.7K 603 42
                                    

One week passed but Sevyn's crying face stuck in her mind. Her cries felt like knives stabbing her heart multiple times. She was watching her daughter who's deeply sleeping. Pagkatapos niyang puntahan si Iphraim sa kuwarto at makumpirmang tulog ay lumipat siya sa kuwarto ng kaniyang anak.

It's ten in the evening but she can't sleep. Hindi niya magawang matulog ng maaga lalo na kapag alam niyang may dinadamdam ang kaniyang mga anak, specially Sevyn. She maybe jolly but so sensitive. Ang dali nitong umiyak at masaktan, namana ata sa kaniya.

Father's day is getting near and she doesn't know what to do and how to talk to the twins. Sa tuwing nagtatanong ang mga ito kung nasaan ang ama nila ay lagi niyang sinasabing umalis ito at hindi niya alam kung babalik pa ba o hindi.

They always ended up not asking about their father.

Wala na siyang balita kay Night mula no'ng umalis ito, pati si Mecy ay wala na siyang alam. Wala siyang kontak sa kaniyang kaibigan.

Since the Valencias left, naging tahimik na rin ang mansiyon sa tuwing dinadalaw niya roon si Ellis. Ang balita niya ay ang tatay na ni Gabrielle ang pinagkatiwalaan ni Don Enrico sa hacienda at plantasyon.

Ora is living with her, pinilit niya itong tumira muna sa kaniya no'ng panganak pa niya sa kambal. Ang akala ng matanda ay pamsamantala lang but she convinced her kaya magkakasama na sila sa iisang bubong ngayon.

Umupo siya sa gilid ng kama ni Sevyn at hinaplos ang mahabang buhok nito.

"I'm sorry, baby." she apologized and kissed her cheek.

Narinig niya ang mahinang daing ng kaniyang anak at bahagya pang gumalaw.

"P-Papa..." Sevyn muttered while asleep.

Pinakinggan niya ang bawat bulong at paghinga nito. Nang matanto niyang malalim na ulit ang tulog ni Sevyn ay pumuwesto siya sa kanang gilid nito at dahan-dahang humiga, nag-iingat dahil baka magising ito.

Niyakap niya ang kaniyang anak pagkatapos at pumikit.

"M-Ma,"

Napangiti siya dahil sa mahinang anas nito.

"Sweet dreams, Sevyn." she whispered in her ear. "I love you, always." dagdag niya bago pumikit.

Kinabukasan ay maaga silang pumasok, katulad ng lagi nilang ginagawa. Hinatid niya ang kambal at nagpaalam sa mga ito bago hinanap si Ayesha.

Nakita niya itong nagmamadaling maglakad sa hallway kaya pinuntahan niya ito agad.

"Ayesha," tawag niya sa babae.

Agad naman itong lumingon at nang makita siya ay ngumiti ito.

"Oh, Risha?" taka nitong tanong.

"May itatanong lang sana ako." seryoso niyang sambit.

"Ano 'yon?"

Tumingin muna siya sa palagid kung may nakatingin sa kanila pero nang makitang wala ay 'tsaka siya nagsalita.

"Sa darating na father's day, puwede bang hindi na sumali ang mga anak ko?" tanong niya. "These past days, laging umiiyak si Sevyn. Naaapektuhan na siya at ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan. She's very sensitive pagdating sa mga bagay tungkol sa kanilang tatay." paliwanag niya.

Trapped In Midnight (Complete)Where stories live. Discover now