Her eyes slowly opened when she heard someone's voice called her.

Pagdilat niya ay bumungad sa kaniyang mata ang mukha ni Ora.

"Nananaginip ka na naman." mahina nitong wika.

Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal.

"Anong oras na, 'Nay?" paos niyang tanong.

"Alas-siyete pa lang. Nakapag-luto na ako, maaga akong papasok sa mansiyon ngayong araw." sagot nito.

Nagtaka siya nang nang umangat ang kamay ng matanda at may kung anong pinunasan sa pisngi niya. Agad naman niya itong hinawakan.

"Umiiyak ka na naman." saad ng matanda nang mapunas ang kaniyang luha.

She sniffed and awkwardly laughed, siya na ang nagpunas sa kaniyang pisngi.

"Naalala mo na naman ang nakaraan?" tanong ni Ora sa kaniya bago naglakad palapit sa malaking bintana ng kaniyang kuwarto at hinawi.

Malungkot siyang ngumiti. "Napanaginipan ko lang po." she said, almost a whisper.

"Alam kong masakit pa rin hanggang ngayon para sa'yo ang nangyari pero patuloy pa rin akong magdadasal para sa sarili mong kaligayahan, 'nak. Nakuha mo na ang lahat-lahat pero ramdam kong may kulang, hindi ka masaya." anito.

Tumawa siya ng mahina. "Ano ka ba, Nanay. Masaya ako kasi nandiyan kayo. Si Sevyn at Iphraim, sapat na 'yon para maging masaya ako."

Bumalik ito sa kaniya. "Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling, kilalang-kilala kita." tanging untag ng matanda at naglakad sa kaniyang pinto. "Lalabas na ako para gisingin ang mga bata, bumangon ka na rin d'yan."

"Opo, 'Nay." mabilis niyang sagot.

Nang makaalis ito at nakahinga siya ng malalim. Bumaba siya mula sa kaniyang kama at itinali ang kaniyang buhok bago tinungo ang banyo para maligo.

Pagkatapos niyang maligo at agad siyang nagbihis ng kaniyang uniporme sa paaralan, kinuha ang kaniyang handbag pagkatapos ay lumabas na para bumaba. Diretso na siyang naglakad sa dining area at agad niyang nakita ang dalawang anak na nakaupo roon.

"Magandang umaga," bati niya sa mga ito.

Sevyn quickly glanced at her with a wide smile on her face, bumaba ito mula sa silya at sinalubong siya ng yakap.

She looks cute on her tiny uniform.

"Good morning, Mama. Have you slept well?" malambing nitong tanong.

She bent down and kissed her daughter's forehead.

"Yes, I slept well. How about you and Iphraim?" binalingan niya ang anak na lalake, at gaya ng inaasahan niya ay abala itong magbasa ng comic book.

Hinawakan niya ang kamay ni Sevyn at sabay silang lumapit kay Iphraim, her daughter went back to her seat kaya umupo na rin siya sa dulong bahagi ng lamesa habang ang dalawa ay nasa magkabilang side niya.

"I had a dream about unicorns, Ma. We flew daw po sa sky and then-"

"Unicorns are not real, Sevyn. They don't exist." Iphraim unexpectedly interrupted while his eyes remained on the book he was reading.

Trapped In Midnight (Complete)Where stories live. Discover now