Shocks.. si Trevor. Bakit si Trevor pa?

Simula kasi nung sinabi nila na may gusto sa akin si Trevor ay umiiwas na ako sa kaniya. Hindi na ako sumasama kapag nag aaya siyang mag sine or kumain sa labas. Sa banda nalang talaga kami nag kakasama ng matagal kapag may gig kami sa night harbour. Ayaw ko kasing isipin niya na may chance siya sa akin, kaya habang maaga pa ay umiwas na.

Nag isip ako sandali habang nakangiti lang yung babae sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Pwede ko naman I accept pero ayoko naman siyang maka date pati baka akalain niya gusto ko din makadate siya if ever na pumayag akong tubosin niya ako.

I know that he's my friend pero...

"No. I decline. Pasabi naka tulog ako dito sa loob." Kakamot kamot sa ulo kong sabi sa babae. Bahagya naman siyang napatawa at tinanguan nalang ako.

Haish, now I have to wait nalang talaga na mag uwian para makalabas ako dito. Kamusta na kaya si Mon? Natubos na kaya siya?

My thoughts got interrupted when someone knock. The girl from earlier look at me apologetically.

"Ang malas mo Ate." She said kaya napa kunot ang noo ko.

"Bakit? Anyare?"

"You can't decline na po dahil nagamit niyo na yung chance niyo kanina pero Ate I will make an exception for you po if you want." Sagot nito at napalabi pa. Nag tataka ko lang siyang tiningnan.

"Bakit? Sino bang tumubos sa akin?" Curious kong tanong. Is that person bad ba kaya ganyan reaction niya?

"Si Miss Sungit po este Miss Cleomonte po. Kaya Ate bigyan kita isa pang chance na mag decline, sabi kasi niya may ipapagawa siyang paper works sa inyo. Kawawa naman po kayo kasi hindi niyo maeenjo--"

"It's okay. I don't need another chance." Agad kong putol sa kaniya. Nag tataka niya lang akong tiningnan.

"Sure ka po Ate? Si Miss Cleomonte yung tutubos po sa inyo." Pag uulit niya. I nod at her at inayos ang buhok ko.

"Hala ang weird mo Ate, hindi ka natatakot po dun? Ang terror kaya nun." She asked and i laugh.

"Hindi na, immune na ako sa pagiging terror niya." Sagot ko at kinindatan siya.

"Omg, crush mo ba po siya?" Tanong nito na ngayon ay parang tila kinikilig na.

"Gagieks... hindi. Palabasin mo na nga lang ako, marites 'to." Tugon ko at nag iwas ng tingin dahil ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko.

Nginitian niya ako ng makahulogan bago ako pinalabas sa jail na ginawa nila. Napatingin ako sa paligid na parang naninibago dahil halos mag dadalawang oras din ata akong puro karton na pader ang nakikita.

"Tsk, stupid. Are you looking for someone?" A cold voice asked. Hindi ko naman siya nilingon.

"Yup. I was looking for this gorgeous woman who bailed me out. They said that she's smoking hot." Sagot ko at lihim na napangiti ng lingonin ko siya.

Mag kasalubong lang naman ang kilay niya at ang sama ng tingin sa akin. Parang gusto na ata akong lapain ng buhay.

"I'm the one who bailed you out, stupid!" Irita nitong turan.

Pabiro ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa at kunyareng napangiwi. "Ikaw na pala po yun? Medyo disappointi---Aray ko naman! Napaka brutal nito."

Pinitik lang naman niya ang bibig ko kaya napasimangot ako.

"Nag bibiro lang naman ako." I muttered but she's still glaring at me.

"Tsk. Idiot. Follow me," Utos nito at naunang mag lakad kung saan.

Miss Cleomonte's SlaveWhere stories live. Discover now