Chapter Twelve

Magsimula sa umpisa
                                    

"Are you Yves Keller and Monique Laurel?" Biglang sulpot ng babaeng naka suot ng parang criminology na uniform.

"Yes.. why?" Takang tanong ko. Bigla naman nila kaming pinosasan at nilagyan ng piring sa mata.

"Hey! What's going on?" I heard Monique ask them.

"Sorry po utos po 'to ni Miss Keoni, naka salubong po namin. Pinapahuli niya po kayong dalawa dahil fake friends daw po kayo." Paliwanag ng isa.

Patay ka talaga sa'kin mamaya Keoni, gagawin kitang longganisa.

Naramdaman ko'ng inalalayan nila ako papunta sa kung saan. Rinig ko pa ang pag angal ni Mon pero mukang hindi naman nakikinig itong mga humuli sa amin.

"Paano kami makakaalis dito?" Tanong ko.

"Kapag po may tumubos na sa inyo. Yung tutubos po sa inyo ay makakadate niyo po for one day." Someone answered me and I frown.

"What if we don't want to date that person? Pwede bang manatili nalang sa loob ng prison?" Muli kong tanong.

Naalala ko kasing may isa akong selosang Master Elsa este Master Cleomonte pala na nag bibigay ng parusa kapag hindi nagugustuhan ang ginagawa ko. Mahirap na, iwas na iwas pa naman akong maparusahan ngayon.

"Pwede po kaso po isang chance lang po ang ibibigay sa inyo na tanggihan ang tutubos sa inyo. Kapag nagamit niyo na po ang chance na yun ay hindi na kayo pwedeng humindi sa next na tutubos sa inyo." Pag papaliwanag ulit nito kaya medyo natuwa ako.

Ngayon ang need ko lang ay mag dasal na sana ay walang tumubos sa akin. Bahala na kung mag hapon akong nasa loob ng jail nila basta walang punishment na matatanggap.

"We're here na po." I heard someone say and remove the blindfold and the handcuffs.

Iminulat ko ang mata ko at agad iyong iginala para hanapin si Mon pero nagulat ako ng mag isa lang ako sa maliit na kwartong gawa sa karton.

Medyo ang creepy kasi walang kahit anong butas ito bukod lang sa isang parang pinto kung saan kami pumasok kanina. Maririnig mo din ang ingay mula sa labas.

"Asaan yung mga kasama ko? Tsaka si Monique? Bakit ako lang mag isa?" Tanong ko sa babaeng nag dala sa akin dito bago pa niya ako maiwan sa loob.

"Ahh nasa kabilang room lang din po. Hindi po kasi pwedeng ipag sama sama." Sagot nito at iniwan na ako.

Hala. Now what am I supposed to do here? Pansin ko kasing wala yung bag ko, nasa loob kasi nun ang phone ko kaya for sure mabobored talaga ako dito.

Naupo nalang ako at ipinikit ang aking mata bago mahinang kumanta para mailabang ng kaonti.

Pero walang effect, naka ilang kanta na ako at bored na bored na talaga ako. Hihiga, uupo, kakanta at sasayaw sayaw lang ang ginagawa ko para aliwin ang sarili ko pero no effect mga mars. Binabawi ko na yung sinabi ko kaninang kaya kong tumagal dito kahit hanggang mamayang hapon. Lintek na presinto 'to mababaliw ako ng maaga, wala akong makitang kahit ano.

Can someone pleassssseeeee tubos tubos me naaaa??

Kapag nakita ko talaga iyang bwiset na Keoni na yun babalatan ko talaga siya na parang saging.

May narinig akong mahinang katok kasabay ng pag bukas ng pinto na gawa din sa karton.

"Thank God! Sinong tumubos sa akin? Babae or lalaki?" Agad kong tanong. Bahala na si batman sa magiging punishment ko pero need ko na lumabas dito.

Nakaka baliw pala sa ganito. Fudge.

"Lalaki po. His name is Trevor Pangilinan po. Would you like to accept his offer po or decline?" The girl said and smile widely at me na parang kinikilig ng banggitin niya ang pangalan ni Trevor.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon