Dapat mapanatag ako sa sinabi niya e dahil parehas kami nang opinyon. Pero bakit hindi ako naging masaya? Bakit ansakit sa dibdib? Ayoko nang ganito. Sobrang nanghihinayang ako. Gusto kong matanggal ang sakit sa puso ko. Bakit ba ganito palagi?

Gustong-gusto ko si Anton. Gustong-gusto ko siya pero bakit hindi niya iyon makita?!

Iniiwas ko ang aking mga mata sa kaniya. "Right," tugon ko. 

Binuksan ko ang pintuan at bumaba na sa sasakyan. Hindi ko na siya hinintay at dumeretso na sa bukana ng simbahan. Naguumpisa na ang misa. Kaya marami na ang mga tao sa loob ng simbaha, ang iba'y nagdala nalang ng mauupoan para sa labas nalang ng simbahan makikinig. Mabuti nalang at mayroong bakanteng upuan na nakahanda agad para sa pamilya namin pero nakakahiya pa rin na umupo doon lalo na ngayon na naguumpisa na ang misa. 

Naabutan ako ni Anton kaya sinamahan niya nalang akong tumayo sa gilid. Nagkwekwento ang pari tungkol sa pagmamahal ng isang tao na hindi nasusuklian ngunit hindi nito alam na sobra-sobra pa ang pagmamahal na ibinabalik sa kaniya ng panginoon. Nawalan siya ng pag-asang mabuhay sa mundo ngunit nasa likod niya lang palagi ang panginoon upang gabayan siya. 

Hindi man natin nararamdaman ngunit alam natin na mawala man ang lahat nandyan pa rin siya para sa atin. Mamahalin pa rin niya tayo at papatawarin sa lahat ng ating mga kasalanan. 

Kaya natapos ang misang bahagyang guminhawa ang aking pakiramdam. Limitado lamang ang lumalabas sa aking bibig kapag kinakausap ako ni Anton. Oo, kinakausap dahil hindi ko siya kinakausap pwera nalang kapag siya ang kumausap sa akin. 

Nabigla ako ng ihinto ni Anton ang sasakyan sa parke. Umayos ako ng upo at nanatili ang paningin sa labas ng bintana. Naramdaman ko kung paanong tumagilid siya ng upo paharap sa akin at tiningnan ako. Mabibigat ang tingin na iyon na halos ikawala nang aking hininga. 

Mas lalo lang ako napahugot ng hininga ng hawakan niya ang aking kamay. "Bebs..." tawag niya. 

"Hmm?" Ani ko nang hindi siys tinitingnan. 

"Galit ka pa rin ba sa akin? Sorry na oh, ayokong nagkakaganito tayo dahil lang doon. Please, patawarin mo na ako." 

I sighed. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit gaano ko man ka gustong hindi ko siya pansinin pero nagiging marupok pa rin ako. 

"Hindi ako galit." Naaawa lang ako sa sarili ko. "No need to say sorry, Anton. Ganito lang ako kapag nalalaman kong nagsisinungaling ang mga tao sa paligid ko." 

Siguro base narin sa experience. Nagsisingungaling sila sa akin. Nagpapakitang nagbago na pero ang totoo uulitin pa rin nila ang kasalanan nila. 

"Still," hinawakan niya ako sa pisngi at hinimas ito. Nakipagtitigan ako sa kaniya ng maramdaman ko ang malambot niyang tingin. "Best friend kita at ayokong nagagalit ka sa akin. Ano gusto mo? Food trip? Gala tayo o gusto mong sumakay ng kabayo?" 

Tuluyan na akong napangiti. "Mas gusto ko yung una." Namula ako ng tumawa siya. Kinagat niya ang pangibabang labi dahilan upang mas mamula ito. 

"Food trip, hmmm... ikaw pa rin yung best friend kong matakaw at tabatchoy!" 

Tinampal ko ang kaniyang pisngi at sinamaan siya ng tingin. "Epal ka talaga!" 

"Sadista ka naman!" Aniya habang nakahawak sa kaniyang pisngi. 

"Hmp! Mag drive ka na nga baka magbago pa isip ko at ipalamon kita sa shark." 

Tumawa lang siya at nagsimula nang mag drive. 

Isla Amore is our home. Kabisado ko na ang bawat sulok ng probinsyang ito pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa mga nadadaanan namin. Pakiramdam ko'y bawat nadadaanan namin ay mayroong pagbabago. Binaba ko pa ang bintana ng kotse para mas maramdaman ang sariwang hangin at mas makita ang asul at patag na dagat. 

"Kain pa!" Ani ni Anton at binigay sa akin ang isa pang isaw. 

"Napapansin kong bigay ka ng bigay sa akin ng mga pagkain. Pinapataba mo ba ako ha!" Akusa ko sa kaniya. 

"Uy, hindi ah. Pero pwede narin, tingnan mo nga katawan mo—ang payat-payat mo na!" 

"Eh, ano naman ngayon kung payat ako." agap ko.

"Payatot ka kasi hindi ka kumakain ng marami!" Ani niya at ibinigay na naman sa akin ang isang kwek-kwek. Agad ko naman itong tinanggap. 

"Kumakain ako nuh," simangot ko. Halos hindi pa maayos ang aking boses dahil sa dami ng pagkaing nasa bibig. "Iyon nga lang, hindi maramihan. Kung ano lang kaya ng tiyan ko, hanggang doon lang ako. Kasalanan ko bang kain ako ng kain hindi naman ako tumataba." 

"Kaya nga, kumain ka pa para mas tumaba ka." 

Napailing-iling nalang ako. Hindi talaga magpapatalo itong lalaking 'to. Kaya nung matapos kami kumain ng mga streetfoods ay busog na busog na ako. 

Hindi pa doon natapos ang araw namin dalawa. Nag-aagaw na ang hapon at gabi ng makalabas kami ng katabing probinsya. Dadayo pa kami sa kabila pang probinsya para matikman daw ang sikat nitong milktea shop. 

Hindi naman ako nabigo. Hindi lang napuno ng milktea ang aking tiyan, nakapag relax din ako at nakapaglaro sa arcade sa katabing mall. 

Being with him, makes me want to forget the reality. Para na kaming nagdedate ni Anton sa ginagawa namin. Gusto kong palagi kaming ganito at gusto ko ang atensyon na binibigay niya ngayon sa akin. Pero alam ko na hindi rin magtatagal ang atensyon na iyon. 

May girlfriend siya at bestfriend niya lang ako. Balang araw matatapos rin ang mga panaginip ko. Gustohin ko man manatili sa tabi niya pero hindi pwede. Ayokong magkagulo sila ng kaniyang nobya dahil sa akin na kaibigan niya lang. Ayokong maging hadlang sa relasyong binuo nila. 

Gusto ko man siya pero hindi ko pwedeng sabihin iyon. Hanggang gusto lamang ako dahil kahit kailan hindi ko siya maaabot tulad ng gusto ko. 

 
Itutuloy....

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora