Sinimulan ni Ate Saharah ang pakikipagbahagi ng kaniyang sariling pyesa. Sinabayan siya ng isang sikat na singer at doon ko lang nalaman na collab pala iyon nila. Sobrang ganda at halos mapaluha na ako sa sakit ng mga salita mula kay Ate Saharah na isang manunula at sa singer na kinakanta ang patok na kanta ngayon. 

Nagpatuloy pa ang event at pansin ko rin ang pagdami ng mga tao sa Poetro bar. Puno na ang buong resto bar kaya ang iba'y nakatayo nalang para masubaybayan lang ang mga piyesang ibinabahagi ng mga manunula. 

"Are you okay?" Bulong ni Phoenix ng balingan niya ako. Napansin niya sigurong tahimik lang ako st kinakabahan. 

"Not, really." Pag-amin ko. Sino ba naman hindi kakabahan e ako na sunod magpeperform. 

First time ko ito. I'm glad dahil matutupad ko na ang isa sa mga backet list ko ngayon pero nakakakaba siya lalo na't ganito karaming tao ang manonood sayo. Nakakapangliit. Nakakatakot tuloy magkamali. 

"It's okay, nandito naman ako e— kami." Hinawakan niya ang kamay ko. "Don't worry, okay? Kung nandito lang si Lolo baka kanina kapa niya pinagalitan." Ngumuso ako. 

Okay, para na rin ito kay Lolo. Kung nakakalabas nga lang si Lolo baka kanina pa siya dito't sinusuportahan din ako. 

Mas kinabahan pa ako ng ako na ang sunod na tinawag upang mag perform. Tinapik lang ni Phoenix ang aking balikat bago ako tumayo na. Malakas silang nagpalakpakan lahat lalo na nung umakyat na ako ng stage. 

Bumuga ako ng malakas na hininga bago hinawakan ang mikropono at ngumiti ng malaki. Nilingon ko si Kuya Cleaford at tumango. Tumango rin siya pabalik at inumpisahan nang kalabitin ang bawat string ng guitara dahilan upang lumikha ito ng tono. 

"Minsan na rin ba kayong nagmahal ng taong umpisa palang nakikita na agad ang future niyong dalawa. Yung umpisang ang kasal-kasalan ay hahantong sa kasalan. Maaaring wala naman problema kung pangarapin natin ang mga bagay na nagpapasaya sa atin pero paano kung... paano kung natapos na ang lahat? Matutupad pa kaya ang mga panaginip mo para sa inyong dalawa? Ang piyesang ito ay pinamagatang...Kapag natapos na ang lahat ni Beverly Garcia."

Nagpalakpakan ulit lahat matapos ko iyong sabihin. 

"Kapag natapos na ang lahat...
Sa libro, kapag nagbabasa tayo
Malalaman natin agad kung saan ang umpisa ng kwento,
Ang gitna, at ang wakas nito...
Kapag nagbabasa tayo,
Doon natin malalaman na may mga eksena sa kwento,
Kung saan, sasaya tayo...
At kung saan, masasaktan tayo ng todo.
Dahil iyon naman talaga ang mahalaga sa isang kwento,
Yung umpisa kung saan niyo sinimulan ang pagmamahalang binuo niyo ng magkasama,
Kung saan, na tanging papel at lapis lamang ang inyong hinahawakan,
Ang mga pangakong pilit niyong
pinanghahawakan,
At ang mga laruang sabay niyong
pinaglalaruan
Dahil ang mga iyon ay isang patunay na ang saya ng inyong kabataan.
Ang saya ng simula,
Ang saya kapag ang mga bagay na iginuhit ninyo sa panaginip ay mararamdaman niyo parin sa
inyong paggising,

"Ang pagmulat ng inyong mga mata tulad ng mga bagong umagang sabay niyong nakita,
Ay para na rin bagong bukas lamang na kwentong hindi niyo inaasahang hahantong sa gitna,
Kung saan ang tanging kaibigan lamang ay maibibigay ay magiging magka-ibigan
Na kung dati’y ang nakaraan niyong dalawa ay tanging mga memorya lamang ng mga batang character sa pelikula o kwentong tanging mga bata lamang ang makakabasa,

"Pero andito na kayo kung saan ang kwentong hindi niyo na mabura ng basta-basta,
Ang kwentong parehas niyong sinuong na magkasama,
Na kahit kumunoy man ang matapakan,
Sabay niyo pa rin iiwasan.
Na kahit gaano mang karami paninira anh matanggap niyo,
Andon pa rin kayo sa puntong lalaban kayo,
Sapagkat sa umpisa palang ng kwento'y iyon na agad ang pinangarap niyo.
Ang labanan ang pag-ibig,
At tangihan lahat ng problemang dadating.

"Sa gitna ng kwento,
Naging saksi kayo kung paano niyo binuo ang mga salitang inipon ng kahapon.
Ang mga salitang pumuno sa isang pahina,
At ang salitang tanging mga guwardiya ng memorya lamang ang makakabasa.
Sa gitna ng kwento doon niyo nalaman na pag-ibig ay hindi lamang pag-ibig lang,
Na ang pag-ibig na hiniling niyo kay
bathala ay hindi puro kasiyahan lang,
Dahil umabot na kayo sa puntong pakiramdam niyo malapit ng matapos ang masasayang panaginip niyo.
Tulad ng unang beses niyong idinilat ang mga mata niyo,
Didilim ulit iyon sa bawat pikit niyo at lakad niyo palayo.
Sa bawat patak ng luha niyo na bumubuhos na parang ulan na hindi tumitila kapag may bagyo.
Dahil yung gitnang ibinahagi niyo sa mga mambabasa ay hindi na maiitindihan ng mga bata,
Dahil ito ay gitna kung saan ang pag-ibig na ang kalaban,
At kayo ay lumalaban. 
Pilit niyong pinaglalaban ang pag-ibig na sumusuko na. 

"At umabot na nga tayo sa pang-huling pahina, 
Ang panghuling pahina ng kwentong unti-unting matatapos na, 
Ang pagmamahalang unti-unting matatapos na.
Doon niyo malalaman na ang mga dating karakter sa pelikula ay iba. 
Na kung dati ikaw ang kabilang sa pangunahing tauhan 
Ngayon ay naging ekstra nalang. 
Na kung dati sabay niyong sinabi sa isa't-isa na kayo lamang at wala ng iba
Ngayo'y ay nagmistulang panaginip nalang 
Dahil ang storyang binuo niyong dalawa ay matagal nang tapos na. 
Ang storyang nagpabago ng buhay niyong dalawa ay tanging papel na nabasa ng sakuna at ang lapis na panulat ay nawala na.
Kaya't sa panghuling kabanata ng inyong kwento,
Hindi na siya at ikaw ang tauhan ng kwento.
Kundi siya at ng bagong mahal niya simula ng magtapos ang inyong kwento,
At ang tanging magagawa mo nalang ay pakawalan siya,
At balang araw, maghihilom din ang lahat. Tiwala lang.
Dahil kung natapos mo man ang kwento niyong dalawa. 
Matatapos mo rin ang sakit at maghihilom rin ang pag-ibig na hiniling. 
Maraming salamat!" 

Kanina pa ako nakakarinig ng komento mula sa madlang nanonood sa akin ngayon. Lahat sila'y naririnig ko at nasiyahan ako ng makita at marinig ang sari-sari nilang reaksyon.

Inilibot ko ang aking paningin sa kanilang lahat. Hindi ako makapaniwalang nagustuhan nila ang aking ginawa at hindi ako makapaniwalang gusto nila akong umulit pa! Ang saya ko! 

Umawang ang aking bibig ng habang nililibot ko ang aking mga mata'y dumapo iyon sa taong hindi ko inaasahang narito ngayon. 

Malaki ang ngiti. . .

Pormado at mapaghahalataang hindi taga Isla Amore . . .

Ang gwapo!

"Antonio..." 

"Congratulations! I'm so proud of you, baby." Mahina niyang sambit.

Hindi ko ito naririnig pero nabasa ko ito mula sa kaniyang labi. 

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Dali-dali akong bumaba ng stage at tinakbo ang daan patungo kay Anton. Ni hindi ko na nga napansin si Phoenix na nakaabang sa aking pagbaba! Naroon lamang ang aking mga mata kay Anton na parang siya lang ang pwedeng dapuan ng magaganda kong mga mata. 

"Anton!" Sigaw ko at niyakap siya ng mahigpit. 

Tawa siya ng tawa habang sinusuklian ang aking yakap. 

"Surprise, Miss me?" Rinig kong bulong niya. 

Sunod-sunod akong tumango at hindi mapaiwasang mapaluha nalang. 

"I missed you..." bulong ko rin pabalik. 

I missed him so much! hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nandito siya ngayon, sa importanteng araw ko. 

Hindi na niya ako iiwan pa. 


Itutuloy. . .

UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant