"Doc! Why she's not responding? I thought she is okay?"

"B-But Mr. Escarra,ayos naman po talaga siya. I already checked her all. Besides hindi naman siya nasagasaan. Based on our check-up,na overfatigue siya. Maya-maya lang maaari na siyang lumabas."

Muli pa sanang magsasalita ang lalaking nang sumabat na ako. "I-Im fine po." paos na sagot ko.

They both sigh in relief. Nauna nang magpaalam ang doktor nang masiguro niyang ayos na ang kalagayan ko. Ngumiti naman ako bilang pasasalamat at saka humarap sa lalaking estranghero na kanina pa nakatitig sa akin.

Tatayo na sana ako para umalis ngunit agad na pinigilan ako ng lalaki. "No. Huwag ka munang tumayo,kailangan mo pa ng mas mahabang pahinga. Didn't you what the doctor said? Na overfatigue ka daw kaya mas mabuti magpahinga ka muna. And wait me here,okay? Bibili lang ako ng makakain mo." saka siya dali-daling lumabas para bumili daw ng pagkain.

Napailing nalang ako ng hindi ko na siya napigilan pa. Halatang nagmamadali eh. Nabayaran ko nalang siguro yung bibilhin niyang pagkain.

Habang nagmumuni-muni ako naalala ko nga palang may trabaho pa ako. Napasapo ako ng noo. Shit. It's already six in the evening. Hindi na ako nakapag trabaho. Ano ng maibibigay kong pera kay Mama. Baka palayasin ako non.

Problemadong-problemado ako nang dumating ang lalaki.

"Here. Kainin mo lahat Ito para gumaling kana agad." sabi nito habang binubuklat lahat ng kaniyang mga pinamili.

"Salamat? Sino ka? Anong pangalan mo?" kuryosong tanong ko dahil hindi ko man lang kilala ang lalaking kasa-kasama ko ngayon.

"Ah yeah. I forgot. I'm Zachary Ned Escarra,but you can call me Zane. And you?" nakangiting pagpapakilala nito. Tengene. Lalo siyang gumwapo. Huhuhu aykenat.

"A-Ah. Ako naman si Zahra Calynn Villin." nahihiyang pagpapakilala ko naman.

"Nice name." komento niya. Katahimikan ang bumalot sa amin habang kumakain ako. Kanina inalok ko siya ngunit tinanggihan niya. "Uhm. I'm sorry kung nabangga kita kanina. Hindi ko talaga na tatawid ka pala. Bigla nalang kasing tumunog yung phone ko and then I panicked. I'm really sorry." nakayukong pagpapaumanhin nito. "But don't worry sinagot ko na lahat ng mga gastusin mo sa hospital and your medicines too. If you need anything just call me with my calling card. Here." sabay abot nito ng isang calling card.

"Hindi naman na kailangan yan eh. Diba Sabi ng doktor,wala naman akong disgrasya? Ibig sabihin nahimatay lang ako kanina kaya hindi mo na kailangan bayaran pa ang mga yan. Kain at sapat na tulog nalang siguro." I warmly said. He smiled in relief.

"I see. Uhmm,if you don't mind,uh..can I ask you something?" He hesitating ask. I nod as my answer.

"What happened to you? Why did you overfatigue? You didn't eat then you are lack of sleep?"

Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain sa kaniyang tanong.

"It's okay not to answer I'm just----"

"Nagtitipid ako." maikling pagputol ko sa kaniya. "Kailangan kong makauwi ng pera para maibigay kay Mama kasi.. kasi ipambibili namin ng pagkain,yun tama! Pambili namin ng pagkain." I fake smile to him. I lied to him so he wouldn't ask question again.

"Oh okay. I understand." nakumbising sagot niya.

Itinabi ko na ang pinagkainan ko nang matapos akong kumain. May natira pa ngunit hindi ko man ginalaw.

"Sigurado ka bang ayaw mong kumain? Bale isang oras na niyan tayo dito diba? Hindi ka pa ba nagugutom? Kaninang five nung nahimatay ako tapos ngayon magse seven na." muling pang-aalok ko sakanya.

"I'm fine. Mamayang kauwi ko nalang ako kakain. Dalhin mo nalang yang natira dahil kailangan mong ubusin,okay? Sayang naman."

"T-Talaga? Sige salamat. Uh,pwede bang manghiram ng phone? Meron ka bang load pang text?" nahihiyang tanong ko.

"Eh? Meron naman. Gagamitin mo ba? Here."

Nang makuha ko sa kaniyang ang pina password ko muna bago ginamit. Kinuha ko naman ang selpon ko upang hanapin ang number ni Sheen. Nagtipa ako ng mensahe upang magpasundo sa kaniya.

"Tapos na ko. Salamat." sabay balik ng selpon niya. "Hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap kana sainyo. Atsaka ayos na naman nako. Hindi mo na kailangan mag-alala at may susundo na maya-maya sakin." nakangiting suhestiyon ko.

"No. It's really okay. Hintayin ko nalang yung magsusundo sayo para masiguro kong okay ka na talaga." he insisted. Ang kulit naman ng chupapi na'to.

Ilang minuto pang katahimikan ang namagitan sa amin bago dumating si Sheen.

Isang nakabubulabog na ingay ang narinig namin pagkabukas ng pinto.

"SISTERRRRRRR!" malakas na sigaw ni Sheen pagkapasok na pagkapasok pa lamang. Kingina ang ingay ng baklang to.

"Totoo ba? Totoobang nasagasa ka? Sabihin mo! Sabihin mo! Ayoko! Ayoko kong marinig!" sunod-sunod na katak niya bago pa ako makapag salita.

"Ano ba?! Tatahimik ka o tatahimik ka?!" sabay irap ko sakanya. "Ayos lang ako. Nahimatay lang ako kanina. May tumulong sakin. Ito oh. Si Mr. Zane." sabay turo ko sa katabi.

"Siya ba?! Ha! Siya ba nakasagasa sayo?" sabay turo niya nang hindi tinitignan ito. Umiling naman ako. "I don't believe yo---sabagay dapat marunong tayong magpatawad sa kapwa natin dahil hindi tayo perpekto. Tama. Tama." tango tango niya pa nang makita bigla ang mukha nito. Baklang maharot.

Napangiwi nalang ako bago tumayo. Inaya ko na silang dalawa na lumabas. Tahimik kaming tatlo na naglalakad papalabas. No. Hindi pala tahimik dahil kanina pa kurot ng kurot sa baywang ko ang baklang katabi ko. Kung wala lang tao? Kanina ko pa nasapak to. Ang sakit ng kurot yawa.

"Halikana ang harot mo." aya ko sakanya bago humarap kay Mr. Zane. "Maraming,maraming salamat Mr. Zane. Tatanawin ko itong malaking utang na loob. Maraming salamat. Aalis na kami. Babawi nalang ako sa susunod nating pagkikita. Paalam." sabay yuko ko bilang pasasalamat.

"It's okay. Kumain ka palagi para hindi kana magkasakit Ms. But,do you need a ride? Ihahatid ko na kayo." hiking alok niya na agad kong tinanggihan. Nakakaperwisyo na ako. Nakakahiya na.

"I see. Sige mauuna na ako. Mag-ingat kayo."

Pumasok na siya sa kanyang kotse at isang kaway pa ang kaniyang ginawa bago tuluyang humarurot paalis. Bago pa man siya nakalayo hindi na nakatiis si baklang Sheen at tumili na.

"Aray! Ano ba?! Tigilan moko."

"Yieee! May boylet ka pala ha! Ikaw ha!" sabay kiliti niya sa baywang ko.

"Hahaha ano ba? Tigil! Mabuti pa pahiram ng pera at bukas ko nalang babayaran." sabay lahad ko ng kamay ngunit agad na bumusangot ang kaniyang mukha. Hahaha.

"Yan diyan ka magaling. Oh." at patuloy kaming nagharutan hanggang sa makauwi.

******



UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now