Kapitulo Dos

21 7 0
                                    

Pagkatapos kong magbihis! Bumaba na rin ako ng hagdan upang ayusin ang pinamili.

"Kamusta ang pamamalengke?". Tanong ni lolo habang bitbit ang nabalatang niyog.

"Ayun ho! Siksikan at may nakasagupa kanina!". Sambit ko habang hinuhugasan ang gulay na Petchay.

Hindi ko man sabihin ang buong detalye kay Lolo. Alam na niya agad ang lahat ng iyon.

"Haha! Mabuti na lamang ang mga pinamili mo ay hindi naligo sa putikan!". Tila nang-aasar na boses ni lolo.

"Hey Bro! What zup yow!". Biglang sulpot ni Kiko.

Ang maingay kong kaibigan. Nandito na naman upang makikain ng pananghalian.

"Oh! Siya! Maiwan ko na muna kayo! Pupunta lamang ako sa kumpare ko!". Pagpapaalam ni lolo Tomas. Mapapansin na laging nakasakbit sa kaniyang baywang ang Itak na Oniks.

"Bro! Alam mo ba! Kagabi, sa plaza may babaeng napakaganda! Naku Bro! Si Caloy ayun! hindi makatulog sa kuprasan! kaka-imagine sa babaeng yun!". Pagsisimula ng pagkukuwento ni Kiko.

"Ah! Ganun ba! Nasaan pala ngayon si Caloy? At hindi mo kasama!". Pag-uusisa ko habang ang manok naman ang hinuhugasan.

Sinimulan na rin ni Kiko ang magdikit ng apoy.

Ito talaga si Kiko kahit hindi sabihan, basta pagkain ang pag-uusapan nangungunahan. Haaayy! Naku!.

"Ayun! Tulog! Napuyat ata kakaisip sa babaeng nakita namin sa plaza kagabi! ahahaha!". Sabay tawa ni Kiko.

Inabot ko sa kaniya ang manok upang simulan na niyang hiwain.

"Mag-ingat lang kayo sa mga magagandang babae!". Sambit ko.

Napakunot nuo si Kiko na tila natatawa sa sinabi ko.

"Ikaw talaga Bro! Naku-naku! 'Yan ang magiging dahilan para hindi ka magkaroon ng girlfriend! Masyado kang mapili sa mga babae". Pang-aasar niya.

"Ah! Basta! Mag-ingat lang kayo! Wala naman masama sa sinabi ko ah!". Sambit ko na sinisimulan ang paghuhugas ng kawali.

"Oh! Siya sige-sige na bro! Mag-iingat na sa mag-iingat!" Patawa-tawa nitong sambit.

"Bro! Puwede ba kong humingi ng pabor?". Tanong ni Kiko.

"At anong klaseng pabor 'yan?". Nakakunot nuo kong tanong.

Minsan kasi kalokohan ang hinihinging pabor nito sa'kin.

"Si Tita Cristy kasi nasa Carlos hospita ngayon! Ayun tumaas daw ang dugo! Malakas ba naman kumain ng karneng baboy!". Pagpapaliwanag na may halong pang-aasar.

May pinagmanahan naman pala siya! Tinatawanan niya ang kaniyang Tita na malakas kumain. Isa rin naman siya!.

"Oh! Ngayon! Ano yung konek nun sa hinihingi mong pabor?". Tanong ko.

"Ah-eh! Bro! Gusto ko sanang bantayan mo muna siya ng isang gabi. Promise Bro! Ngayon lang 'to! May lakad lang kasi 'ko mamaya! plissssss!". May paluhod-luhod pang nalalaman itong nakakainis kong kaibigan.

Aswang SlayerWhere stories live. Discover now