Prologo

41 9 0
                                    

Malalim na ang gabi, tanging liwanag ng buwan ang siyang nagbibigay ilaw sa madilim na daanan.

Pauwi na kami ng aking Lolo Tomas galing bukid. Hawak-hawak ni lolo ang ilawang patentihan.

Kanan kong kamay ay nakakapit sa laylayan ng kaniyang damit . Sapagkat ako'y natatakot sa mga kaluskos na aking naririnig mula sa paligid.

Ramdam ko rin ang lamig ng simoy ng hangin na siyang dumadampi sa aking balat.

Magubat at matataas na punong kahoy ang matatagpuan sa gilid ng daanan. Lagitnit ng mga kawayan ay nakakatakot pakinggan.

Pakiramdam ko na para bang may kukuha sa akin.

"Apo! Huwag kang matakot! Mababait sila! At hindi ka nila gagalawin". Bilog na boses ni lolo na siyang ikinagulat ko.

"Lo! Ano ba kayo? Hindi po 'ko natatakot!". Pagsisinungaling ko.

Napansin kong napangisi si lolo sa aking nasabi.

"Waaaahhhh!". Biglang sigaw at sabay tago ko sa likod ni lolo.

Napatigil kami sa paglalakad, tuhod ko ay unti-unti ng nangangatog. Dahil sa kabang nararamdaman.

Dahan-dahan akong sumilip mula sa likuran ni lolo, dahil isang itim na pusa ang sumulpot sa aming harapan. Ngunit kasinlaki ito ng aso at lumiliwanag ang mga mata.

Samantalang si lolo ay kalmado lamang.

"Meow!" Mabilis na sumuot sa gilid ng kagubatan ang pusang itim.

Napasinghap ako ng magsalita si lolo.

"Apo! Bilisan na nating maglakad, dahil mukang may masamang mangyayari!". Aniya ni lolo na mapapansin ang seryosong awra nito sa mukha.

Hindi na lamang ako nagsalita pa. Dahil sa natatakot na 'ko.

Mas lalo ng marinig ko ang sinabi niya na may masamang mangyayari.

Gusto kong tanungin si lolo kung ano nga ba iyon, ngunit dila ko ay umaatras.

Sinabayan ko na lamang si lolo sa mabilis niyang paglalakad.

Sa wakas at natatanaw ko na rin ang aming munting bahay.

Para bang gusto ko ng kumaripas ng takbo at magsarado ng pinto. Ngunit iniiisip ko si lolo, hindi naman maaari na iwanan ko siya sa paglalakad.

Nang malapit na kami, nagtataka ako kung bakit napapaligiran ng mga tao ang aming bahay.

"Lolo! Tingnan niyo po oh! Ang raming tao!". Sambit ko.

Ngunit hindi sumasagot si lolo, kaya naman tiningnan ko siya.

Napalaglag panga ako ng malaman na hindi ko na kasabay si lolo sa paglalakad.

Hindi na ako nag-atubili pa at kumaripas ng takbo. Dahil pakiramdam ko may sumusunod sa aking likuran at kaunti na lamang ay makukuha niya na 'ko.

Hapong-hapo ako ng makarating ng bahay. Humawak ako sa aking tuhod at huminga ng malalim.

Ngunit ako ay napatigil, dahil sa sigaw na aking narinig.

Aswang SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon