TMIK2

456 15 9
                                    

From designer's shoes and bags to bayong. From having a beauty rest, salon and spa, to not having enough sleep and waking up early every morning to go to the wet market and sell fishes.

Sobra sobrang laking pagbabago ang natamo ko noong dumayo ako sa Santa Catalina.

Kada alas kwatro ng umaga ay maaga akong gigising at sasalubong sa mga mangingisda kasama ang mga kapit bahay upang mag angkat ng isda bago pumunta sa palengke at i- benta ito.

Kadalasan iniiwan ko lang si Zoey sa bahay kapag pumupunta ako sa dalampasigan at mag aangkat ng isda dahil sa ilang taong pagtira namin sa lugar na ito, hindi pa ako naka engkwentro ng masasamang tao. Sobrang bait ng mga tao dito siguro dahil ang liit lang din ng baryo, kami kami lang ang nagkikita.

Minsan ay hindi na ako pumupunta sa palengke at sa harap nalang ng bahay nagtitinda. Tutal marami rami rin ang dumadaan dahil nasa medyo gilid ng kalsada ang bahay namin.

"Ubos na sa'yo, Zehra?"

Si Nanay Nancy iyon, kapit bahay namin at lola ni Jojo at Tina na kalaro ni Zoey. Ayaw niya magpatawag ng Aling Nancy, mas gusto niya raw ang Nanay Nancy.

Tumango ako habang niligpit ang balde.

"Opo, 'nay nancy. Nagtira lang po ako ng kaunti para lutuin ko pagkauwi. Uulamin namin ni Zoey."

Nakatayo ito dahil binubuhus buhusan ng tubig ang isda upang hindi langawin at mas mapanatiling presko iyon.

"O siya, magluluto rin ako ng menudo mamaya. Ipapadala ko nalang sa bahay ninyo, ha?"

Nginitian ko ito at tumango bago umalis pauwi.

Noong napunta ako dito, ang gusto ko lang ay lumayo sa mga taong kilala ko. Gusto ko lang huminga at magpahinga dahil buntis ako. Kahit nasasaktan sa pinagdaanan ay inisiip ko pa rin ang anak ko.

Kaunting pera lang ang dala ko at gamit ko dahil hindi ko naman plano ang pagtira rito. Nagustuhan ko lang dahil mapayapa at presko ang hangin pati na ang lugar.

Even when I was new in this town, people are still treating me nicely. They are asking me If I was okay or if I was doing well. Because there are days when I don't go out of the house I was renting which is where I and my daughter are living. I was just inside my room and cry. Or kahit napapatulala lang na parang nawalan ng gana kumilos.

I was like that for how many months until my baby bumped got bigger. My neighbors also figured out I was pregnant.

And from that moment, they started sending me fruits, food and vegetables or anything that they have. And I appreciate them so much. No one knows that I am a daughter of a well-known businessman in the country.

Hindi sa paglilinlang sa mga taong naging pamilya ko na dito pero ayokong malaman nila na anak ako ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Gusto kong mapanatili sa kung paano nila ako nakilala. Si Zehra na nagtitinda ng isda at si Zehra na may cute na anak na babae.

When I arrived at our little house, my daughter is already at the sala, waiting for me. She is still wearing her pajama.

Nilingon niya ako nang makapasok sa bahay.

"Hi, mommy."

Bati nito sabay kusot sa mata. Kakagising lang siguro nito.

"Hello, love." hinalikan ko lang ito sa ulo at dumeretso sa kusina.

"Can't hug you yet because m-- I mean hindi pa kita mayayakap kasi amoy lansa pa ako, anak." sabi ko. Iniba ko ang lenggwahe dahil kahit hanggang ngayon ay sanay parin akong mag english kaysa sa tagalog.

Maliit lang ang bahay namin at isang divider lang ang naroon kung kaya't alam ko na naririnig ako ng anak ko.

"Okay, mommy. Are we going to the simbahan today?"

"Yes, we will. After eating breakfast, anak."

Hindi ko na narinig ang sagot nito ngunit dinig ko naman ang kanyang pagkilos. Bugnutin pa dahil kakagising pa lang. Sinimulan ko nang linisin ang isda upang lutuin. Hinati ko ang bilang nito at nagluto ng tinola at pritong isda.

Ganito ka simple ang pagkain namin kumpara sa araw araw na karne at kahit na anu ano pang mamahaling pagkain ko noon.

I am not comparing which is better though. Because I owe my life before to my parents. But now, I owe this freedom to myself.

Habang nagluluto ay nagwawalis ako sa loob hanggang labas ng bahay. Ang sariwa talaga ng hangin dito. Preskong presko. Kaya noong pumunta ako dito noong buntis ako ay napaka healthy ko na.

Pero maliit na bata si Zoey paglabas nito. Sobrang payat at liit. Ang sabi ng mga kapitbahay namin ay dahil daw iyon sa depression na naranasan ko.

I was shocked because I didn't even realize that I was going through depression that time. Buti pa ang mga tao dito, alam iyon. Iyong mga tao sa syudad na may mas access sa lahat ay ini- invalidate ang depression, trauma at anxiety ng mga tao.

I remembered I cried when I finally gave birth to Zoey. Sa bahay lang ako nanganak at kapatid ni nanay nancy ang kumadrona ko.

Habang lumalaki ay mabilis mapagod ang anak ko. Ni hindi ito makatakbo ng matagal dahil mabilis hingalin. Ngunit mali pala ako, isang araw nagreklamo ito sa akin na hindi makahinga kaya isinugod namin sa center dito sa baryo. May asthma ang anak ko. Kaya ngayon mas nag iingat kami.

Bumuntong hininga ako at binalikan ang niluto.

Nang unang punta ko dito, nasabi ko ng nandito lang dapat ako upang magbakasyon. Ngunit napagdesisyonan kong pumarito na tumira.

Naalala ko pa noong araw na iyon nang makapagdesisyon na dito nalang tumira. It was my last day here in Santa Catalina when I tried calling Seph. Magpapasundo sana ako kahit alam ko namang imposible iyon.

I can't contact him on his phone so I called our house. I remembered my heart skipped a bit when I heard his voice. But what he said wrecked my heart.

"Mom, stop calling me about that spoiled brat! Uuwi rin iyon at gusto lang magpahanap. Can you please not call me again for now because I am on my way to my wife's grave."

I did not say anything and just cut the call.

I met his mom one time....in a very unexpected way. When I knew she was Seph's mom, I immediately introduced myself to her. She is so kind so I wonder where he got his attitude from.

I smiled bitterly. I tried to be away from people who hurt me and gave me so much pain...

But I forgot the only person who genuinely cared for me when I was so down....

----------------------------------------------------
Hello!

I have social media accounts so if you want to interact with me, follow or add me here.

Facebook: NJ GORID WP
twitter : njgoridwp
Tiktok: njgoridwp
Instagram: njgoridwp

The Moment I Knew Where stories live. Discover now