Chapter 14: HOW?

36 7 0
                                    

CHAPTER 14: HOW?

TYLER'S POV

"Kumusta na kaya ang babaeng yon?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingala sa itaas.

Bigla kong naalala 'yong nangyari kaninang umaga. Naalala ko kung paano niya ako pinabagsak sa maraming tao. Hindi ko inaakalang pati si Manuel ay pinatulan niya.

"Walang kwentang babae talaga. Anong akala niya sa sarili niya? Bakal?"

Pero sa totoo lang ay hindi ko nawala ang pag-aalala ko dahil sa nangyari sa kanya. Siguro ay nakaramdam na siyang takot dahil sa nangyari sa kanya.

Kasagaran sa mga binubully ni Manuel ay puro mga bagong studyante, ginagawa niya kung ano ang gusto niyang gawin kaya naman puno ng bad records ang performance niya.

Kapag naman naka-recovered na ulit ang target niya ay bigla nalang kaming magugulat dahil lahat ay nagdrop-out na.

Hindi namin pwedeng ikick-out ng ganon kadali si Manuel dahil isa sa mga Co-Leader ang Daddy niya sa school na ito. It means malaki ang naitutulong ng Daddy niya para mapaunlad pa lalo ang school na ito.

Nakakainis lang sa parte ko na hinahayaan nalang siyang gawin lahat ng ito, kaya sa taong ito...paniguradong hindi niya tatantanan si Ash!

Hmmm...hindi naman masama kung itanong ko kay Kalix kung ano ang nagyari sa kanya.

Hindi naman sa CONCERN ako sa kanya pero... sabi nga diba Vice President ako kaya tungkulin kong kumustahin ang kalagayan ng ibang student sa school namin.

Mabilis kong nakuha ang cellphone ko at agad tinawagan ang numero ni Kalix.

("Hello? What the heck do you want Bro?")
napalunok ako dahil sa hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Yung.."

("What?What?! Your wasting my time!")

"Teka lang!Bakit ba galit ka?!" sigaw ko sa harap ng cellphone.

("Ano ba kasi 'yon?")

"May gusto sana akong malaman" kinakabahan ako.

Hindi naman masamang magtanong ah! Oo nga!

("Sabihin mo na kasi Tyler! Apaka bakla ng lalaking to May gusto ka ba sa'kin?")

"What the fcck?!!Shut up Bro!" inis na sabi ko kaso tinawanan niya lang ako.

("Ang tagal mong magsalita eh. Ano bang trip mo?") tanong niya sa'kin halatang badtrip na rin.

"K-Kumusta na si A-Ash?" utal kong sabi.

("What?!")

"Ano ba?!Para kang tanga eh. What ka ng what unano ka ba?!" naiinis kong sabi.

Batrip naman oh.

Tawa lang siya nang tawa. Kinuwento naman niya ang nangyari bago sila dumating sa clinic. Naiwanan na daw niya si Ash kasi pinapaalis na siya ni Kim. Hindi na daw niya nakausap pa ang nurse kung ano ang kalagayan ni Ash kasi pinapaalis na siya.

"Sana tiningnan mo pa rin kahit pinapaalis ka na! Nakakainis naman eh" inis kong sabi.

("Tinawagan mo ako para lang e tanong yan?Haha..Bro, i can't believe you") natatawang sabi niya.

"Bakit ba?!"

("Parang may mali eh")

"Hoy Kalix! Tumahimik ka nga, baka ikaw yung bakla sa atin! Kung anu-ano pumapasok sa isip mo!" sigaw ko.

Highschool LoverWhere stories live. Discover now