"Omg ka din buntis kapag sinapak ko tyan mo" bigla naman naging busangot ang muka ni ky kaya napatawa ako nang palihim.

"Ay si buntis hindi na mabiro , pangit kabonding" inaasar pa din ni plankton si ky.

"Mas pangit ka naman plato, wag ka papalamang" yan ganyan sila lalo na dati , lagi sila nagbabangayan.

"Oo nga pala riri, ano color coding ng wedding mo next week? "

"Wag mo na itanong plato, alam mo na ang sagot hahaha" nalukot naman ang muka ni plankton baka narealize na nya na kulay pink.

" Sabi ko nga pink" Pinagtatawanan na nila ako ngayon , parang kanina sila ang magkaaway pero ngayon nagkasundo na pagtawanan ako.

"sige na istorbo kayo , nagpapayaman ako"

"ulol" binelatan sya ni kylie.
"Grabe namiss ko kakulitan si Plato, gusto ko na sya ulit sambunutan" lakas trip talaga ng kambal ko.

I received message from Plankton.

Dahil ikakasal ka na ,libre ko kayo bukas ng gabi...punta kayo sa beer house tutugtog ako.

"Ky pinapapunta tayo ni Plankton bukas ng gabi sa beer house na kinakantahan nya , libre nya daw since ikakasal ako" inantay ko naman ang sagot ni kambal.

"G ako pero baka pulutan at juice lang ako ha , alam mo naman si baby ayaw mag inom si momma nya" napangiti ako dahil kinakausap nya ang baby nya.

I can't wait too na makita ang baby nya, 3 months na ang tyan nya at nagsisimula na din sya magkaroon ng weird cravings.. katulad kahapon sinawsaw nya ang balot sa ketchup. Sobrang sarap daw kaya napangiwi ako sa sinabi nya.

______________

This is it pupunta na kami sa beer house na sinasabi ni Plankton. Nagpaalam kami kina mommy at daddy , sinabi yung mga bawal sa amin.

Big shirt na black lang si kambal at nag jumper na palda. Hindi halata na buntis sya dahil sa big shirt nya tapos black pa. Suot ko naman ay lettuce pink dress na may manggas.

Nagpaalam ako kay reyzi pero wala akong natanggap na reply baka busy pa sya sa trabaho nya. Napag isip ko din na maghanap na ng trabaho kasi ayoko umasa kay Reyzi kapag mag asawa na kami.

Mukang okay ang beer house na ito dahil hindi masyadong maingay , tanging kumakanta lang sa stage ang maririnig at mga bulungan. Pinagdala ko pa nga si kambal ng mask incase na puro usok dahil sa sigarilyo pero wala naman ako nakita maliban sa gilid ng bar may nakalagay smoking area kaya doon sila nag sisigarilyo.

"Kanina ko pa kayo hinihintay, nakahanda na yung table nyo" si plankton ang bumungad sa amin at bumungad naman sa kanya ang sabunot ni ky. "Aray shit kyky yung buhok ko , magpeperform pa ako mamaya"  pinipigilan ni plankton ang mga kamay ni ky at hinila ko na din si ky dahil baka maubos nga naman ang buhok nya.

"Wala ka pa din pinagbago Kylie , ganyan mo pa din ako i-welcome" nag peace sign lang si kambal.

Si Plankton na din ang nag assist sa amin. Naglapag sya ng juice kay kylie at ladies drink naman sa akin. Mapait pero keri lang , nag iwan din ng pulutan si Plankton bago umakyat sa stage para mag perform.

"Hi everyone" nagtilian naman ang mga babae pati mga bakla sa boses ni plankton. "Andito yung mga kaibigan ko at ang isa sa kanila ikakasal kaya I dedicated this song to her" nag strum na sya sa guitar nya.

🎶🎶
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything, but you can try
Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny, but I'll say it anyway
Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life
'Cause in a world where everybody hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But dont let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song
Let me hear you sing it

Kinuhanan pa ni Kylie ng video si Plankton at balak ilagay sa story nya.

Pinagpala si Plankton sa ganda ng boses nya and I know someday makikilala sya dahil sa galing nya sa pag-awit.

"Are you amazed because he's good in singing ha?"

___________________
________________________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now