Nang huminto ang sasakyan ni Justin ay huminto narin kami at dalidaling bumaba nang bumaba sila.

"Nakita niyo ba si jace?"tanong ko sa kanila.

"Hindi eh! Saan kaya siya pumun---"

"Si jace ayun!"pagputol ni marie sa sasabihin ko. At tinignan naman namin ang tinuro niya at kita namin si jace sa kabilang side nang daan hawak hawak ang kwelyo ni jude!

Kaya dali-dali kaming tumawid at tinawag ang pangalan niya.

Pero huli na kami hindi na namin siya napigilan dahil na suntok na niya si jude at kasalukuyan nang pinapatayo!
Sasapakin na sana niya ulit nang mapigilan siya kuya math!

"Ano bang ginagawa mo!?"galit na sigaw ni kuya math at lumapit naman sila Justin and Dustin para paghiwalayin si jude and jace.

"Tinuturuan nang leksyon ang gaging 'yan!"galit na sigaw niya habang nakaturo kay jude. Nilingon naman namin si jude at kasalukuyan siyang nakahawak sa labi niyang may sugat!

"Bitawan niyo nga ako!! Hindi pa ako tapos sa gagong 'yan!!"galit na sigaw niya at pilit kumakawala kay kuya math!

"Ano ba jace!? Bata 'yan! Ano bang nangyayari sa'yo!?"pagsingit ko sa kanila. Magsasalita na sana siya nang makarinig kami nang sigaw nang babae.

"Jude! My gad! Anong ginawa niyo sa boyfriend ko!?"sigaw niya sa amin nang makalapit siya kay jude. Tinignan ko naman soya mula ulo hanggang paa.

'so, 'to pala ang pinalit niya kay Vivian!

"Kami na ang humihingi nang tawad sa ginawa nang pinsan namin. Sorry jud--"

"Huwag nga kayong humingi nang paumanhin sa gagong'yan!! Hindi niya deserve ang mga sorry niyo!!"galit na sabi niya. "At ito ang tandaan mo jude! Hindi pa tayo tapos kulang pa 'yan sa panggagago mo sa pinsan mo!!"dagdag niya at tumalikod sa amin. Agad naman namin siyang sinundan.

Aktong papasok na siya sa sasakyan niya nang pigilan siya ni kuya math.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo jace!?"galit na sigaw na sabi ni kuya sa kaniya na agad naman siyang inawat ni nicole. "Alam mo bang pwede ka niyang kasohan! Sinuntok mo siya nang walang dahilan--"

"Nag cheat siya kay vivian! Siguro naman tama na 'yun na oang rason para sapakin ko siya! Kung tutuusin nga eh! Kulang pa 'yon!"sagot niya "matagal na niyang niloloko si vivian! Tatlong buwan na!"sabi niya at lumapit kay kuya math.

"Jace ano ba!?"pag awat ko sa kaniya

"Naiintindihan mo ba!? 'yung babaeng'yun!! Mag aapat na buwan na sila!!"sigaw niya sa mismong pagmumukha ni kuya math. Nagulat naman kami sa inasal niya.

Past or PresentWhere stories live. Discover now