Chapter 8

84 25 0
                                    

This is an edited and revised version.

___


Sa mga sumunod na araw ay patuloy ang pagdalaw ng lalaking si Abel dito sa amin. Kulang na lang ay halos tumira na siya rito sa bahay dahil lahat ng gawin namin ay pinakikialaman niya. Ultimo ang pag-aayos ng mga sirang gamit namin ay inaatupag niya. Hindi ko alam kung anong klaseng amnesia ang tumama sa ulo niya at napakasipag niya, pero isang bagay lang ang sigurado ako.



Yon ay ang mahihirapan at matatagalan bago siya makaalala, at hindi iyon maganda..




Napabangon ako mula sa aking kinahihigaan ng marinig ko ang dalawang taong nag-uusap. Tila papalakas ito dahil palapit ang mga yabag nila sa bahay. Tuluyan ko na nga itong marinig ng lumabas na ako sa kuwarto at tuluyang makapasok ang dalawang taong nag-uusap.





" Ayos lang po sa akin iyon Mang Ernesto. Tutulong po ako sa trabaho
ninyo." Aniya ng isang lalaki. Si Abel..




" Hay nako, hijo. Sigurado ka ba? Hindi ka ba nagsasawang napapadpad ka araw-araw dito sa amin? Wala ka bang ibang gawain sa bahay mo? " Tanong ni Papa.


Ngumiti ang lalaki.


" Wala nga po eh, kaya dito po ako naglalagi. Kaya nga po gusto kong tumulong sa inyo sa trabaho niyo para may magawa na po ako." Sagot naman ni Abel.




" Eh diba tendero ka ng fish ball kamo? Wala ka bang balak maglako ngayong araw? Tsaka sigurado ako ilang araw ka na ring walang kita, ilang araw ka na rin kasi dito sa amin naglalagi." Aniya ni Papa.





Napabuntong hininga na lamang ako sa kakulitan ng lalaki. Maya-maya ay tuluyan na nga akong pumunta sa pwesto nila. " Hayaan  niyo na po siya, Papa. Kung gusto niya talagang tumulong sa trabaho ninyo at mapilit siya, hayaan niyo na." Sabat ko ng makarating ako sa pwesto nila tsaka ako naglakad muli papunta sa lamesa kung saan magkakape ako.





Ano pa bang magagawa ni Papa kung mapilit ang lalaki? Isa pa, magandang isama niya sa trabaho ito at ng hindi ako ang binubulabog niya. Baka mamaya magkaroon ng tsansa para mauntog siya habang tumutulong kay Papa at makaalala na siya.





" Isa pa, nakakasawa rin naman kung laging narito ang lalaking yan. " Komento ko.




Hindi ko man titigan si Abel ay alam kong nakatingin siya sa akin. Eh ano naman? Totoo naman.




" Ah..oo nga po. Baka manawa ang bab–si Ava sa akin, alam ko naman na irita pa siya sa akin simula nung hindi ko siya natawagan dahil naubos ang load ko.." Sagot ng lalaki dahilan para mapatingin ako sa kanya habang hinahalo ko na ng todo ang kapeng tinitimpla ko.





Feeling ko tuloy ay nanlalaki ang butas ng ilong ko dahil sa inis. Ayan nanaman kasi ang hirit niyang kinaiinisan ko..




" Mabuti nga! " Sabi ko rito tsaka ko marahas na kinuha ang kape ko at lumabas ng bahay.




Makapagkape na nga rito sa labas at baka mamaya ay mas uminit ang ulo ko kaysa sa inumin kong kape!




Maya-maya ay narinig ko nga si Papa na pumayag na lamang sa kagustuhan ng lalaki. Mabuti na nga iyon para mabawasan ang pagkairita ko nitong mga nakaraang araw. Lagi niya kasi akong inaagawan ng mga gagawin kaya tuloy nasesermunan ako ni Mama ng tamad.





Nagdaan ang mga oras at naglako kami ni Pepot ng kakanin at siomai. As usual si Berdie ang una naming customer at katulad ng dati, nakakasulasok pa rin ang amoy na nanggagaling sa bunganga niya. Ewan ko ba sa payatot na iyon, ngiti na nga lang ang maipupuhunan sa sarili para man lang kahit papaano ay gumanda-ganda naman ang appeal niya, kaso hindi niya pa rin magawa.





Tulong na lang niya iyon sa sarili niya, di niya pa magawa..





Nang makabenta kami ni Pepot ay umuwi na kami. Sa pag-uwi namin ay nadaanan namin ang parte ng baranggay kung saan itinuturo ni Abel ang lokasyon ng bahay niya. May bahay nga roon na simple lang, gawa sa hallow blocks ang pader ngunit walang pintura. Papalagpas na kami ng bahay na iyon ng medyo bumagal ang pagpidal ko sa bisiklita.





May mga nakaitim kasi na lalaki ang lumabas mula sa bakuran ng bahay. Muka silang hindi simple lang dahil unipormado ang mga ito.





Maya-maya ay naaninagan ko ang isang lalaking maskulado...




Maskulado, may tattoo at matangkad..



Parang pamilyar.




Saan ko na nga ba ulit nakita ito?



Ospital?..



Oo sa ospital nga!




Napamulat ako ng mapagtanto kung sino ito. Iyon ay walang iba kundi ang lalaking bumugbog kay Abel noon, yong bigla na lang pumasok at nakipagsuntukan.




Sa pag-iisip non ay namulat ako, ngunit mas namulat ako at kumalabog ng malakas ang dibdib ko ng humarap ang lalaki sa direksyon namin. Bagaman hindi ito nakatingin ay kinabahan ako, sa pagkakataong iyon ay binilisan ko ang pagmamaneho ng bisikleta.




Muka pa naman itong naiirita at naiinis kaya mas mabuti ng lumayas kami rito at baka mamaya ay mangyari ang mga bagay na hindi namin magugustuhan.


Baka makilala kami ni Pepot.



Pero bakit naman magpapakita ito rito? At bakit naman kami ang tatargeten? Eh hindi nga kami kilala ng mga iyon tsaka wala kaming atraso kaya wala silang pakay sa aming magkapatid...




Pero kay Abel...malamang meron.




" Ate, bilit mo naman mag dive! Baka mabangga tayo! " Utal na aniya ni Pepot.




" Mabuti na iyon, kesa mamatay tayong hindi inaasahan! " Sabi ko rito habang taranta ako. Bagamat kalmado at sakto lamang ang bilis ko sa pakiramdam ko ay parang kailangan ko pang mas bilisan dahil baka mamaya ay kung ano pang mangyari.




Dahil sa bilis namin ay nakauwi kami ng hindi ko namamalayan. Hingal akong napaupo sa may pintuan upang magpahinga. Si Pepot naman ay diretsong nakipaglaro sa mga batang katulad niya oras na nakauwi kami.




Pero bakit nga ba naroon ang lalaking iyon? Sa bahay pa ni Abel?



Anong ginagawa nila ron?


Sa pag-iisip non ay hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapatanong. Lalo na tungkol kay Abel..



Sino ba talaga siya? Sino ba talaga siya bago niya makalimutan ang sarili niya?








All rights reserved 2022

Mafia's Favorite Downfall IWhere stories live. Discover now