THE FINAL CHAPTER- PART 1

2.6K 90 0
                                    


                "Alam ba ito lahat ni Lola Belinda? Alam ba niya na ikaw ang anak niyang si Anton?" maluha-luhang tanong ni Sarah.

                "Syempre, alam niya lahat. Pero inilihim niya sa mga anak niya."

                "Pero bakit?"

                "Para maitago niya ang sikreto. Ang tunay na katauhan ko."

                "Huh? Naguguluhan ako."

                "Akala ko pa man din, alam mo na. Hindi ako anak ni Lola Belinda!!"

                "Pe-pero pa-."

                "Ako ang nag-iisang kapatid ni Ate Belinda! Alam naman siguro natin na kaya yumaman si Ate ay dahil nagkaroon siya ng mayamang asawa. Inggit na inggit ako sa kanya dahil sa biglang karangyaang tinamasa niya. Nag-asawa din ako, ang nanay ni Richard na kilalang maimpluwensiyang pamilya subalit itinakwil ito nang malamang sa akin lamang nagpakasal kaya wala din ang lahat ang mana nito hanggang sa mamatay ito. Nawalan ako ng pag-asa sa mga pangarap ko nang nag-asawa ulit ako sa ikatlong pagkakataon na isang kasambahay lamang."

"Pero bakit nagagalit ka pa rin kay lola?"

"Naging matapobre si Ate, akala niya kung sino siya kaya tinangka kong sunugin ang bahay na ito subalit nadamay ako, nasunog ang mukha ko. At iba ang inaasahan kong mangyari, ipinagpatayo pa siya ng bagong mansyon!"

                "Alam ba ni Lola ang lahat ng ito?"

                "Hindi! Wala siyang alam!"

                "Kung galit ka kay Lola, bakit hindi mo siya pinatay?"

                "Dahil bukod sa asawa niya, alam niya kung nasaan ang baul ng kayamanan!"

                "Ka-kayamanan?"

                "Oo, narinig ko iyon mula sa kanila dati, na may nakabaong kayamanan dito sa hacienda. Pero hindi ko alam kung nasaan."

                "Kayo pala ang may kagagawan ng mga balon na nakita namin sa gilid ng mansyon!"

                "Oo. Hahaha pero bigo kaming makita kung nasaan ito. Nagtulungan kaming mga naririto na hanapin ito kaya ganoon na lamang ang galit namin nang malamang ipapamana na ito sa inyo. Alam kong mawawalan na kami ng pagkakataon na mahanap ang kayamanan kapag napunta na ang hacienda sa inyo dahil alam ko na ang mga ugali ng mga apo niya!"

                "Pero ba-bakit hin-di namin ito alam?"

                "Dahil kahit si Attorney Hidalgo ay inilihim din sa inyo na may nakabaon na kayamanan dito. Hindi namin alam na kahit siya ay pasikretong may interes din kaya pinatay din namin siya. Hahahaha."

                "Mga demonyo talaga kayo!"

                "Hindi naming siya pwedeng patayin hangga't hindi namin nalalaman kung nasaan ang kayamanan."

                Habang nakikipag-usap si Sarah sa bumihag sa kanila ay napansin ni Richard nagmulat si Jameson. Napalingon silang lahat.

                "Kuya!"

                Nahihirapan itong kumilos dahil sa mga sugat na natamo. Kinuha ni Richard muli sa tatay nito ang kutsilyo at nilapitan si Jameson, isang kamay nito ay hinawakan ang buhok ng lalake.

The Case of Belinda Sto. DomingoWhere stories live. Discover now