Chapter XI

2.3K 88 2
                                    

Chapter XI

                Bumabaha na sa lugar kung saan nakakulong si Hannah, basang-basa na rin siya. Pilit niyang inaalis ang kadenang may kandado sa paa niya subalit hindi niya magawa. Hinila na rin niya ang tubo kung saan nakakabit ang kadena. Napahawak siya ulo at may nakapa. Isang hair clip!

                Napangiti siya, nalimutan niya na bago siya sunduin ni Jake ay hair clip ang inilagay niya sa buhok. Laking pasalamat niya na hindi natanggal iyon nang makaladkad siya. Agad niyang kinuha iyon na nakapulupot pa sa buhok niya. Tulad ng mga napapanood niya sa telebisyon ay iyon ang ginagamit ng mga tauhan kapag may papasuking lugar. Ipinaso0k niya sa butas ng kandado ang clip. Kahit hindi niya alam kung paano iyon ay inikot-ikot na lang niya ang clip. Nabuhayan siya ng loob nang makarinig ng "click!"na tunog mula sa kandado.

********************

                Tulala sina Jameson at Sarah habang tinatakluban ni Mang Kanor ng puting kumot ang bangkay ni Gail.

                Hindi sila makapaniwala sa sinapit ng bunsong pinsan. Alam nilang naroon lang sa malapit ang pumatay dito.

                "Wala namang ibang gagawa n'yan kung hindi isa lang sa mga tao dito!" sigaw ni Jameson.

                Naroon sa harap niya sina Jake, Mang Kanor, Manang Yolly, Mang Esteban, Elias, Ditas at ang nakawheelchair na si Lola Belinda.

                "Buti kung tao, pero papaano kung multo?" natanong ni Mang Esteban.

                "Multo? Imposible!"

                "Maraming kwento na po tungkol sa multo ang naririnig naming galing sa mga trabahador dito."

                "Pero it doesn't mean na kayang pumatay ng multo, tama?"

                Walang sumagot sa tanong niya. Lahat ay nag-iisip.

                "Maaari po kayang multo nila Anton at Richard ang may kagagawan ng lahat ng ito?" suhestiyon ni Manang Yolly.

                "This is too much........" umiiyak na sabi ni Sarah.

                Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng sigaw sa labas. Lahat sila ay napatakbo sa may pintuan, doon ay nakita nila sa may hagdan ang gumagapang at nanghihina na si Hannah. Napatakbo naman sina Sarah at Jake para tulungan si Hannah. Nanginginig na ang dalaga at namumutla na.

                Sa loob ay inasikaso agad nila ito, binigyan ng mainit na kape at tinakluban ng tuwalya.

                "Salamat sa Diyos at buhay ka!" masayang sabi niSarah at niyakap ang kapatid.

                Dinala niya ito sa kanyang kwarto. Tanging si Jameson lang ang pinayagan niyang sumama sa kanila.

                "Ano ba talagang nangyari sa'yo?" tanong nito habang binibihisan ang kapatid.

                Matagal muna bago nakapagsalita si Hannah. "I was kid.....kidnapped ate."

                "Kidnapped???? Nino? Sino may kakagawan nito sa'yo?"

                "Di ko alam.... Hindi ko alam...." At nagsimula na itong umiyak. "I was wearing a blindfold the whole time I held in captivity." Dagdag niya at ikinuwento ang buong pangyayari simula nang magkasama sila ni Jake hanggang sa makaladkad siya.

                "All I know is I could always hear an adult male voice."

                Nagkatinginan sina Sarah at Jameson. "Maaari kayang si Anton o Richard ang may kagagawan nito?" natanong ni Jameson.

                Narinig iyon ni Hannah. "Richard? Actually ate, I've heard that name, dalawa pala sila. The adult man called the other one, Richard."

                Positibo na sila! Na sina Anton at ang anak na si Richard ang may kagagawan. Ibinalita na rin nila kay Hannah ang malagim na sinapit ng pinsang si Gail. "Posibleng sila rin ang may kagagawan ng papatay sa kanya!"

                Napatingin silang tatlo sa paligid. "Positibo na narito lang din sila sa mansyon."

                Lingid sa kaalaman nila ay sa kabilang dingding ay nakasilip sa butas ang dalawang pares ng mga mata, nakikinig sa sinasabi nila. Sa isip ay may binabalak na naman na masama. Alam nilang hindi na sisikatan ng araw ang lahat ng tao sa mansyon na iyon.

                Sabay na napangiti sina Anton at Richard.

The Case of Belinda Sto. DomingoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora