Lumingon sila at nakita ang gwardyang si Mang Esteban.

                "Manong naman, nakakagulat kayo. Muntik na akong mahulog sa hukay." Sabi ni Gail.

                "Naku, pasensya na po."

                "Manong, para saan ba itong balon na ito?"

                "Huh? Hindi ko po alam 'yang balon na 'yan, ngayon ko nga lang nakita yan."

                "Ngayon? Imposible, sa tagal n'yo na dito, ngayon n'yo lang nakita ito o baka ngayon lang kayo nakaisip magronda dahil patamad-tamad kayo sa trabaho." Wang kagatul-gatol na sinabi ni Sarah.

                Hindi nakaimik ang matanda, napakamot na lamang ito ng ulo.

                "Let's go na nga, sa ibang lugar naman tayo pumunta. Doon sa taniman ng mangga." Akit ni Gail.

                "No, ayoko na, balik na tayo sa mansyon, nawala na ako sa mood." Masungit na sabi ni Sarah at naglakad na papasok sa taniman ng niyog sa kabila ng daan.

                "Oh madam, saan ka po pupunta?" tanong ni Esteban.

                "Manong, kasasabi ko lang diba? Babalik ng mansyon, tanaw mula dito ang mansyon, I'd rather take the shortcut. Siguro naman doon din ang punta diba?" naiinis na tanong ni Sarah.

                Hindi na naman nakapagsalita ang gwardya. Sinundan siya ng dalawang pinsan.

                "Bakit ang mga taong nagtratrabaho dito ay napakastupid?"

                "Pooh, dahan-dahan ka naman sa sinasabi mo." Pagpigil ni Jameson sa kanya.

                "Well, sinasabi ko lang kung ano ang napapansin ko."

                "Kahit pa, you don't need to be rude Ate." Sabat naman ni Gail.

                Ilang minuto na rin silang naglalakad subalit parang napakalayo pa ring abutin ng mansyon.

                "I'm getting tired. Akala ko ba shortcut 'to?" reklamo ni Gail.

                "Yeah, I thought so. Naloko ako ng vision ko, iba ang actual measurement ng distance sa perspective ko." Paliwanag ni Sarah.

                Nagulat sila nang sumulpot sa gilid nila si Elias.

                "Oh my!" napasigaw si Sarah.

                "Naku sorry po kung nagulat ko kayo." Paghingi ng paumanhin ng binata.

                "Anu ba 'yan! Kung saan-saan ka kasi lumulusot!"

                "Pasensya na po talaga."

                "Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" tanong ni Jameson.

                "Sabi po ni Mang Esteban, sundan ko kayo dito."

                "Eh bakit pa?" tanong ni Gail.

                "Delikado po kasi dito. Maraming ahas."

                Sa pagsabing iyon ni Elias ay napadikit sina Sarah at Gail kay Jameson.

                "A-ahas?"

                "Opo, may ilang trabahador na po kasi ang nakagat, ang ilan sa kanila ay di na umabot pa sa ospital."

                Nakaramdam ng takot si Sarah pero hindi niya pinahalata. Agad niyang hinila si Gail at Jameson. "Saan ba ang dapat na daan?"

                "Dito po madam." Sagot ni Elias at nauna sa daan patungo sa masukal na prutasan.

                Ilang minuto rin silang naglakad at kalauna'y narating na nila ang gilid ng mansyon. May napansin si Sarah ilang metro ang layo mula sa dinaanan nila, sa gilid rin ng mansyon, sa kanan ng malaking pillar o pundasyon malapit na sa likod ng malaking bahay.

                "What's that?" bigla niyang tanong at lumapit sa nakita.

                Nagulat siya nang makita ang tatlong mababaw na balon. "Ano 'to? Bakit may ganito dito?" tanong niya kay Elias.

                "Ah, hindi ko rin po alam 'yan eh. Ngayon ko lang din nakita ang mga 'yan."

                "Anong ngayon? Imposible! Napakatagal mo na dito! Huwag mong sabihin na never mo pa napuntahan ang lugar na ito!"

                "Eh ka——"

                "Huwag ka nang magpaliwanag pa. Pinasasahod kayo dito para mapanatili ang kaayusan ng hacienda! Pero ano? Bakit 'yan ang rason mo sa amin? Puro hindi alam! Puro walang alam! Kung nagpapakatamad lang kayo, eh di mas mabuti pang tanggalin na kayo sa trabaho! Napakairesponsable ninyo porke stroke ang lola!" mahabang sermon ni Sarah.

                Nakatingin lang sa kanya sina Jameson at Gail, ganoon din ang binatang guard na hindi man lamang maipagtanggol ang sarili sa sinabing iyon ni Sarah. Tinitigan muli nila Gail ang mga balon, fresh pa ang pagkabungkal sa lupa, kaya ibig sabihin ay maaaring may ilang araw pa lamang itong hinukay.

                "Ate, hindi na ito matagal na hukay, bagong gawa pa lamang ang mga balon na ito."

                "Hmmmm, sino naman kaya ang gaagawa niyan? At bakit niya gagawin ang mga 'yan?" natanong din ni Jameson.

                "Huwag ninyo ng isipin 'yan, kailangan ko lang makausap sina Mang Kanor at Manag Yolly at may sasabihin akong mahalagang bagay sa kanila." Wika ni Sarah sabay tingin ng masama kay Elias pagkatapos ay umalis na.

                "Hayaan mo na 'yun si Madam Sarah mo, may galet lang 'yun sa mga lalake, bitter kasi. Hahaha." Pagbibiro ni Jameson.

                Ngumiti na lang kahit pilit si Elias, pero sa loob-loob niya ay nasaktan siya sa mga paratang na ibinato sa kanya ng madam niya. Nang umalis na ang dalawang magpinsan ay sinuring mabuti ng gwardiya ang mga balon na may limang metro ang laki bawat balon at may walong metro ang lalim. Napakamot siya ng ulo, iniisip kung sino ang may gawa ng mga balon na iyon.

The Case of Belinda Sto. DomingoWhere stories live. Discover now