"Hi cousins!" bati ng dalawa at nagbeso-beso sila.

"Sorryguys,we're late. Heto kasing si Gail, nagpasundo pa.Kasi sira daw ang sasakyan. Hahaha." wika ni Diana.

"Eh totoo naman eh. Hmp." Sagot ni Gail.

Nakita ng mga bagong dating si Lola Belinda na nakawheelchair habang itinutulak ni Ditas.

"Oh, my poor little grandma." Nalulungkot na sabi ni Gail at hinalikan sa pisngi ang matanda.

"Well, si Mikee na lang ang kulang sa ating magpipinsan." Sambit ni Sarah.

"Lagi naman 'yun late noon pa. Wag na tayong magulat kung bukas pa darating 'yon." Sabi ni Jameson at sabay-sabay silang nagtawanan.

Pumasok na sila sa loob ng malaking bahay at naupo sa sala. Lahat ay nakatitig sa malaking canvass sa dingding. Ang mag-asawang Belinda at Jaime ay may limang anak. Ang panganay na si Severino na ang panganay na anak ay si Diana, ang sumunod ay si Linda na ang anak ay si Jameson, si Emmanuel ang pangatlo at ang anak ay si Mikee, ang ika-apat ay si Amparo na ang anak naman ay si Sarah at ang huli ay si Miranda na ang anak sa grupo ay si Gail.

"Teenager pa lang tayo simula nang huli tayong makapunta dito." Pahayag ni Jameson. Sumang-ayon naman ang iba.

"Pero itong si Gail ay nasa elementary pa lang." sabi ni Sarah.

                "Pero hindi ba kayo nagtataka kung bakit mga panganay lang na apo ang pinapunta dito sa hacienda?" tanong ni Diana.

                "Tinanong ko na ang attorney tungkol dyan, ang sabi, yun daw ang kahilingan ni Lola Belinda."

                "Ahh, ganun ba."

                Nagpakilala si Ditas sa kanila at iniabot kay Jameson ang isang papel. Binasa  niya ito.

**********

Para sa mga panganay kong apo,

                Nais ko kayong makita kahit sa huling pagkakataon man lang. Kung maaari ay magtungo kayo dito sa Hacienda ko sa lalong madaling panahon. Napakalaki ng pinagdadaanan ko ngayon simula ng mawala ang lolo Jaime ninyo. Sobra akong nalungkot kaya hinihiling ko na makita kayong muli. Gusto ko nakaong makita muli para gumaan na rin ang pakiramdam ko. May gusto akong sabihin sa inyo, ang ibang detalye ay si Attorney Hidalgo na ang magpapaliwanag subalit may isa pa akong sasabihin sa inyo,

*************

                "So that's it?" tanong ni Sarah.

                "Oo, putol na,hindi ko na rin mabasa 'yung iba."

                "Natagpuan po naming ang sulat na 'yan noong gabing nakita naming si Lola na walang malay. Simula po noon, hindi na nakapagsalita si lola, nastroke na po siya." Paliwanag ni Ditas. "Pe-pero bago po siya hindi na makapagsalita ng tuluyan, may binabanggit siyang mga pangalan." Dugtong pa ng dalaga.

                Tahimik ang mga apo, inaabangan ang susunod na sasabihin ni Ditas.

                "Anton at Richard..........."

                Nagkatinginan ang magpipinsan.

                "I heard those names circulating around our family before." Sabi ni Gail.

                "Are those——-?" tanong ni Diana.

                "Yeah."

The Case of Belinda Sto. DomingoWhere stories live. Discover now