"T*ngina mauubusan pa ata ng dugo 'tong braso ko." Mahingang bulong ko at sinubukang ibaba ang braso ko.

Nang hindi ko maibaba at tsaka ko lang tiningnan yung kung anong sumasakal sa palapulsuhan ko.

"H-hoy bakit naman kayo ganito? Hindi ganito ang bonding." Pagkausap ko kela Riu at Klarenz. Ngunit paglingon ko ay nagulat ako nang makitang andito yung mga pinsan kong lalaki, at sina Klarenz, Riu, Kyle at Renz naman ay nasa isang sulok. Luh, andito pala si Kyle-langot at Renz kumag?

"Hoy demonyong sumanib sa pinsan ko wala ka na ba?" Sinamaan ko ng tingin si EZ at inambaan.

"Katukin ko kaya 'yang ulo mo?" Banta ko. Tumango-tango siya bago lumingon kela kuya DZ at kuya BZ.

"Confirm. Nakaalis na yung demonyong sumanib sakaniya." Aniya at tumango-tango pa. Sipain ko nga sa binti. "Aray! Bakit naninipa?! Kabayo ka ba?!" Singhal niya at hinimas yung parteng tinamaan ko sakaniya.

"Kalagan mo na. Baka maubusan talaga ng dugo 'yan sa braso." Napalingon ako kay KZ at tinaasan siya ng kilay.

"Nakakapagtakang may pakialam ka saakin, pero salamat." Ani ko. Yumuko si EZ at tinanggal yung tali. Agad kong hinimas yung palapulsuhan ko at ngumiwi. Bumakat yung tali at talagang namumula ang mga ito.

"What happened?" I asked and touched the back of my head. Grabe! Para akong hinampas ng baseball bat sa sakit!

"Hinampas ka nung bata ng baseball bat." Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay Kyle. Sunod-sunod naman siyang binatukan nina Klarenz, Riu at EZ.

"A-ano?! Bakit?!" Gulat na tanong ko at tumingin naman kay Renz. Umalis siya mula sa pagkakatago sa likuran ni Kyle at patakbong lumapit saakin bago lumuhod sa harapan ko. Piangsaklob din niya ang dalawang palad niya at mangiyak-ngiyak na tumingin saakin.

"Ate sorry na please huwag ka nang magalit saakin! Hindi ko naman sinasadya eh! Sabi ko nga kanina ayaw mong tumigil sa pagdadabog tapos inaatake mo na si Kuya Klarenz. Eh hindi ka na din makausap kaya wala na akong ibang naisip na paraan! Sorry na!" Agad kong niyakap si Renz dahil nagsimulang lumandas ang luha sa kaniyang mukha. Hala hoy baka sabihin kinawawa ko yung bata shete!

"Hoy tama na huwag ka nang umiyak diyan hindi ako galit. Naiintindihan ko naman." Pang-aalo ko at tinapik-tapik ang ulo niya. Tumigil naman na siya sa pag-iyak kaya kumalma na ako.

"Lambot." Agad kong napitik sa noo si Renz at sinamaan ng tingin. Loko kaya pala parang bumigat lalo yung bandang dibdib ko. Sumandal pala!

"Umayos kang bata ka sinasabi ko sayo." Ani ko at muli siyang pinitik sa noo. Pero nasapo ko din kaagad ang ulo ko nang sumakit iyon. I massaged my temple to help ease the pain.

"Ayos ka lang?" Tanong ni kuya BZ. Tumango ako at ipinikit saglit ang mga mata ko.

"What did I do?" I asked and looked at them. Nagkatinginan sila na para bang nagtuturuan kung sino ang sasagot.

"Your switch accidentally turned on." Kuya DZ answered. Marahas akong nagbuga ng hangin at muling hinilot ang sentindo ko.

"It's getting loose." I said and stared at my arm. I clenched my fist as I tried to remember what happened. But nothing. Para bang sirang channel ang nakikita ko sa utak ko. Da*mn it!

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni EZ.

"Didn't you notice? Madalas ko nang nagagamit 'to after what happened at Monasterio. Lumuluwag na 'tong punyetang 'to." Galit na saad ko at nag-iwas ng tingin. Gusto kong magwala. Gusto kong magalit, pero bakit parang hindi ko kaya? Bakit parang hindi pwede? Bakit parang wala akong karapatang magalit?

"Language young lady." Kuya DZ warned. Napanguso ako dahil kahit sa ganitong sitwasyon ay nagawa pa rin niyang punahin ang pananalita ko.

"The kids?" I asked instead.

"The girls are entertaining them. They're in AZ's room." It's kuya BZ who answered. Kumalma naman ang puso ko.

"Good. I don't want them seeing me like this." I said and averted my gaze. I don't want them to witness what kind of monster I'm trying to contain.

"Can't we reach her? To fix that thing inside you. You said it yourself it's getting loose. Pare-pareho pa tayong mapapahamak kung hindi mo iyan ipapaayos sakaniya at—" Sinamaan ko ng tingin si KZ. It took me a lot of self-control not to punch him.

"No! Kahit ikamatay ko pa 'tong nasa loob ko hinding-hindi ako makikipag-usap sa taong iyon! Ni makita nga siya hindi ko na masikmura eh. Iyon pa kayang humingi ng tulong sa kaniya?! Palibhasa kasi hindi mo naramdaman yung mga nangyari saakin noon kaya hindi mo alam kung gaano kadilim ang budhi ng walanghiyang iyon!" Galit na sabi ko sakaniya. Hindi ko mawari kung nasaktan ba siya o kung ano dahil umiwas siya ng tingin.

"Siya ang nagpasok niyan saiyo at malamang siya lang din ang nakakaalam kung paano yan aayusin." Mahinang bulong niya.

"Kung natatakot kayo, sabihin niyo lang ako na mismo ang didistansya." Sagot ko sakaniya at tumayo. Malalaki ang hakbang na lumabas ako at planong mag walk-out kaso napabalik din ako kaagad sa kwarto.

"Oh, bakit ka bumalik?" Tanong ni EZ.

"Kwarto ko pala 'to." Sabi ko at naupo sa kama.

Rinig ko ang pigil na pagtawa nina Klarenz. Tsaka ko lang naalala yung tanong ko sakanila.

"Ay teka nga, bakit pala andito kayo?" Nagtatakang tanong ko sakanila. Nagkatinginan naman silang apat.

"Delivery po!" Sabay-sabay na sagot nila at nginuso yung bag ko. Napatango ako at hindi na nagsalita pa. "Walang magsasalita tungkol sa nangyari ngayon ah. What happened in here stays in here, alright?" I said. Tumango silang apat at nag-salute pa.

(A/N: short ud muna tayo mga vebs. Good night!

votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME) 

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now