Chapter 21 : Let Him Go .

493 9 1
                                    

Alam kong mahirap gawin pero susubukan kong kausapin sya .. Alam kung Hindi madali ... Lalo nat alam kung wala ng pag asa para sa min .. Sana bigyan nya ako ng chance para mag paliwanag ...

..

Tatanggapin ko kung ayaw nya na sa kin .. Kung kinalimutan nya na ako ..Naiintindihan ko sya .. Ang hirap mag isip ng sulosyon.. Lalo na ngayun .. Ang layu layu nya na sa kin .. Hindi nya na ako kailangan ...

Minsan naiisip ko kung may nararamdaman pa ba sya sa kin .. Malabo pero impossible ... Kailangan ko na lang sigurong tanggapin na ito na talaga ang kapalaran ko na hindi talaga kami para sa isat isa ...

Pinuntahan ko sya sa pinagtatrabahuan nya .. Alam ko itataboy nya lang ako .. Alam ko masasaktan lang ako sa gagawin ko .. Pero ito lang Tama. Ang Tama para matapos na ang lahat ...

Kaya ko ba ? Kaya ko bang iwan sya ?? Ang hirap ...

Nasa harap ako ng pinapasukan nya .. Kinakabahan .. Nakita ko sya .. Nakita ko syang ang daming ginagawa .. Tumingin sya sa kin pero agad din nyang iniwas .. Hindi nga sya ang dating Hale na kilala ko .. Ang hale na laging andyan para sa kin..

Nakatayu lang ako sa harap ng carenderya habang tinitingnan ko syang nagtatrabaho .

Nakatayu lang ako kahit medyu mainit ayokong pumasok sa loob ... Wala ba syang balak kausapin ako .

"Tol, mukhang ikaw ata ang sadya nyan .. Kanina pa tingin ng tingin sayu oh " sabi nung kasama nya ..

Tumingin si hale sa direksyun ko nagtama ang mga mata namin ...

Ang mga mata nya ..

Puno ng puot at pighati .. Hindi ganyan ang mata ng hale na nakilala ko ... Hindi na sya gaya ng dati na kumikislap pag tumitingin sya sa kin ...

Hindi ko namalayan na lumapit na pala sya sa kin ..

"Diba , sinabi Kong layuan muna ako " hale

"Hale gusto ko lang naman makausap kita .. Hale I'm sorry " sabi ko ..

"Bakit ba ang kulit mo !! Huh , bakit umaasa ka ba na bumalik yung dati ... Hindi na kita kailangan ngayon .. At kahit kailan hinding Hindi " tumalikod sya at naiwan ako .. Hindi ako makagalaw ... Ang sakit ng mga sinabi nya sa kin .. Hindi ko matanggap ... Ang sakit sakit ..

Naglalakad ako .. Biglang tumulo ang luha ko .. Wala akong makita kundi ang mga luha ko ang patuloy na dumadaloy sa mga mata ko .. Ang sakit sakit ..

PTTTT!!! PTTT ( busina ng sasakyan )

Lumingon ako at ......

Wala akong matandaan .may biglang sumagip sa kin .. Naka pikit ako ... Muntik na ako dun .. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko sya .

Nakita ko syang nakahawak sa bewang ko ... My heart beats faster ... Ang lakas ng tibok ng puso ko ...

"Ha---le" sabi ko ..

Nakatingin ako sa kanya habang sya makayuko sa kin.. Binitawan nya ako ... At inayus ko ang sarili ko ..

"Bakit mo ginawa yun ...Sana hindi mu na lang ako tinulungan " sabi ko

Pero hindi pa rin sya kumikibo ..

Tumalikod na sya at nag umpisang lumakad ..

"Hale , " huminto sya "Thank you " sabi ko

"Antayin mo ko sa park mamaya " hale

Naiwan ako sa gilid ng kalsada ... Tama ba ang narinig ko .. Makikipag kita sya sa kin ... Napangiti ako at nangilid ang mga luha ko .. Thank you lord at makakapag usap na rin kami sa wakas .. Pinunasan ko ang mga luha ko .. At nag umpisang maglakad ..

Pumunta muna ako sa bahay ni Bess .. Gusto Kong paghandaan ang pagkikita namin alam kong mahirap pero kailangan .. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa lahat ng sasabihin nya .. Kailangan ko syang intindihin kung may nasaktan man sa min sya yun .. Dahil ako ang nang iwan..

"Bess sigurado ka ba kaya mo ?? Kung hindi samahan kita" Tina

Tumingin ako Kay Bess "kaya ko to dapat ko masabi sa kanya kong bakit ko ginawa yun ..." Sabi ko ..

"Good luck Bess basta kahit anung pag usapan nyu wag kang mag aatubiling humingi sa kin ng advice " Tina

Niyakap ko sya at niyakap nya din ako .. Kahit paanu naibsan ang lahat ng nararamdaman ko lalo na yung kaba ko ..

Pumunta na ako sa park .

Inagahan ko ang pag punta ko ayokong ma late dahil alam kong magagalit sya .. For the last time mag kakausap na din kami .. 1 hour bagu ang call time nandito na ko sa park ... Masyado akong excited .. Excited sa lahat ng sasabihin nya ... Alam ko puro negative lang ang mga sasabihin nya ..

Tumingin ako sa relo 15 minutes late wala pa rin sya ... Baka hindi sya sisiput baka niluluko nya lang ako .. Baka wala talaga syang planu ... Tumayo ako ...minsan uupo tatayu lalakad babalik .

Yan ang ginagawa ko habang inaantay ko syang dumating ... Kinakabahan ako .. Pinagpapawisan ..ang hirap I explain ...

"Sorry I'm late madami lang kc ginawa " tumingin ako sa nagsalita ...nakita ko sya dumating sya ...

Tumayo ako .. Hindi ako makapagsalita .. Kinakabahan

. ang lamig ng atmosphere parang ang awkward di gaya dati na masaya ..ngayon .. Ang layu layu namin sa isat isa ....

Nag lakad sya .. Nakatalikod sya sa kin ... Kinakabahan ako .

Ang mga likod nya ganun pa rin ang hubog nito ... Matchong macho ..

"Bakit Hindi mo sinabi  sa kin ??? " pag uumpisa nya ...

Ang boses nya ... Punong puno ng lungkot ..

Nata touch ako .

Kinikilabutan ..

"Hale I'm sorry ... Ginawa ko yun dahil ....dahil ayaw kitang saktan" nakatingin ako sa likod nya ... Humarap sya sa kin ..bigla akong yumuko .. Nahihiya dahil alam Kong nakatingin sya sa kin

"Saktan ??? Anu ba ang tawag mo dun Joice ??? Huh .. Ang sakit sakit Joice Hindi ko alam ang dahilan kung bakit mo ko iniwan.. Para akong tanga kakahanap sayu .. Pero Hindi ko alam kung san kita hahanapin .." Tumulo ang mga Luha ko .. Nakikinig sa mga sasabihin nya .." Hindi mo alam kung ganu naging mesirable ang buhay ko Joice .. Umaasang babalikan mo ko .. Pero wala eh .. Pare pareho lang kayung mga babae" Hale

Hinawakan ko ang mga kamay nya pero binitiwan nya ang kamay ko ...

"I'm sorry Hale ... Kahit ako .. Ang sakit sakit dito " tinuro ko ang dibdib ko "Hindi ko alam kung anung gagawin ko

.kaya minabuti ko na lang na wag Kong sabihin sayu .. I'm sorry " umiiyak kong sabi ..

"Napaka unfair mo Joice ... Halos mabaliw ako Hindi mo alam yun dahil wala kang pakialam sakin" hale

"Hale I'm sorry ... Pwde pa naman tayu mag umpisa eh " sabi ko

"Anu bang tingin mo sa kin ako ba yung taong minahal mo o ako ba yung taong iniwan mo " tumingin sya sa kin .. Hindi ako makapagsalita ..

"Ayoko na Joice ... Hindi na kita kailangan .." Hale

Nang marinig ko ang mga line na yun bigla ko syang niyakap " naiintindihan kita.. I'm sorry naging mahina ako .. " patuloy parin ang pag agos ng mga luha ko ...

Tinanggal nya ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap ko ... Tumungin sya sa kin .. At tumakbo sya palayo ... Palayu sa kin .. Habang tinitingnan ko syang palayu ng palayu sa kin .. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko ... Kasalanan ko kung bakit nangyayare sa kin to ..

Hindi nya na ako kailangan sa buhay nya ... Paalam ... Susubukan kong kalimutan ka ... :(

:( :(

Famous Harthob in Facebook ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon