Chapter 3 : The Party

1K 25 3
                                    

Sa panahon natin ngayon, isa sa mga batayan ng tao ay ang panlabas na anyo. Kung maganda ka maraming naghihintay na opportunity sayo. Marami kang pwedeng gawin. Maraming humahanga sayo.

Yung iba naman, kahit gwapo o maganda na hindi pa rin makuntento like kailangan pa nilang gumastos ng maraming pera para lang mapunan ang kakulangan nila. Gusto nilang maging perpekto sa paningin nila. Tss!

Kaya ako kung ano yung ibinigay sa akin ni Lord sobra akong nagpapasalamat. Ganda lang naman ang wala ako pero alam kong sobrang ganda ng kalooban ko.

"One,two, three!" dahan dahan akong iniharap ni Ma'am Sher sa salamin. Halos manlaki naman ang aking mata sa gandang nilalang na nasa harap ko.

Patuloy kong pinagmamasdan kong paano nawala ang mga pimples ko. I mean kung paano itinago ng makeup ang mga ito. Galing!

“For sure, stunning ang ganda mo ngayong gabi Joyce.” ang sabi ni Ma'am Sher.

“Naku! Thank you po. First time kong maging tao.” ang biro ko pa. Never kong inimagine na may ganda din pala akong tinatago. Hindi lang siguro ako sanay mag-ayos sa sarili.

"Bes!" tawag sa akin ni Tina habang palapit ito. Lumingon naman ako at nakita ko siyang suot na ang kanyang dress. Maging siya ay hindi ko rin makilala dahil sa ayos niya.

“Hindi kita nakilala.” dagdag pa niya.

“Ikaw nga din eh. Kala ko kung sino.” ang nakangiting sabi ko.

Power of makeup. Kayang baguhin ang itsura mo. Kaya kang gumanda with the use if this! Parang ayuko ng maghilamos after ng party baka makita ko na naman ang mga pimples ko.

"Thank you po Ma'a Sher." sabay naming sabi ni Tina.

***

Walang pagsidlan ang tuwa sa aking mukha. Para bang napanaginip lang ako sa nakita ko. Maganda naman pala ako kahit paano. Kinakabahan din ako at the same time dahil ano kanyang magiging reaksyon ni Hale pag nakita ako. Matutuwa kaya siya sa akin?

Excited na kong makita siya.


“For sure ikaw ang magiging Queen of the Night. Sa ganda mong 'yan baka mga isayaw kapa ni Hale.” ang sabi ni Tina.

Kasalukuyan kaming nasa taxi at binabaybay nito ang lugar na pagdarausan ng party.

“Sana mga Bes! Magkatotoo yang sinabi. Dream ko talagang maisayaw ng isang Hale Roxas.” sabi ko naman at napangiti ako ng malapad.

“Support kita diyan.”

“Sagarin ko na 'to. Remember, ngayong gabi lang ako magiging maganda. Kaya hindi ko palalampasin 'to. Hehe.” ang pabiro ko pang sabi at nagtawanan kami.

Totoo naman talaga, kahit sino ganito din ang gagawin. Enjoy the night sabi nga nila. Habang papalapit kami sa venue ay mas lalo akong kinakabahan. Iniisip ko kung makikilala ba nila ako o hindi kasi kahit ako nga hindi ko nakilala ang mukha ko nung unang makita ko ito sa harap ng salamin, sila pa kaya.

Huminga ako ng malalim at tuluyan na ngang bumaba ng taxi. Pagbaba ko kaagad ay rinig ko na ang malakas na sound system. Na excite ako dahil nasabi ko naman sa inyo na ito ang unang beses na umatend ako ng party. Hindi naman ako mahilig sa ganito at isa pa sayang din ang ibabayag dagdag pangkain din iyon.

Naglakad na kami ni Tina papasok ng venue. Madami na ding estudyante sa loob at lahat sila ay talaga namang pinaghandaan ang gabing ito. Ni hindi ko nga sila nakikilala.

"Look who's here!" napatigil kami sa paglalakad at lumingon sa gawing kanan. Ang Twin Sister.

Agad akong inirapan ni Lishan at maging si Lea.

Famous Harthob in Facebook ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon