Chapter 2 : The Make-Over

1.1K 35 7
                                    

Paano kaya kong naging maganda ako?? Siguro hindi ko mararanasang laitin ng karamihan. Siguro maraming humahanga sa akin.

Hays.

Ayuko tuloy tumingin sa salamin. Makikita ko na naman kasi ang mga pimples ko. Yung oily face ko. Wag na nga!

Natapos din sa wakas ang unang araw ko kasama ang kupal na ito pero thankful ako dahi binigyan niya ako ng phone. Ang mahal pa naman nito.

“Thank you Sir. ” saad ko ng itinigil na niya ang sasakyan sa harap ng bahay.

“Better luck next time. ” ngumiti siya at para naman akong sasabog dahil ang lakas bigla ng tibok ng aking puso. Takte! “Here. Try mo 'to. Moisturizer saka lotion. Di ko na kasi ginagamit eh. Effective 'yan para umokay naman 'yang balat mo. ”

“S-siguroda ka?? ” tumango siya ng marahan and out of nowhere bigla akong na excite dahilan para mayakap ko siya. “Thank you. ” sabi ko pa.

Tinitigan niya lang ako at pinagmamasdan ang reaksyon ko. Nakaramdam naman ako ng pagkahiya kaya nginitian ko siya ng pilit at nagpaalam na sa kanya. Para akong sira nung makababa na ako. Mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng apartment.

“Ay kabayo!!” tili ni Tina ng bigla akong pumasok. “Ano ba 'yan bes! Pwedeng kumatok!” reklamo niya pero hindi ko iyon pinansin at deretsong naupo sa sofa.

Nakasunod naman ang kanyang mga mata sa akin.

“Ano 'yan!?” usisa niya sa dala ko at agad na tumayo mula sa pagkakaupo. Nadatnan ko kasi siyang nagsusulat.

“Wala 'to!”

“Wow ang ganda bes!” mabilis ang kamay niya kaya nahablot niya agad ang bag sa akin. “For sure mahal 'to. Ikaw na talaga girl.”

“Akin na nga 'yan baka masira pa eh.” sabay kuha ko ng phone sa kanya.

“Ano naman 'to!?” sabay kalkal niya sa dala ko. “Lotion? Moisturizer?” tiningnan niya ako ng masama na parang naiinggit sa akin. “Kailan ka pa naging concern sa beauty mo?”

“Kahit kailan talaga kontrabida ka bes! Hindi ko naman binili yan! Binigay sa akin yan ni Hale.” naiiritang sagot ko.

“Naku! Iba ang kutob ko diyan.”

“Oo na. Bumalik ka na nga sa pagsusulat mo. Sinisira mo araw ko eh.” saad ko. Inirapan naman niya ako saka bumalik sa pwesto niya kanina. Agad ko namang binasa ang instruction kung paano gamitin ang moisturizer.

Ito din kaya ang ginagamit niya??

***

Natapos na din yung klase namin. Ang pinakaboring na subject para sa akin. Ang math! Basta I hate Math! Ayuko ng numbers!

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ni Tina. May iilan pa rin akong naririnig na usap usapan tungkol sa akin. Idagdag pa ang mga panlalait nila sa akin. Wala akong pakialam sa kanila.

"Next week na pala yung school party bes."

"Next week na ba? Naku paano ngayon yan. Wala pa tayong susuotin. Ang mahal pa naman ng renta ng gown kay Aling Bebang. Ayuko na nga sanang sumali." sabi ko sa kanya.

“Ano ka ba! Sayang 'yon. Once a year lang nagkakaroon ng party ang school.”

“Wala na nga akong makain sasali pa 'ko diyan. Bahala na.”

Ilang sandali pa ay bigla na lang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa.

"Iba na talaga pag-asensado bes!" narinig ko pang sabi ni Tina pero hindi ko iyon pinansin.

Famous Harthob in Facebook ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon