1: First Victim

125 8 5
                                    

Chapter 1

"Una sa lahat at hindi sa huli..."
"Malamang. Bugok ka ba?"
"Hindi, hindi ako bugok. Baka kasi ikaw, baka isipin mo na namang nasa dulo lagi ang priority."
"Huhugot ka pa eh. Makikinig na ko, go."
"...."

Kung akala niyong pag-ibig thingy 'yan, nagkakamali kayo. Kami lang 'yan ng kapatid ko, nag-aaway na naman sa walang kwentang bagay. Paano ba naman, nabwisit ako sa kanya kasi ayaw tumatak sa ulo niyang priorities niya ang mga utos ko. Inuna pa niyang makipagchat kesa pumunta sa kwarto ko nung tawagin ko siya. Ayan, nalowbat tuloy yung phone ko, napakatagal niya eh. Tinatamad akong kuhanin yung charger sa sahig. Papakuha ko sana sa kanya kaso late na siya. Hay nako lang!

Last week pa naman 'yun. Eto na kami ngayon, nagppractice ng speech para magpakilala sa first day of school bukas.

"Hoy umayos ka dyan! Pakinggan mo 'yung mga sinasabe ko!" pinalo ko siya ng papel kong hawak dahil nag cecellphone na naman siya.

"Nakikinig ako, Ate. Napakaarte mo naman kasi, may paspeech-speech ka pang nalalaman eh pwede namang 'Hi, I'm Eya, 13 years old. Nice meeting you.' Ang dami mo pang sinasabe, akala mo naman kumakampanya ka bilang pangulo ng Pilipinas!" inirapan niya ko sabay lingon ulit sa cellphone niya.

"Eh pake mo ba? Makinig ka na lang dyan!" inis na sabi ko.

"Okay PO, Ate." napilitan niyang sabi.

TIN'S POV:

Alam niyo, ugh. Alam ko 'di niyo pa alam. Pero kung ugh! Kung.. di ko lang kapatid 'to, nakill ko na siya. Bakit pa kasi kailangan magmemorize ng isang bond paper na speech para sa introduction niya bukas eh hindi naman requirement 'yun ng isang transferee eh? Simplicity is beauty, diba?

"Una sa lahat at hindi huli. Ugh! Una sa lahat at sa hindi huli. Una sa lahat at sa huli.." asar na asar niyang sinasabi dahil mali-mali ang kanyang nabibigkas kaya paulit-ulit.

"Push, Ate!" pang-asar ko pa lalong sinabi sa kanya pero kahit papano, considered pa rin 'yun as kabaitan diba? Chineer ko siya. "Baka una sa lahat at hindi sa huli?" tinulungan ko na nang matapos na at lumayas na sa harap ko ang babaeng to.

"Wag mo kong turuan, makinig ka lang!" aba, tinulungan ko na nga eh?

"Una sa lahat at hindi sa huli, I am Eya, 13 years old. I'm born on the twelfth day of the ninth month, 1999." pinahihirapan lang niya sarili niya, pwede namang September 12, 1999 ah? Pero mabuti nang wag magcomment at patay na naman ako neto.

"My dream is to be a successful woman someday. I want to be a teacher because I believe that it is the most important job in this world. Without the teachers, there would be no one to teach the other jobs. And I want to inspire someone, share my knowledge to others and to make a difference to the world." tuloy niya. Haler Ate!? Hindi 'to Ms. Universe! Introduction lang 'to para sa first day. Loka-loka talaga 'to.

"I used to live in Manila before but it's a pleasure to study in a province. This is a new experience for me." blah blah.

"I'm looking forward to be friends with all of you. Please be nice to me. I would be glad to know you more. I feel so happy here." Ate, baka tapos na ang klase, dismissal na tapos 'di ka pa tapos magsalita dyan. Nobela ba!

Ayon. Mahaba pa 'yung sinabi niya, pero hindi ko na sasabihin kasi puro tungkol sa kanya lang yun, mahaba at tinatamad ako. Saka, 'di ko masyado pinakinggan. Hahaha!

EYA'S POV:

Echoserang kapatid. Hindi ko ba alam kung pinakinggan yung sampung minuto kong pagsasalita sa harap niya. Pinaghirapan ko pa naman 'to. Ang haba-haba na nga pero sa tingin ko kulang pa rin. Natatakot kasi ako na.. Ay, oo nga pala, para naman hindi ako maging unfair sa aking kapatid, ako naman ang makikinig sa introduction niya para bukas. Minsan lang ako maging mabait sa kanya, hano? I mean lagi naman akong mabait sa kanya. Ano, palag ka ba? Nagbabasa ka lang dyan, ako ang author! >:) HAHAHAHA!

"Tumayo ka d'yan, bilis!" hinila ko siya patayo, kinuha ang cellphone niya at ako ang umupo.

"Ohh? Nakinig naman ako! Akin na 'yan, may kachat ako!" sabi niya.

"Ibibigay ko 'to kung iparirinig mo rin sa akin ang speech mo." I winked at her.

"Seriously?" tanong naman niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Okay, fine. I'm Christine, nice meeting you."pilit niyang sinabi.

"Then?" I asked.

"I'm done. That's it. Give me back my phone!"and now she's irritated.

"What the heaven, Tin? Is that all? Wow. Very. Meaningful. Very. Informative. Very. Long." I said sarcastically.

TIN'S POV:

I looked at her annoyed and I'm thinking, 'What the hell, I cannot believe we're sisters. Gahd! Kelan ko ba matitiis tong halimaw na to?' and all I said was, "SERIOUSLY?" in a sarcastic and annoyed tone. Tignan ko lang kung masabi niya yon lahat bukas. Bwahaha! Makapagpahinga na nga at first day na bukas.

The Bully Queen's SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon