Nagtaka naman ako dahil ubos na niya ang isang boteng alak.

"Nag-iinom ka na naman ba Kuya?"

Naiinis ako kapag ganyan si Kuya. Alam kong may kinalaman na naman ito sa isang taong gusto niyang makita.

"Kunti lang naman" sabi niya saka inubos ang isang baso.

"Anong kunti? Isang bote, kunti?" natawa nalang siya.

"Bakit ba kasi nagkakaganyan ka Kuya? Inom ka nang inom simula nong maghiwalay kayo ng Ex mo!" inis kong sabi.

"Talaga?Hindi naman ata ganon. Hindi porket nag-iinom ako...may kinalaman na sa Ex ko" sabi niya saka nagsalin na naman ng alak.

"Ganon yun Kuya. Hiniwalayan ka na niya kaya kailangan mo nang bagohin ang sarili mo!" sigawko dahil sa inis.

Bakit ba hindi siya magising-gising sa katangahan niya?! Nakakainis eh.

Mabuti nalang at wala dito sina Dad dahil may importante silang lakad.

Hindi na kasi nakakabuti sa kondisyon niya ngayon kong palagi nalang siya umiinom, kapag kasi nasobrahan siya ay kung ano-ano nalang ang pinag-gagagawa niya.

Minsan kapag nakakarami siya ng alak ay magtatago siya sa kwarto hanggang ilang araw tapos maririnig mo nalang na UMIIYAK siya.

Hindi siya mapagsabihan ni Dad kasi hindi rin siya pakikinggan nito, ganon na rin si Mom.

"Hindi pa kami hiwalay" sabi niya tapos biglang sumeryoso.

"Yan naman palagi mong sinasabi Kuya eh!Hindi pa kami hiwalay! Hindi pa kami hiwalay!.Kuya naman tigilan mo na siya, baka pagdumating pa ang panahon na magtagpo kayo ulit tapos mas lalo ka pang masasaktan dahil may mahal na siyang iba--"

"No!No! Stop!Don't say that Tyler! I don't wanna hear that shit! Hindi niya gagawin sa'kin 'yon. Alam kong mahal niya pa ako at hindi magbabago yon!"

"Paano ka nakakasiguro Kuya?! Dalawang taon! Dalawang taon ka na niyang hindi pinapakiramdaman!Paano mo nasasabing mahal ka pa niya?!"

"Dahil hindi niya magagawa sa'kin iyon" sabi niya saka umiiyak na.

Aish!

"Ikaw na ang nagsabing iniwan ka niya dahil sa isang dahilan! Malinaw na 'yon na gusto ka na niyang sumuko!"

"Hindi Tyler! Ayaw niya lang akong makitang nasasaktan" sabi niya.

"Ha! Nasaktan ka na niya Kuya! Alam mo mas mabuti nalang at umalis na siya dahil simula nong dumating siya sa buhay mo NAWALAN KANA NG PANAHON SA'MIN!" nagulat siya dahil sa sinabi ko at ganon rin ako.

Napalunok ako dahil sa kaba at gulat.

"Tama ka. Nawalan nga ako ng oras sa inyo dahil yon ang gusto ni Mom. Kung hindi dahil kay Mom, hindi niya ako iiwan!"

"A-Anong?" nagulat ako dahil sa nalaman ko.

Dahil kay Mom?Paano?

Sa totoo lang ay hindi ko pa nakikilala ang Ex-girlfriend ni Kuya pero may mga bagay akong alam sa kanya dahil palagi siyang ikini-kwento ni Mom.

Masama raw siyang babae at hindi siya nararapat kay Kuya.

Nagulat ako ng marinig kong humagulgol sa iyak si Kuya. Nakahawak siya sa ulo niya na para bang hindi alam kung ano dapat gawin.

Nakakaawa siya. Sino ba kasi yang babae na yan?!

Gusto kong alamin at makilala kung sino siya.

Gusto kong sabihin sakanya ang sitwasyon ni Kuya.

Gusto kong sabihin na kung paano niya sinaktan si Kuya.

"Kuya..."

"Pumunta ka na sa kwarto mo" sabi niya sabay napasandal sa sofa.

"Pero-"

"No. Not this time Tyler... wala kanang dapat pang malaman"

Hindi na ako nag-atubiling pa at agad umakyat sa taas. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga pinagsasabi ni Kuya.

'Alam kong mahal niya pa ako at hindi magbabago yon! Kung hindi dahil kay Mom, hindi niya ako iiwan!'

'Alam kong mahal niya pa ako at hindi magbabago yon! Kung hindi dahil kay Mom, hindi niya ako iiwan!'

'Alam kong mahal niya pa ako at hindi magbabago yon! Kung hindi dahil kay Mom, hindi niya ako iiwan!'

Bakit si Mom?

All this time, kaya pala hindi siya masyadong nagpapansinan dahil lang sa isang bagay na hindi ko pa nalalaman.

Paano?Kailan?

Nasanay akong hindi masyadong nag-uusap si Mom at Kuya kaya hinayaan ko na pero...hindi ako makapaniwalang ganoon pala ang dahilan.

"Aishh! Hindi ako makatulog!" gumulong-gulong ako sa kama dahil sa inis.

Gusto ko talagang malaman kung ano ang naging simula ng lahat. Naiinis ako kapag may nalalaman ako pero katiti lang.

Nakakapraning...

Nakatunga-nga lang ako sa taas ng biglang makita ko 'ron ang mukha ni ASH na nakangiti!

"wahhh!" sigaw ko.

Naibato ko ang unan na hawak ko at agad niyakap ang aking sarili.

Shit! Nababaliw na ako.

Highschool LoverWhere stories live. Discover now