57

60 3 0
                                    


FREA

Pagkatapos ng maiksi na biyahe namin ni Lexie, sa wakas.. nakarating na kami sa mall. :D

Kakarating lang namin dito sa harapan ng National's Book Store at hinihintay na namin si Junkyu dito. Sabi ni Lexie, malapit nalang din siya dito sa SM.

"Kita mo Frey oh, may pa-poster pa si SM dito about sa pagive away ng robux. Nag-call out talaga 'no?" sabi ni Lexie at may tinuro siyang poster kung saan nag-c-call out sa mga Robloxians na they should join the claw machine to chance to win some robux, hayzt.

Napatango naman ako, "Kaya nga. Pumunta ka naman." natatawang sambit ko sa kanya.

"Anuba Freyy! Hayaan mo na nga ako. First time ko kaya 'to. Malay mo manalo pala kami ni Junkyu." nakangiting sambit niya. Sus! Sana nga manalo silang dalawa.

"Sana nga.. pero huy, by the way.. asan na si Junkyu?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam.. pero sabi niya malapit nalang din daw siya dito. Hintayin nalang natin siya dito." sabi ni Lexie at napatango nalang din ako.

"Wala talagang sumama kahit ni isang kaibigan ni Junkyu sa kanya 'no? Kawawa naman siya." sabi ko sa kanya.

"Hindi, may kasama siya papunta dito." sabi niya. Ay? Akala ko siya lang mag-sa?

"Talaga? Sino naman kasama niya?" tanong ko sa kanya.

"Sa totoo lang.. hindi ko kilala kung sino kasi hindi niya naman sinabi sa'kin na may kasama pala siya." sagot naman ni Lex.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya, "Eh? Paano mo naman nalaman na may kasama siya?"

"Sabi niya kasi sa chat.. malapit nalang kami.. KAMI sa mall. Tapos.. sabi niya pa sa chat.. kita nalang tayo APAT.. kahit tatlo lang naman sana tayo." sagot niya. "Pero feeling ko si Junghwan or Haruto yan.. di'ba robloxian sila? Malay mo nagbago isip nila na samahan si Kyu."

Napatango naman ako sa sinabi niya, "Baka nga. Tapos baka nakalimutan niya lang sabihin sa'yo." sabi ko at napatango lang naman siya.

"Hintayin nalang natin sila dito." sabi ko at tinanguan niya nalang ako ulit. Hinintay nalang namin sila dito.

"Hello Lexie at Frea!" may tumawag na sa amin. Teka, boses na yun ni Junkyu. So, andito na sila! :D

Sabay naman kaming napatingin sa kanya. Papalapit na siya dito. Hinanap ko naman yung sinasabi ni Lexie na kasama ni Junkyu. May sumusunod nga sa likod niya. Hindi naman yan si Haruto or Junghwan? Hindi ko makilala kasi ang taas masyado ni Junkyu. :D

Nung tumigil na sila sa harapan namin. Ningitian naman kami ni Junkyu, "Hello!" bati niya sa amin.

"Hi Kyu!" bati namin ni Lexie sa kanya.

Tinignan ko naman yung nasa gilid niya. Halos tumigil yung mundo ko nung nakilala ko na siya. Omg, hindi ko po inaasahan na si Jaehyuk yung kasama ni Junkyu today?!

Parang hindi ako makapagsalita dito at hindi ko matanggal yung tingin ko sa kanya. >< Paano ba?! Gulat pa din ako tapos ang super pogi niya ngayon! Hehehe! Okay.. kalma na self. Nababaliw ka naman e. ><

"Uy Jaehyuk! Ikaw pala yung kasama ni Junkyu?" tanong ni Frea at nagtaka naman ako nung bigla niya akong tinignan.

"Ah.. oo." sagot ni Jaehyuk na nakangiti sa amin. Ang cute niya talaga. ><

"Akala namin kung sino.. pero okay lang Jae! Sama ka sa aming tatlo." sabi ni Lexie.

"Hindi niyo pala alam na sasama ako? Hindi ba sinabi ni Junkyu sa inyo?" tanong ni Junkyu.

ex | jaehyukWhere stories live. Discover now