Kabanata 1

64.5K 1.1K 477
                                    





"Truth or dare?"

Why am I here anyway? Ah! Because of my bestfriend who dragged me here kahit malling lang naman dapat ang punta namin.

"Micah, truth or dare?"

"Or." I rolled my eyes.

"Bawal tumanggi." Kinurot ako ng kaibigan ko.

Napanguso ako. Hindi lang ako komportable na makipaglaro sa mga taong nasa harapan ko ngayon. They aren't my friends. They are my bestfriend's friends. She just dragged me here.

Mags-seven na ng gabi pero narito pa rin kami sa bahay ng kaibigan niya kasi bawal pa umuwi hanggang hindi natatapos ang larong ito.

"Ayoko sumali, guys. Alny just dragged me here." Ngumuso ako at tumayo. Pinagpagan ko shorts at damit ko at tumalikod.

"Hala! Bawal umalis."

Hindi ako nakapag-focus sa reklamo ng kasama namin sa laro dahil pagharap ko ay may nakita akong isang maputing lalaki na papunta sa gawi namin.

Napaawang ang bibig ko sa aura niya. Ang prente lang niya habang naglalakad papunta sa 'min. Ang kaputian niya ay nagliliwanag. Ang tangkad niya ay umaapaw. Ang pagkagwapo niya sumisigaw.

Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

"Oy! Si Ceto nandito na!"

Ceto?

Nakatitig lang ako sa kaniya. Dumaan siya sa harap ko at nanatili sa hangin at napunta sa ilong ko ang bango niya.

Ang bango niya.

Sinundan ko siya ng tingin at umupo siya sa circle ng mga naglalaro. Doon talaga siya nakaupo sa tabi ng may birthday. I heard Dieda ang name niya.

He kissed her forehead and greeted her. Nagtuksuhan kaagad ang lahat. Napaawang ang bibig ko. Girlfriend niya?

"Oh, anong itinatayo mo riyan, Micah? Umupo ka na at turn mo na sa laro."

Parang may sariling buhay ang mga paa ko na bumalik at umupo sa pwesto ko kanina. Mabilis akong nakatanggap ng kurot kay Alny.

"Itikom mo naman ang bibig mo, vebs. Napaghahalataan ka."

"H-Ha?" Napatingin ako sa kaniya at nginisihan niya ako. Sinulyapan niya ang lalaking kakarating lang.

Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin. Why am I staring at him? Tumikhim ako.

"So ano, Micah? Truth or dare?"

"H-Ha? A-Ano...dare na lang."

"'Yon. Call your crush. Dali!"

Nagulantang ako sa sinabi ng kaibigan ko. Napatingin ako sa kaniya at pinandilatan siya ng mata.

Tumawa lang siya ng malakas.

"Go, Micah! Go, Micah! Go, Micah!" Pagc-cheer ng lahat sa 'kin maliban kay Dieda at sa lalaking kakarating lang.

Napatingin ako sa kaniya at agad ring napaiwas ng tingin ng makita kong nakatingin siya sa 'kin na nakakunot ang noo.

"Go, Micah! Matapang ka, 'di ba? Orozco ka, e." Ngumisi si Alny.

Sinamaan ko siya ng tingin. Wala naman akong number niya, e. Napapikit ako at kinuha ang cellphone ko.

"'Yon!" Hiyaw nila.

Nanginginig ang kamay ko na inunlock ang cellphone ko at dahan-dahan 'yong iniabot sa lalaking kaharap ko. Ang lalaking kakarating lang.

Kumunot ang noo ng lahat ng inigay ko sa kaniya ang phone ko at nanginginig na rin ang kamay ko.

The Art Of TakenWhere stories live. Discover now