Chapter 2

2 1 0
                                    

" Jimboy! Ailesa! Margarete! Luto na Ang ulam. Halina na't tulongan niyo akong maghain dito ng makakain na!" tawag ko sa akong mga kapatid na nanunuod ng Tv sa sala kasama ang aming makulit at cute na bunso.

Inaalalayan ko naman ang aking Lola na maglakad patungo sa hapag kainan lalo nat hindi na ito masyadong malakas maglakad.

"Dahan dahan lang po la" nakaalalay parin sa kanyang likuran.

"Haynako apo, nakakalakad pa ako, ay hindi naman ako balbado sobrang lakas pa ng aking tuhod oh" sabay sayaw sayaw sa kanyang tuhod at tawa ng malakas.

"Ay nako po oh" kinakabang anya ko ng magpa bibo ito sa akin sabay tawa na lamang dahil sa nag sasayaw na kulit sa mga mata nito.




Hinahain ko na ang  ulam naming na Kalderetang manok. Kakasweldo ko lang kasi kaya  bumili ako ng 1/4 na manok ng hindi naman kami mangamoy bagoong.




Iyon kasi ang ginagawa naming ulam dahil yun lang ang kasya sa badget namin. minsan naman tuyo.




Kaya sa tuwing sweldo ko parating masasarap na pag kain ang binibili ko. Ng makalasap naman ang mga kapatid ko ng ganun na pag kain sa loob ng isang buwan. isa o dalawang beses manlang.

Nakarinig naman ako ng mga yapak papunta dito. Siguro ay sila na ito kaya tinignan ko naman sila, nangunguna ang aming bunso na bibong tumatakbo kaya tumatalbog ang mga matataba nitong mga pisngi.



Hindi ko mapigilang  pisilin ang mga pisngi nito ng  makalapit sa kinaroroonan ko.  Paulit ulit ko itong hinalikan sa pisngi at kinukulit. Panay naman ang hagikhik nito.

" Hmm! Napakacute mo talagang Bata ka! Nakakagigilllll" nanggigigil na sambit ko at paulit ulit na kinikiliti ito. Tawa ng tawa naman ito at gumaganti pa.







Pagkatapos naming maghapunan ay pianapatulog kuna si Lola at pina inom ng gatas at gamot niya at ako naman ay nag hahanda ng umalis.




"Jimboy, bago kayo matulog ay siguraduhin niyong naka lock ang mga pinto at bintana ha tapos wag niyo ring kalimutang i-off ang mga ilaw at iwan lang nakabukas ang sa labas at sa sala. Wag kayong magpapapasok ng kung sino sino lang lalo nat gabi na." matinding bilin ko sa kapatid na lalaki. Siya at si ailesa lang ang maaasahan ko sa tuwing aalis ako sapagkat sila naman ang nakakatanda sa dalawa ko pang kapatid.


" Opo ate " masunurin naman itong tumango habang nagtutupi ng mga damnit dahil si ailesa ay nagtitimpla ng gatas para sa bunso.




" Ate magpahinga ka na lang kaya, nag aalala ako sayo kasi buong araw kang nagtatrabaho at baka magkasakit kana niyan. Wala ka nang naging pahinga " hindi ko namalayan na sumulpot nlng bigla si ailesa sa tabi ko.





Yumakap ito sa akin kaya ay niyakap ko rin ito.

" Kailngan kong magtrabaho kahit buong araw pa dahil kung hindi san tayo kukuha ng pagkain sa araw araw? Tapos mga gamot ni Lola?  Hindi sapat ang kinikita ko lalo nat kolehiyo na kayong dalawa. Kailangan niyo mo ng magtapos ng matulongan niyo ko sa mga kapatid niyo hmmm?"





" Magsusumikap kami ate ng sa ganon Ikaw naman po sa susunod ang mag-aaral alam kong pangarap mong maging accountant sayang naman po yung talino niyo niyo sa math " buong pusong saad sa akin ng kapatid kong si jimboy.


Naluluha akong yumakap sa dalawa sobrang swerte ko sa mga kapatid kong to kahit mahirap kami may pangarap sila, nagsusumikap kahit na minsan ay walang bacon kung papasok.








Hayaan niyo balang araw aahon din tayo...










"Hero na po sir" pagkalagay ko nga order na mga alak sa VIP. Pagkalabas ko pa lang sa pinto ay may naramdaman akong nakatingin sa akin napalinga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakita siguro ay pagod at antok lang to. Dahil gustong gusto nang bumigay ng mga mata ko at magpahinga.



iL Domestica Where stories live. Discover now