"P-pagbaba ko na lang po ulit Kuya." Nang tumango si Josh ay agad na umakyat si Jien sa itaas.

"Your brother?" Tanong ko kay Josh.

"Ahm mahirap ipaliwanag e, but yes I consider him as my brother."

"Pinsan?"

"No, we're not actually related." Sagot nito.

Confusion visible in my eyes that's why he immediately explain. "2 years ago, I saw him with his yaya, tahimik na tahimik siya, nagulat ako kasi biglang nagmakaawa sakin yung Yaya niya na tanggapin si Jien, I was hesitating that time and his yaya explained it all to me. Na wala na raw magbabantay sa batang yon, kasi hindi rin naman kaya ng yaya na bantayan ang batang yon dahil may sarili siyang pamilya, marami siyang anak, hindi niya raw kaya na madagdag pa si Jien, sinabi niya sakin na anak ng amo niya si Jien pero namatay raw yung Nanay ni Jien, umiiyak siyang nagmakaawa sakin na tanggapin si Jien dahil wala ng pamilya si Jien, patay na ang nanay niya, yung tatay naman niya hindi kilala dahil nga kinuha lang ng nanay ni Jien si Jien sa mismong tatay niya and also he doesn't have a siblings. Nakita yun ng asawa ko tapos siya na mismo nagpapasok kay Jien, tinanggap namin siya at tinuring na parang kapatid naming dalawa."

Napatango-tango ako at nagtanong muli. "But bro, hope you won't get offended. Why is Jien acting like a child? Actually we met few days ago. Umiiyak siya together with my nephew."

"Oh, kaya pala nang makita ka niya umakyat agad siya taas." I nodded as I chuckled.

"He's turning 22 this comi----"

"What? Seriously? He's 22 years old?" Pagputol ko sa kaniya.

"turning 22 this coming May 26 bro." Pagtatapos niya.

Gulat lang ako nakatingin sa kaniya, I thought nasa 16 years old lang siya.

Tumawa ng mahina si Josh. "Gulat ka? Kami rin ng asawa ko e nagulat kami kasi akala namin nasa 13 palang siya non tapos nalaman lang namin noong bumalik yung yaya at dinala ang mga damit ni Jien at binigay samin ang papeles ni Jien, kasama na yung birth certificate."

"I thought he's only 16." Mahina kong sabi.

Tumawa muli ito. "Maghahanda kami sa birthday niya, and by the way about sa behavior niya. His yaya told us that if we see something different about him like acting a child, hayaan na lang namin dahil hindi naranasan ni Jien na maging bata noong bata pa ito, lagi itong nasa bahay kinukulong ng ama niya dahil gusto ng ama niya na mag-aral lamang siya ng mag-aral dahil siya ang magmamana ng lahat ng ari-arian ng tatay niya, kuwento lang to ng nanay ni Jien don sa yaya ni Jien, tapos pinipilit ng tatay niya na maging matalino si Jien kaya noong napunta sa puder ng nanay ni Jien si Jien, doon na siya nakalaya, i mean malaya niya ng nagagawa ang mga gusto niya, umaakto siyang parang bata dahil nga hindi niya naranasan yon, pinacheck na rin siya sa psychiatrist at sinabing hayaan na lang raw namin dahil darating rin naman daw na aakto siya sa edad niya." Paliwanag nito.

Napatingin ako kay Jien na bumaba sa hagdan na nakashort at naka t-shirt na black, basa ang buhok nito. Nang mapatingin siya sakin ay agad siyang napayuko muli.

"O, Daniella, lapit ka na kay Kuya, nakaligo na siya." Nang sabihin yun ni Josh ay agad na tumakbo si Danielle kay Jien.

Natatawang binuhat ito ni Jien at umupo sila sa mat at doon sila naglaro. Hindi rin napigilan ng dalawang lalaking anak ni Josh na makisali kay Jien at kay Daniella.

Nakatingin lang ako sa kanila habang naglalaro sila.

Humarap muli ako kay Josh. "Bro, diba maghahanda kayo sa birthday niya? Do you mind if I come? Magkasunod kami ng birthday May 25 ako, May 26 siya." Nangingiti kong sabi na parang baliw.

"Of course you can come." Lumingon ako muli kay Jien na nakahiga na at kinikiliti ng triplets.

"Done na! Done na!" Natatawang awat ni Jien sa tatlo at umupo habang tumatawa.

"He's such a beauty, isn't he?" Napalingon ako kay Josh nang sabihin niya yon.

Ngumiti ito sakin. "Baby face pa siya kaya napagkamalan nating bata sa edad niya." Natatawa nitong sabi.

"Hindi lang yon, ang liit niya." Natatawang dagdag ko na ikinatawa ng malakas ni Josh.

Maliit siya pero bagay naman sa baby niyang mukha.

Nakangiti akong nakatingin muli kay Jien, hindi sinasadyang mapatingin si Jien dito, his eyes widen as he look away, napanguso pa ito. Natawa ako ng mahina dahil don.

"So bro, nakausap mo na ba si Mr. Takunaba? Siya yung maghahatid satin diba sa susunod na linggo."

"Ah yes." Sagot ko dito habang nakatingin parin kay Jien na naiilang na sakin.

Mga ilang oras rin kaming nag-usap ni Mr. Josh Herrera bago ko napagdesisyunan ng bumalik sa office pero bago pa ako makalabas sa pinto ay sumulyap ako kay Jien na nakatingin rin pala sakin, ngumiti ako dito at kumaway.

Dahan-dahan niya rin tinaas ang kamay at kumaway ito, lalong lumawak ang ngiti ko don.

"Babyeee poooo." Sigaw ni Daniella sakin, kumaway naman yung dalawa niyang kapatid sakin. Nginitian ko silang lahat.

Umalis na nga ako at dumiretso sa opisina.

********
Don't forget to vote, ilysm mwa.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now