Chapter 3

141 34 6
                                    

Chapter 3


As expected, dinala namin sa Ospital ang lalaking muntik ng makabangga sa amin. Wow! kung sino pa ang muntik makabangga siya pa ang dapat nakahiga sa hospital bed ngayon, kakaloka naman to! Grabehan. Yamot kaming nakaupo ni Pepot sa labas ng room ng lalaki, inaantay lumabas ang doktor dahil tila ba chenecheck ang kalagayan niya.




Dapat lang naman na i-check iyon dahil bukod sa naibangga niya ang kotse niya sa poste para iwasan kaming mabangga, malamang nauntog rin ang ulo non. Obvious naman sis, nagtaka ka pa eh, dumudugo nga ulo niya kanina.





Maya-maya ay bumukas na ang pintuan ng kinaruruunan ng lalaki, hudyat para sabihing lalabas na nga ang doktor. Tama nga ang iniisip ko, dahil pagbukas ng pinto ay iniluwa nito ang isang bansot at panot na doktor. May katabaan rin, di naman sa judgemental ako, dinidescribe ko lang para ma visualize niyo ng maayos.



Lumapit na nga ito sa amin, at tumayo na rin kami. " The patient is okay, nagkaroon lang ng kaunting damage dahil nauntog siya sa manibela ng sasakyan. Pero over all, ayos naman ang pasyente, kinakailangan lamang na makapag-pahinga siya rito ng ilang araw. "




" Ilang araw dok?! Eh parang sampal nga lang po ang nangyari sa muka niya." Alam kong nauntog siya, oo. Pero hindi naman gaanong halata iyon kanina dahil bukod sa gwapo naman siya ay hindi ganoon karami ang pagdudugo ng ulo niya kanina. Kung mag-stay pa siya rito ng ilang araw, paniguradong ubos ang pera namin. Patay. Malamang sagot namin ang bills niya rito, pero pwede rin namang sabihin na siya na ang magbayad.





" Kaya nga eh, mukang nasampal siya, dahil may bakat rin ng kamay sa pisngi niya.." Sagot ng doktor na parang pumupunta sa isang konklusyon. Napatahimik na lamang ako sa sinabi niya. Oo na, guilty na'ko. Di na nga ako nagsalita eh.





" O siya sige, hija. I'll check the other patients pa. You can check on him if you want. Basta payo ko lang, bawal muna ang stress." Aniya pagkatapos ay tinapik ako sa balikat senyales na aalis na nga ito.




" Ate, gusto ko makita yong lalaki. Rara, pasok tayo. " Sabi sa akin ni Pepot.
" S-sige " tila ba may pag-aalinlangan sa akin.





Naglakad kami papasok sa pintuan at pinihit ko ang siradura, sakto namang pagpasok namin ay naabutan namin ang lalaki na nakahiga pa rin. Saktong pag-upo ko sa upuang katabi ng hospital bed ay gumalaw siya at nag-usal ng maliit na ungol. Bali may benda nga pala siya sa ulo. Maya-maya ay nagsimula siyang gumalaw hanggang sa imulat na niya ang kanyang mga mata.





Nang maimulat niya ang kanyang mga mata ay tila ba nasisilaw pa siya. Tahimik pa rin ang paligid hanggang sa maimulat niya ng tuluyan ang mga mata niya. Dumaan ang mga minuto bago niya nakayang umupo at tila ba nakikirandam sa paligid. " Ayos ka na ba?" Pagkuha ko sa atensyon niya. Tila kasi malakas ang tama niya sa utak dahil parang hindi niya kami napansin ni Pepot na nakapaligid lang sa kanya.





" Who are you? " Yan ang unang sinambit niya nang madako ang tingin niya sa akin. " Kami yong muntik mo na mabangga kanina." Napakunot ng saglit ang noo niya sa pagtataka bago tumango-tango.




"Ow...I'm-" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang may tumunog na cellphone. Pinakiramdaman ko ang bag na nakapalibot sa bewang ko dahil doon ko nilalagay ang cellphone ko, pero hindi naman ito natunog at di nag v-vibrate. Hanggang sa may hinugot sa bulsa ang lalaking nakahiga sa kama. Cellphone niya pala ang tumutunog.





" Who is this? " Malamig na boses ang lumabas sa bibig niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon, napatingin ito sa sliding door na may balkunahe sa labas, gawa iyon sa  salamin kaya kitang-kita ang naglalakihang gusali. Bagaman may kalayuan ang probinsya namin, may mga building rin naman ito. Yaong mga sakto ang ang laki.





Mafia's Favorite Downfall IWhere stories live. Discover now