Huminga ako ng malalim

"Kong ganon,ayos lang..."na may sigla sa boses,pero nasa mukha ang lungkot

Kong hindi siya ang tamang tao para makatulong saakin,kailangan kong makahanap ng paraan para makalapit sa silda.

....

Bukas ang pinto tulad ng inaasahan kong oras.
Naririto na ulit ang Alpha ng mga rouge..

Ito nalang ang huli kong pag pipilian.Ang kuhanin ang loob niya para makatakas .

Nakaupo ako ngayon sa isang upuan ,hindi tulad ng mga nakaraang araw  talagang iniiwasan ko siya .
Ngayon hinintay ko siya upang makipag butihan.

"Kakaiba yata ngayon o swenerte lamang akong makita kang hindi natutulog"siya na may dala ng pag kain..

Siya ang nag dadala sa hapunan ng makakain.

Ibinaba ko ang hawak kong aklat

Lumapit siya at ibinaba ang dalang pagkain..

Naglakad naman ako palapit sa kanya.
Para kumain na ...Alam ko naman na nagtataka siya dahil sa pagbabago ng kilos kong ito.Pero kailangan  mapaniwalang nagsisimula na akong makisama.

"Kumain ka na ba?"tanong ko
Habang hinahayaang ayusin niya ang kanyang dala

"Hindi pa,bakit mo natanong?yayain mo ba akong sumabay sayong kumain ?"na may nakakainis na ngisi

Gusto kong nagsalubong ang kilay ko pero pinigilan ko

"Napansin ko kasing ang dami mong dala,kaya naisip kong sabayan mo ako...nalulumbay ako ng ganito palaging mag isa."
Saka ako nagsimula ng kumain na hindi na siya binigyan pa ng pansin..

"Kong ganon,sumama ka bukas na bukas sa pag papatrolya ko sa buong pack.Oras na para makita mo ang pack nating pamumunuan.Marami kang makilala at makakasama .At ng sa  ganon hindi ka na malumbay.."nasa himig niya ang saya 

"Talaga?"hindi ko makapaniwalang tanong

Tumango siya bago nagsalita

"Ilang araw ka ng hinihintay ng buong pack sila ay iyong harapin.Gusto kanilang makilala"
Dagdag pa niya

Teka , paano ko sila pa tutungohan...
Tulad lang rin ba sila ng pack namin..??
Pack ito ng mga rouge,kaya siguradong hindi maiiwasang idinadaan nila sa dahas ang lahat.Magiging ayos lang ba ang lahat..??

"Alpha ng mga rouge,gusto kong malaman ang iyong pangalan"

Ng tiningnan ko siya,nakatingin lang din siya saakin..

Natigilan siya panandalian,ng kalaunan gumuhit sa labi niya ang pag ngisi
Naglakad siya palapit saakin ,
Inilapit niya ang mukha sa akin..ng tumapat ang bibig niya sa aking taenga..ramdam ko ang init ng kanyang hininga.
Kaya napalunok ako ng laway,..
Hindi ko rin naiwasang,malanghap ang mabango at mahalimuyak na kanyang scent.. napapikit ako dahil doon

"Alvierd"mahina niyang bulong sa taenga ko
Saka lumayo ng kaunti at humarap saakin.
Nakatingin siya saaking mga mata..Ang mata niya...kakaiba ang dating nito sa akin..
Pakiramdam ko nakatingin ako sa malamig at mainit na mga mata niya..
Hindi ko maintindihan..
Hindi ko maigalaw ang aking mata,nanatili lamang itong nakikipag titigan sa kanya..
At sa pamamagitan ng aming titigan,tila nag uusap ang aming mga tingin







Matapos ang paligsahan namin sa pag titigan,napag desisyon niyang siya ang alisin ang tingin at saka tumawa ng malakas

Saakin pa siya nakipag titigan  sanay akong makipag titigan lalo na at pakiramdam ko nasa isang paligsahan ako na kong sino ang unang pumikit ay talo.

At sa oras na iyon pakiramdam ko nanalo  na ako ..Kaya naging ganado ako sa pagkain,habang siya ay nakikisabay narin kumain..

Tahimik buong oras na kami ay kumakain..minsan napapansin ko ang pag tingin tingin niya ..na mukhang pinapanood ang mga galaw ko.Pero hindi  ko na iyon pa binigyan ng pansin




"Alvierd,gusto kong makita ang aking mga pack member"bigla kong sabi ng matapos namin kumain
Nakatingin ako sa hawak kong baso at kinakalog ang laman nito.

"Bakit?"tanong niya
Ramdam ko ang tingin niya sa akin

"Nais kong malaman kong nasa maayos pa ba silang kalagayan."
Paliwanag ko,pinilit kong itago sa aking tinig lumabas ang may pag kainis.

"Hmm.. anong makukuha kong ibigay ko ang hinihingi mo?..."

Napatingin ako sa kanya.. sinalubong ko ang tingin niyang mapanuri

"Anong gusto mong iparating?"

"Luna,aking Luna...Lahat ngayon may kapalit na kabayaran..Hindi natin makukuha ang ating gusto kong hindi natin pag hihirap,hindi ba?"
May mapaglarong ngiti sa kanyang labi at nakikita sa kanyang mata ang pag-ka liwanag na emosyon.

"Hindi ako ang Luna mo..at iyon ang alam ko..."diretso kong sagot na hindi makikita ang emosyon na gusto kong kanina ipakita

Umiling iling ito..
At humalakhak,at ilang sandali...nawala ang pag katuwa sa kanya at napalitan ng seryoso at hindi makikitaan ng giliw.

"Paano ko,gumawa tayo ng kasunduan ."malamig niyang tinig

Napalunok ako ng laway sa kaba .. Pakiramdam ko , maririnig niya ang tibok ng puso ko sa lakas  ng tibok ng puso ko ngayong kaharap siya


"A--anong kasunduan?"
Pinilit kong ituwid ang aking tinig.

"Sabihin nalang natin ,...

kong handa kang isugal ang iyong kalayaan kapalit ng mga buhay ng dati mong pack"

Agad na uminit ang ulo ko sa sinabi niya..

"Sinasabi mo bang papatayin mo sila??!"galit na tanong ko

"Syempre,hindi...Pero kong gusto mong mabuhay sila ng malaya..pwede naman natin pag usapan ang lahat,hindi ba?"siya sabay haplos ng mukha ko

Na agad ko namang hinampas ang kanyang kamay para ilayo ito saakin.masama ko siyang tiningnan
..

"Naisip kong makipag butihan sayo,ngunit sa naririnig ko ngayon..sinira mo ito."na dismaya ako ng sobra sa kanya..

Tumayo agad ako at lumabas papuntang balcony ng pack na ito...
Doon alam ko ,makaka langhap ako ng hangin ..

Alam ko ang gusto niyang iparating..at hindi ko iyon nagustuhan.

Napahilot nalang ako ng sintido sa sakit ng ulo ko..


Taken by HimWhere stories live. Discover now