Chapter 29

47K 2K 2.2K
                                    



ILYSB




I woke up early. As soon as I opened my eyes, I saw the most beautiful creature I've ever seen. She's sleeping soundly beside me.

I tuck some of her hair strands behind her ear and trace her face using my fingertips. She had the face of an angel. My angel.

I smile unconsciously and lean closer to kiss her forehead.

"Happy Birthday."- mababa ang boses na sabi ko bago naupo at sinuklay ang buhok ko.

Madaling araw palang yata. Pero kailangan ko na kasing bumalik ulit sa kwarto bago pa may makakita sa akin na dito ako nang galing at natulog.

Pagkababa ko ng kama ay inayos ko ulit ang comforter nya at binigyan sya ng huling sulyap bago ako lumubas.

Pagkadating ko sa kwarto ko ay sumampa kaagad ako sa kama at nahiga. Inaantok pa kasi ako e. Buti nga wala pang gising sa kanila kaya malaya akong nakabalik sa kwarto ko na walang nakakakita sa akin. We don't have CCTV sa hallway ng bawat kwarto. For privacy na din. Sa labas lang ng mansion meron hanggang sa living area at sa harap ng elevator sa ground floor.

Mataas na ang sikat ng araw nang magising ulit ako. At wala pa nga akong balak bumangon kung hindi lang espesyal ang araw na ito.

Matapos akong maligo at makapag bihis ay bumaba na ako. Na missed ko na naman ang breakfast. Malalagot na naman ako nito kay Lola dahil mukhang ako na naman sa mga apo nya ang absent sa hapag kaninang umaga.

Pagkapasok ko ng dining area ay malinis na duon. Wala nadin tao.

Napabuntong hininga nalang ako bago nagtimpla ng hot chocolate. Saktong humihigop ako mula duon ay bigla naman pumasok ang pinsan kong iniwan ko sa kwarto nya kanina. Muntik na tuloy akong mapaso.

Naka sando lamang ito at leggings. Mukhang nang galing sa pag eensayo sa gym.

Tahimik itong lumapit sa fridge at kumuha ng maiinom. Nanatili akong tahimik kahit pa ramdam ko ang pagtingin nya sa gawi ko habang umiinom sya ng tubig.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang walang imik syang umalis matapos uminom.

Wala na naman yata sya sa mood? Grabe talaga sya. Walang pinapalampas na araw sa pagiging seryoso nya sa buhay.

Inubos ko na ang iniinom ko para maka alis na din ako sa kusina. Hindi pa man ako nakaka apak sa may sala ay may humila na sa akin at tinangay ako sa kabilang bahagi ng mansion kung saan madalang ang dumadaan na mga katulong.

"B-bakit?"- gulat na sabi ko nang makita ko syang seryosong nakatingin sa akin.

"Kumain ka na ba?"- mahina lang ang boses nya pero sheeyytt! Bakit ako kinikilig?!

Kinagat ko ang labi ko at umiling. Muli nyang hinawakan ang kamay ko na ikina kislot ko pero tinaasan lang nya ako ng kilay at walang sabi sabing hinila ako sa may hagdanan.

"Where are we going?"- I asked, confused.

"In my room. I have food there."

Mas lalo akong naguluhan. Pagkain sa kwarto nya? Pagkadating namin sa floor nila ay sinilip muna nya ang hallway kung may tao. Nuong masiguro nya na wala ay sinenyasan na nya akong sumunod sa kanya.

Para tuloy akong nananaginip. Hindi kasi sumagi sa isip ko dati na gagawin nya tong ginagawa nya ngayon. Akala ko sa amin dalawa, ako lang yung mahilig manghila para magtago kami. Mukhang na adapt na nya ang ugali ko ah para lang magka moment kami.

Ayiie, mutual naba ate Louise?

Binuksan na nya yung kwarto nya at pinapasok ako.

"Asan ang——uyy teka.."

Loving Louise Spencer ✔Where stories live. Discover now