PROLOGUE

6 2 0
                                    

CAPRIZ POV.

"ANO bang alam mo sa pagiging elite? You're just a poor little thing and a pathetic girl na tatanga-tanga at hindi marunong gumalang sa mga gaya naming nakakataas." Parang gusto ko tuloy maihampas itong makapal na encyclopedia sa muka n'ya at ipasak sa utak niyang kahit isa siyang elite e kung parehas kaming tao, diba? Di bale sana kung isa siyang hayop o edi baka mag change of mind pa ako na wag ituloy ang pag hampas ko sakanya ng libro, instead dog food nalang para naman kahit papaano magkaroon siya ng knowledge about world.

Umalis na ang grupo nila Ezra, napa aray naman ako dahil sa pag flip hair niya ay tumama ang animo'y malambot niyang buhok, e amoy bunot nga eh. Hindi sa pag mamayabang pero mas maganda parin ang sunsilk na shampoo. Hindi gaya niyang paiba iba ang shampoo every week nagkahalo halo na ang amoy sa ulo niya.

Wala naman talaga ako pinandidirian. Saka lang naman ako mandidiri sa isang tao kung pinandidirian rin ako. Syempre para patas kami ha-ha-ha.

Umuwi ako ng bahay ng may sama ng loob kaya pati yung yaring kahoy na gate namin ay muntik ng bumigay dahil sa lakas ng pag kakahila ko don. Kumalma ka Cap, kahoy yan, baka ikaw martilyuhin ni itay pag isa pang nasira mo tong gate nyong mamahalin (っ˘̩╭╮˘̩)っ

Sinalubong naman ako ni Ratatat. Yung alaga naming askal—asong kalye—bakit ratatat ba kamo? Kasi mahilig yang kumahol pero di naman marunong mangagat kasi ubos na ang ngipin. Minsan napapaisip ako, ano ng silbi ni Rata kung matanda na sya? Kumain nalang ng kumain ng mga tirang ulam namin? Yung putotoy nga nya malapit ng sumayad sa lupa — pandak kasi sya kaya wag na kayong mag taka kung umabot man ang tututch niya sa sahig.

"Ate Chapiii!!" Rinig kong sigaw ni Aaron. Chapi? Sinong Chapi? Ako?

"Aaoron, bumalik ka ditong bata ka! Di ka pa tapos maligo!" Hubo't hubad na yumakap sa paa ko si Aaron at sumabit na parang maliit na unggoy...tas ako yung pinagmukang unggoy na nanay. Aba, magaling na bata to ah!

"Ate Chapi! Naliligo na ato!" Saka ito himagikgik.

"Lokong bata 'to, shatap ka muna dyan kundi ikaw yung gagawin kong panggatong don oh." Sabay turo ko dun sa kalan naming de-kahoy :> astig ng pamilya namin, no?

Dahan dahan naman itong bumaba saka naptingin sa twitty bird niya. Nagkatinginan kami saka ako ngumisi. "Naku, wag po!" Sigaw nito saka tumakbo papalapit kay Ate Tanya na may hawak na hanger.

"Tonyo! Si Aaron mag papatuli na daw oh!" Ngingisi ngisi kong saad habang napasandal sa puno not until there's a pair of hand kurot kurot my makinis na singit. "Araray ko po!" Sigaw ko dahil sa pag kurot niya sa puwit ko. Balak pa yatang pamulahin iyon ng maiigi kaya dinadagdagan yung pag kurot.

"Imbis na patambay-tambay ka diyan e kung tulungan mo kaya akong buhatin ito?" Ngumisi nalang ako.

"Ikaw..." Napaiwaas nalang ako ng ambahan niya ako ng suntok.

"Si nanay naman eh, kay tanda na nangungurot pa."

"Eh anong gusto mong gawin ko? Ambahan ka ng nagbabagang pang gatong?"

"He-he-he, nay naman eh, chill ka lang. Akin na 'yan, ako na ho mag bubuhat, he-he." Bungisngis ko, ng ambahan niya ulit ako ay agad na akong kumaripas ng takbo papunta sa bahay naming half kahoy, half semento. Ang pamilya Ledesma ay napaka yayamanin sa mga bagay bagay. Hindi ho iyan sarkasmo dahil yan ang totoo ^^ oo...

Yayamanin sa utang, yayamanin sa ulam — tuyo, binatil na itlog — kapag in-english ko ba yang mga 'yan mag mumuka kaming sosyal? Salted little fish, scrambled egg. Hindi naman kami yayaman, mag mumuka lang kaming mayaman, duh.

Mula dito sa kuwarto ko, amoy na amoy ko yung ulam naming tinapa. Maamoy eh kaya amoy na amoy ko kasi may ilong ako. Hindi naman ako premature nung pinanganak ako sabi ni inay. Sa katunayan nga'y sa angkan ng mga Ledesma ay ako lang ang inaasahan nila kasi biniyayaan raw ako ng katalinuhan pero tanga tangang utak. Ang sakit nila sa atay 'no?

Lumabas ako ng kwarto at naki-upo sa tabi nila Aaron at Chana.

Parehas silang bulol kaya wala akong maintindihan. Okay lang 'yan Cap, intindihin mo nalang, tandaan mo bata sila ^^

"Ate Chapi! Diba mat makanda yung lobot?" Lobot? Anong lobot? Puwit ba iyong tinutukoy niya? Naririnig ko minsan yung salitang 'lobot' kay Tonyo kapag kinakaw-kawan niya si Shamel—anak niya.

"Mat makanda yung tombiii!!" Lobot? Tombi? Yung totoo, sabi ni Jose Rizal, kabataan ang mga pag asa ng bayan, sa tingin ko hindi kasama ang dalawa kong pamangkin dahil wala na silang pag asa. T^T

"Kayong dalawa mag tigil kayo sa Robot at Zombie na 'yan, mag review kayo mamaya. Kapag itlog ang nakuha niyo bukas isasama ko na talaga kayo sa bukid." Pananakot ni Ate Tanya sa dalawa nitong anak. Wow, how to be you po 'Te Tanya *0*

"Loboot!"

"Tombii!" Napailing nalang kami. Yung zombie, sa libro ko lang yan nababasa, naiimagine ko nga what if mag karoon ng zombie dito sa pilipins tapos may isang guwapong zombie na papalapit saakin, mag papakagat ba ako? Oo naman syempre —

"Ay Diyos ginoo!" Biglang sabi ni inay. Wala akong makita kundi itim na kapaligiran. Walang kuryente?

"Nanay! Ba't po ang tilim!" (dilim)

"Nasan ang kuya Aaron mo? Dito lang kayo, may titignan lang ako sa kabilang bahay." Saad naman ni ate Tanya. Napatingin ako sa isang butas na may sumisilip na kaonting ilaw roon. Naalala ko...

"Nagbayad ba ako ng kuryente kanina?" Bulong ko...naku po, hindi ako nakapagbayad ng kuryente.

O____o

Nagtago naman ako sa ilalim ng mesa at gumapang papuntang labas ngunit huli na ang lahat.

"At san ka pupuntang bata?" Unti unti akong tumingin kay inay. Kaawaan mo sana ako panginoon T^T

"Hindi ka nag bayad ng kuryente?!" Sigaw naman saakin ni ate Tanya.

"Sa ibang bahay may ilaw, saatin lang ang wala!"

"Hu-hu-hu-hu, sorry na nay, nakalimutan ko lang talaga!" Handa na sana niya akong hablatan ng hanger pero agad akong kumaripas ng takbo papuntang kwarto ko. Ako nalamg ang humarang kasi wala namang doorknob yung pintuan ko eh T^T

Ang sabi ni inay, mag aral lang ako, wala namang akong maalalang mag trabaho ako ah T^T

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OUTSIDE THE WALL: The apocalypseWhere stories live. Discover now