Monster ♂ Chapter 38

Kath's POV

Hindi ko alam kung bakit umaakto ako bilang isang mabuting kaibigan kay Saturn. Wala na akong balak guluhin sila ni Chloe pero dahil sa mga nangyari, ako ang naging kasama ni Saturn sa sakit na nararamdaman niya. Kumbaga tinutulungan ko lang siya pero tinutulungan ko lang din ang sarili ko. Nasasaktan siya dahil kay Chloe at ako naman ay nasasaktan nang dahil sa kanya. Sino bang hindi masasaktan? ‘Yung taong mahal mo na umiiyak dahil sa iba at sa tuwing magkasama kayo ay laging bukang bibig niya ay ang taong mahal niya.

Kanina nang makita namin si Chloe sa may ice cream shop sa mall, awang-awa ako kay Saturn. Nang makaalis si Chloe ay hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak kahit na napapatingin na ang mga tao sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganoon at hindi ko halos kinaya.

“Tumigil ka na, Saturn. Wala ka nang ibang ginawa kundi ang mag-inom!” saway ko sa kanya.

Araw-araw na lang siyang nag-iinom. Ang itim na din ng ilalim ng mga mata niya dahil sa kakulangan sa tulog. Halos nakakaisang pakete din siya ng sigarilayo sa isang araw! Hindi ko alam kung nagpapakamatay na ba siya o ano, eh!

“Walang mangyayari sa’yo kung ganyan lang ang gagawin mo.” sabi naman ni Xander.

Nandito din ang mga kabarkada niya. Mas nauna lang silang dumating sa akin. Natutuwa ako dahil hindi sila galit sa akin kahit hindi ako naging mabuti kay Chloe noon. 

“Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wag niyo na akong pakekealaman! Hayaan niyo na ako! Hayaan niyo na akong mamatay!”

“Gago! Kapag namatay ka, sa tingin mo ba, hindi kami malulungkot? Kapag namatay ka, madaming masasaktan!” sigaw naman ni Jonas.

Ilang beses nang sinasabi ni Saturn na gusto na niyang mamatay sa tuwing nalalasing siya at ilang beses na din namin siyang pinagsasabihan tungkol doon pero wala pa ring nangyayari. Paulit-ulit lang siya sa ginagawa niya. 

Paano na siya kung umalis si Chloe? Nabalitaan ko kasing aalis pala si Chloe bukas papuntang Paris at doon na mag-aaral. Mas lalong masasaktan si Saturn kapag nalaman pa niya kaya naman napagdesisyunan na din naming ‘wag na munang sabihin sa kanya.

“Alam ko ang ginagawa ko.” matalim na sabi ni Saturn. “Hayaan niyo muna akong mag-isa. Please.” isa-isa siyang tumingin sa amin na may pagsusumamo kaya naman sinunod na lang namin ang gusto niya.

Mahal ko si Saturn at hindi ko kayang i-take advantage ang pagiging malungkot niya. Kailangan kong gumawa ng paraan kahit na kapalit nito ay hindi na kami magkakaroon ng pag-asa ni Saturn sa isa’t-isa. Hindi na rin naman ako umaasa. Kaya naman pagkalabas namin ng condo niya ay humiwalay na ako sa kanila.

Nagpunta ako sa bahay ni Chloe. Kailangan ko siyang makausap.

Pagkadating ko ay nakita ko siya kaagad sa garden nila. Hindi na ako tumawag pa, basta na lang akong pumasok sa loob ng gate. Mukhang siya lamang ang tao sa bahay nila.

“Chloe.”

Mukha naman siyang nagulat sa pagdating ko.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Huminga ako nang malamim bago siya sinagot. “Gusto lang kitang makausap.” 

"Tungkol saan?"

“Alam kong alam mo kung tungkol saan ang gusto kong pag-usapan natin.”

Saglit siyang natahimik at hindi kalaunan ay tumango na lamang. Pinapasok niya ako sa loob ng bahay at sumunod na lang ako sa kanya. Umupo ako sa couch na katapat niya.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!