"Kain ka pa.." sabay naglabas ng pilit na ngiti si Naja. 

Tinapik ni Archer si Zarden, "Tama, dapat kumain ka pa, ang liit pa ng kinain mo, bro." pagsang-ayon ni Archer. 

Kaagad namang tumango-tango si Naja, "Oo nga! Huwag ka na munang magsalita lalo pa at may laman ang bibig mo at tsaka," binaling niya ang tingin kina Gael at Avabella, "baka multo talaga 'yon, diba ano.. tahimik do'n tapos walang katao-tao.. kaya multo talaga 'yon, sure ako." 

"Oo nga 'no.." takot na tumingin si Avabella kay Gael, "hindi na ako babalik do'n." 

Nakaramdam ng ginhawa si Naja nang maniwala naman sina Avabella at Gael. Palihim niyang tiningnan si Zarden na nakasimangot ang mukha habang nginunguya ang siopao na pinakain niya. 

"Heto na ang dessert!" 

"WOOOW.." 

Kuminang-kinang ang mga mata nila sa makukulay na halo-halo. 

"Alam niyo ba na first time ng anak ko magdala ng nga kaibigan kaya ang saya na malamang may nga kaibigan na rin siya." saad ng kaniyang mama. 

"Ma, bakit mo naman 'yun sinabi.." pabulong na sabi ni Flynn. 

"Oh sige, maiwan ko na kayo!" 

"SALAMAT PO!" sabay na pasasalamat nilang anim.

Pero muling bumalik ang mama ni Flynn at walang pasabing kinunan sila ng litrato, pero napansin iyon nina Zarden, Archer at Flynn.

Kaagad na nag-wacky si Archer, seryoso naman ang pagmumukha ni Zarden at yumuko si Flynn dahil nahihiya habang sina Naja, Gael at Avabella ay stolen ang kuha ng larawan. 

"Ma, naman.." 

Mahinang tumawa ang mama ni Flynn bago naglakad paalis. 

"Teka, pinicturan ba tayo?" Ngayon lang pumasok sa utak ni Naja na may kumuha pala ng litrato sa kanila dahil nakapokus ang diwa niya sa halo-halo.

"Ha?" "Picture?" walang ideya na tanong naman nina Gael at Avabella. 

Gabi na nang makalabas sila ng restaurant, humihikab na nga sila sa pagkabusog. 

"Salamat, Flynn, grabe ang sarap magluto ng mama mo." 

Napangiti si Flynn nang icompliment nila ang kagalingan ng kaniyang mama. 

"Thank you for inviting us, bro." sabay tapik ni Archer sa balikat ni Flynn. 

"Salamat din sa inyo kasi pumunta kayo, sige na, gabi na at baka wala na kayong masakyan." 

"Maraming salamat, Flynn! Pasend nalang ng picture ha!" pahabol ni Naja. 

"Hala ako rin!" saad naman ni Avabella. 

"Send it to me too, I wanna see how's my face there." ani Zarden. 

"Ito nalang, gagawa ako ng gc tapos send nalang doon." Kinuha ni Naja ang cellphone niya at isa-isang inadd sa bagong gc silang lima. "Tapos na!" 

Chineck ng iba sa kani-kanilang phone ang gc.

"Pff, what's this?" natatawang binasa ni Zarden ang group name nila.

"Six idiots? Really?" Natatawa rin si Archer sa group name.

"Mas maganda 'yan, 'di aamagin ang gc. Sige alis na ako!" Sabay takbo ni Naja habang ang mga naiwan ay kumaway-kaway sa kaniya.

"Hindi mo siya ihahatid?" Bulong ni Zarden kay Archer.

"I told her, she declined." Pabulong na sagot ni Archer.

Taste of Friendship [ON GOING]Where stories live. Discover now