TRES

0 0 0
                                    

HIS LAST WISH
By eishcream

Naglalakad ako sa hallway nang ’di ko sinasadyang  makabangga ang isang babae, nahulog ang mga dala niyang papel kaya’t tinulungan ko siyang pulutin ito. Bakas sa kaniya ang pagmamadali at base sa suot niya, Med student siya.

“Hey, Miss, you okay?” nag-aalalang tanong ko.

Tumingin siya sa akin at sinabing ayos lang siya.

“I’m sorry, Miss Janell.” kunot-noong tumingin siya sakin. Marahil nagtataka siya kung paano ko nalaman ang pangalan niya kaya’t ininguso ko ang name plate niya.

“Ay, ayos lang ’yon,” kamot-ulong sabi niya. Tumigin siya sa ID na suot-suot ko, “oh, so your name is Jaxon. Nice meeting you, alis na ako ha? may ipapasa pa ako, eh. Sige, bye!” naiwan niya akong nakanganga. Tila may nagliliparang paru-paro sa tiyan ko nang makita ko siyang ngumiti. Itigil mo ang kabadingan mo, Jaxon!

——

Mula noong araw na ’yon, lagi na akong binabagabag ng presensya ni Janell.

Lagi din akong naghihintay sa hallway kung saan kami unang nagkita. Nakikita ko siyang laging dumaraan doon at inihahatid ko siya gamit lamang ang tingin.

Ewan ko ba, pero gusto ko lagi siyang safe at ayoko ng may ibang lalaking umaaligid sa kanya.

Mahal ko si Janell, at hindi ko iyon kailanman itatanggi.

——

Paano ba kasi umamin?

Sa tuwing makikita ko siya, parang nawawalan ako nang sasabihin. Nabablangko ako.

Kaya’t umisip ako ng paraan para mag-confess.

Mayroon naman akong art materials dito kaya p’wede na ’to.

Agad akong pumunta sa room ko. I still have an hour.

Gupit. Sulat. Dikit. Sa wakas, tapos na rin.

Nakagawa na ako ng banner na may nakasulat na,

‘CAN I COURT YOU, JANELL?’

Nagtatakbo ako papuntang dean’s office dala-dala ang banner na ginawa ko.

“Son, why are you here?” si dad.

“Dad, p’wede pagamit ng microphone? I have a special announcement,” he gestured where’s the microphone located, “Sure, son. Go ahead.”

“Mic check, mic check.” the dean’s office is surrounded by glass. Ang masama pa nito, hindi tinted. Kaya, kitang-kita ko kung paano magtinginan sa akin ang mga estudyante.

“Calling the attention of Ms. Janell Ramirez, please proceed to my heart.”

Hinanap ng mga mata ko si Janell at nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

Maybe she doesn’t know that I am the son of Harry; our school’s Dean.

“Uh–hi Janell.” kahit na nasa loob na ako ng dean’s office, rinig ko pa rin ang tilian ng mga estudyante.

Kumaway siya sa akin and she smiled awkwardly. So cute!

“Janell, can I...”

Inilabas ko mula sa likod ko ang hawak kong banner ginamit ko ’yon upang takpan ang mukha ko.

WHAAAA OH MY GOOOD!!!”

“SANA ALL SI JANELL!!”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CRESTFALLEN (STORY COMPILATION)Where stories live. Discover now