Mabuti nalang at medyo pamilyar ako sa street na ito. Malapit ito sa paaralan namin pero hindi ko pa masyadong kinabisado dahil madalang akong dumaan dito.

"Uy pare shoti!"

"Miss, saan ang punta?"

"Tara, sama ka muna samin! Tagay!"

Hindi ko nilingon ang mga lasing na tambay na iyon at hinayaan lang silang dumakdak doon.

Muling nag-init ang ulo ko nang maramdamang sinusundan na nila ako.

"Miss 'wag kang snober. Gusto lang naman namin makipag-kaibigan." Gunggong. 'Wag ako alam ko 'yang galawan na 'yan.

"Tigilan niyo ako kung ayaw niyong mabalian ng buto." Banta ko at tiningnan sila ng masama. Napaatras naman sila kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Tch. Sungit mo naman, miss. Makikipag-kaibigan lang naman." Ani nung isa. Lalong nag-init ang ulo ko nang hawakan ako ng isa sa kanila sa braso.

"Makikipag-kaibigan?" Napatigil silang tatlo nang marinig ang boses na iyon. Maski ako ay napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Oh, sino ka naman? Huwag mong sabihing girlfriend mo 'to? Gasgas na 'yang linya na 'yan nako." Sabi nung isang lalaki.

"B*bo ka ba o sadyang bulag lang? Nakikita niyo naman sigurong naka-uniform ng pang-student 'yan, hindi ba? Ibig sabihin menor de edad 'yan. Pwede kayong makulong sa ginagawa niyong paghawak-hawak sakaniya without her permission." Aniya. Humakbang siya palapit sa tatlong lalaki. Umatras naman ang mga ito na para bang na-intimidate sa presensiya ng taong ito. "Bumalik kayo sa pwesto niyo, at huwag nang manggulo ng mga taong dumadaan. Sa susunod na makita ko pa ulit kayo, babasagin ko sa ulo niyo lahat ng boteng nakakalat diyan, nagkakaintindihan? Hala, uwi!"

Nagtakbuhan ang tatlong lalaki palayo at kaniya-kaniyang uwi sa bahay nila. Tsaka ko nilingon ang babaeng nasa harapan ko. Tinaasan niya ako ng kilay at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"Para kang nanggaling sa riot. Saan ka ba nagsu-suot?" Tanong niya.

"Sa tabi-tabi. How about you, why are you here, Ms. Fuhla?" I asked her. Yes, si Ms. Red days nga ang nagtaboy doon sa tatlong tambay na iyon at ang nakatingin saakin na parang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Saan kayo galing ni Ashford?" Tanong din niya. Ay ang galing. Binalik din saakin yung tanong ko—teka...

"Wh—how did you know I was with Ice?" Takang tanong ko. Anak ng...paano niya nalamang kasama ko si yelong kumag? Paano...paano niya nalamang andito ako?

"I saw you went in the parking lot and got in Ashford's car." Sagot niya at pinagkrus ang braso niya. Pinaningkitan ko siya ng mata ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay. "My question?" She asked.

"Yes, I was with Ice. But..." Nag-isip ako ng pwedeng idahilan sakaniya dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na "kasi po nakipag digmaan este nakipag sapakan po ako at ang section 5 sa mga lalaking naka itim na gustong-gusto na makuha ako."

"But?" Naghihintay na tanong niya. Ibinuka ko ang bibig ko at itinaas dina ng daliri ko pero wala talaga akong maisip.

"Wait a minute, why do I have to explain? I didn't know teachers should know about their student's personal life." I said. She rolled her eyes.

"Kapag may nangyari sayo, at nagkataon na ako ang huling nakakita saiyo, syempre ako ang madidiin at maaring malagay sa peligro ang career ko." Aniya at muling inirap. Mannerism na siguro ni maam yung pag-irap.

"Then I'll make sure you won't be the last person who saw me." I said and smiled. She also smiled at me. SARCASTICALLY. Typical bi—

"Don't you dare call me a b*tch." She said and glared at me. Nanlaki ang mata ko sa tinuran niyang iyon. Luh, hindi nga b*tch, eh ano? Witch? G*go nabasa niya yung utak ko! "And no, I didn't read your mind. Alam ko yung ganyang tinginan, Montefalco." Dagdag niya.

"Huh." Ayun nalang ang nasabi ko. Nakakamangha din siya ah. Tumingin siya sa paligid na hinayaan ko lang, ngunit may nahagip akong kung ano sa may bandang baba ng leeg niya, malapit sa collar bone.

Rose...

"Maam ilang taon ka na?" Wala sa sariling naitanong ko sakaniya. She raised her eyebrow at me before answering.

"20. Why?" She asked. Halos mamilog ulit ang mga mata ko.

20?! Si maam bente anyos palang?! What the actual f*ck?! Akala ko nasa 25 na siya g*go!

"W-wala po." Sagot ko at napaisip. Coincidence. Maybe it's a coincidence that she have a rose tattoo.

Yeah sure, CJ. It's a coincidence that she has the exact same tattoo you saw on your cousins and adviser.

Manahimik! Magulo na nga utak ko, dadagdag pa kayo?!

"You shouldn't be here. It's not safe for a teenager to be here. Especially a girl. Kung naghahanap ka ng makakasapakan, wala kang mahahanap dito. Alis. Umuwi ka na sainyo bago ko pa tawagan ang guardian mo." Utos niya at tinulak ako. Napansin kong nasa bungad na pala ako at onting kembot este lakad ay nasa highway na ako.

"You didn't answer my question when I asked what you are doing—" Kumunot ang noo ko dahil paglingon ko ay wala na siya. Luh? Magic?

Umiling nalang ako naglakad palabas ng highway. Nagtataka pa din ako kung paanong napunta doon si Ms. Fuhla, knowing na hindi siya umaalis ng campus until 5:30 p.m. Napandin ko ding wala siyang dalang bag o kahit ano kanina. At sa pagkakatanda ko, paglabas namin ng campus, huli ko siyang nakita na nasa faculty nila, which is napakalayo sa parking lot.

Ngayon ko lang na-realize, na bukod sa apelyido ni maam na hinango sa red days, hindi ko pala alam ang first name niya, pati na din ang buong pagkatao niya.

What is she hiding?

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now