Episode 4: Pananakit ng kasintahan ni Amelia

29 3 0
                                    

Amelia: Ano ba bitawan mo ko!!! Leo ano ba nassaktan ako!!!

Leo: Huwag mo akong lokohin alam ko may kinikita ka rito!!

'Di na natiis ni Oscar na sinasaktan ang kaniyang minamahal sa last life niya kaya agad itong pumunta at inawat si Leo.

Oscar: Leo tama na nasasaktan na si Amelia.

Leo: Ano ba pakealam mo? Girlfriend ko naman siya!!!

Oscar: 'Diba dapat itrato mo siya ng tama hindi naman masosolosyunan yan gamit ang pananakit 'diba?

Leo: Tskk pakielamero. Ikaw babae umuwi ka mag usap tayo sa bahay! 

Amelia:...... Salamat pala Oscar…… Kung wala ka baka binugbog nanaman ako ni Leo…

Oscar: Walang anuman Amelia. Lagi ba siyang ganiyan sa iyo?

Amelia: ….. Oo…..'Di ko alam bakit siya naging ganiyan wala naman akong ibang lalaki kung ano ano iniisip niya…..

Oscar: Bakit 'di mo siya hiwalayan?

Amelia: Oscar mahal ko si Leo kahit na binugbogbog ako…

Sophia: Oscar are u okay?

Oscar: Okay lang po ako.

Sophia: Is that you Amelia ano nangyari sa iyo?

Amelia: Wala ito nag away lang kami ni Leo, sige na uuwi na ako hinahanap na ako ng boyfriend ko.

Sophia: Gusto mo ihatid kana namin?

Amelia: Huwag na Sophia ayos lang ako kaya ko umuwi tsaka parang may date ata kayo ni Oscar pasensya sa abala.

Sophia: uhm… 'di kami nag dadate ni Oscar nagpapahangin lang sa parke bago kumain.

Amelia: Ganun ba sige una na ako.

'Di alam ni Amelia bakit parang iba ang tibok ng puso niya sa pag kikita nila ni Oscar.

Sophia: Oscar, tara na sa isang restaurant kanina kapa nakatulala diyan. Ang lalim siguro ng iniisip mo.

Oscar: Ahh…ehh… tara na po baka nagugutom ka na din.

Sophia: Oo nga ihh nagugutom na ako hahaha.

Nagtungo sina Oscar at Sophia sa isang restaurant na isa sa memorable na moment kay Oscar dahil ang restaurant na kanilang pinuntahan ay ang restaurant na kung saan sa last life ni Oscar ay doon sila nag date ni Amelia.

Sophia: Waiter, uhm… pwede pa order po ng isang Fillet Mignon, Fish and Mushy Peas at para sa dessert ko ay isang Trifle. Ikaw Oscar ano napili mo?

Oscar:....

Sophia: Oscar okay kalang ba? Kanina kapa nag-iisip nang malalim diyan. Masama ba pakiramdam mo?

Oscar:....

Sophia: Oscar!!

Oscar: Ahh… ano po yun madame…

Sophia: Masama ba pakiramdam mo?

Oscar: Ahh, hindi naman po madame bakit niyo po natanong?

Sophia: Wag mo na ako sabing tawaging madame at i po nakakahiya sa iyo napakatalino sa eskwelahang pinapasukan ko tas masipag na employee sa aming company. Sure ka ha, hindi masama ang iyong pakiramdam.

Oscar: Okay lang po ako madame. Nakapag order kana po ba?

Sophia: Oo kanina pa, ikaw na lang ang hinihintay ko para maihanda na sa ating lamesa ang inorder natin.

Oscar: Ayy hala sorry. Uhm… waiter ang akin po ay isang baked honey mustard Chicken then isang Tortellini, for desserts uhm… chocolate mousse and yung drinks ko ay soft drink.

Sophia: Ayy oo nga pala drinks pa pala yung akin waiter ay red wine.

Oscar: Sophia uuwi pa tayo bakit ka iinom?

Sophia: Ngayon na lang ulit ako naka inom ng red wine pagbigyan mo na ako Oscar.

Oscar: Uhm… pa cancel nalang ako ng inorder kong soft drink.

Waiter: Okay po pahintay nalang po ng ilang minuto po.

Oscar: Okay.

Habang hinihintay nilang dalawa ang kanilang order, sila ay nagkwekwentuhan sa nakita nila kanina.

Sophia: Grabe nuh, grabe yung ginagawa ni Leo kay Amelia.

Oscar: Oo nga ehh nananakit siya ng babae. Mali yun dapat minamahal at ginagalang ang babae.

Habang binabangit ni Oscar ang mga katagang iyon ay kinikilig naman itong si Sophia. Mahaba haba ang kanilang kwentuhan hanggang sa dumating na ang kanilang inorder na kakainin nila. After nila kumain ay uminom naman sila ng red wine na inorder nilang dalawa.

Oscar: Sophia tama na naparami na ang atin inom oras na para umuwi kaya ko panaman mag drive kaya hatid na kita sa inyo.

Sophia: Osige.

Hinatid ni Oscar si Sophia sa bahay nila. Hinatid niya ito hanggang sa kwarto ni Sophia. Paalis na sana si Oscar ng bigla siyang nahilo kaya naisipan niya munang magpahinga sa couch habang si Sophia ay nakahiga sa higaan nito.

Being 18 AgainHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin