Bumangon ako at lumapit sa kaniya. “Tawagan natin.” Umupo ako sa armrest ng inuupuan niya.

May pinindot siya sa kaniyang phone at maya-maya ay biglang tumunog.

Naramdaman ko ang kamay niyang umikot sa likod ko at humawak sa aking hita. “Hintayin muna nating sagutin.”

Umakbay ako sa kaniya at tiningnan ang screen ng cellphone na hindi pa rin sinasagot. Gaano ba ka-busy ang Maverick na ito?

“Nandito ka pala, Jett. Magtanghalian na tayo.” biglang sabi ni Mommy.

Nilingon siya ni Jetty. “Sinusundo ko lang si Gaily, Mommy Chessy."

“May lakad ba kayo ngayon?”

“Prenup photoshoot po. Iyon ang sabi ni Mommy sa akin kanina."

“Ah! Oo nga pala! Nakalimutan ko. Ngayong tanghali na pala ang schedule ng photoshoot niyo.”

Kinuha ko kaagad ang cellphone sa kamay ni Jetty nang makitang sinagot na ang tawag.

“Hello, Mavy?” masaya kong bungad.

“Hello. Sino ito?"

Kumunot ang noo ko nang ibang boses ang aking narinig. Hindi ganito ang boses ni Mavy. Mavy's voice was a bit cold and gentle. Habang ang boses na narinig ko ngayon ay mapaglaro. Nagbago ba ang kaniyang boses?

Tumayo ako. “Ako ito. Sa Gail. Gago ka. Naka-abroad ka lang ay nakalimutan mo na ako.” nakalabi kong sabi. Humawak ako sa aking baywang.

“Gail? As in Gail Chamika Braxton?”

“Yeah.”

“Oh my God, Honey. How did you got my number? Are you my stalker?”

Inilayo ko ang cellphone sa aking tainga. Is this Mavy or some alien?

“Hello, Gail? Ikaw ha. Paano mo nakuha ang numero ko? Ipinaimbestigahan mo ba ako?”

Napamaang ako nang makilala ko kung sino itong kausap ko ngayon. Sa uri pa lang ng pagsasalita niya ay alam ko na kung sino. It's Rickey.

“Rickey, did you fooled Jett?" seryoso kong tanong.

“Huh? Hindi. Bakit?”

“Humingi siya ng number ni Mavy sa iyo. Pero ba't number mo ito?”

“Oh that. Asar ako sa lalaking iyan. Ang sabi ko ay bibigyan ko siya ng number ng pinsan ko kung gawin niya akong Best Man. Ang sagot niya ay may Best Man na raw. Tapos sabi ko ay groomsmen na lang. Ang sagot ng gagong iyan ay kumpleto na raw. Aba'y bahala kayo.” parang bata niyang kuwento.

Bumuntong hininga ako. Nakakaasar talaga itong si Rickey.

“Ako ang manghingi ngayon sa iyo. Bibigyan mo ako o bibigyan mo talaga ako?”

Tumawa siya nang bahagya. “Hindi kita bibigyan, Babe, kasi pati ako ay walang numero sa kaniya. Hindi na active ang kaniyang phone number na mayroon ako rito.”

“Sigurado ka?"

“Naman! Kahit ibigay ko pa sa iyo ngayon ang number niya. Tingnan natin kung matawagan niyo ba. Kasi ako, ilang ulit ko ng kinontak ang numero niya pero hindi makontak.”

“Sige. Salamat na lang. Salamat din sa number mo. Hindi mo pa talaga sinabi na hindi makontak si Mavy. Ibinigay mo pa iyang numero mo.”

“Gusto kong maasar din iyang fiancee mo. Naasar ako sa pagmumukhang iyan. Ba't pa may ganiyang mukha.”

Napangisi ako. “Ang guwapo, 'di ba?”

“Pwe!”

Tumawa ako. “Punta ka sa kasal namin. Ibaba ko na ito. Salamat.”

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now