"A-alis na kaya tayo,"

Kunot noo ko silang tinignan. Pati ako napalingon na lang sa loob nang parang—Parang may naglalakad sa loob. Kasabay nang pag-ihip nang hangin ay kaagad akong napaatras lalo na nang marinig ko ang palakas na yabag ng paa. Papunta ito sa amin.

"Tara na, Zeke." Pilit na sambit ni Liam pero nanatili akong nakatayo at nakikiramdam. Basesa naririnig ko ay malapit na siya.

One,

Two,

Three— "Takbo!!" Sigaw nilang tatlo nang mas marinig namin ang lakas nang yabag nito. Damn! Dahil sa kalituhan wala akong nagawa kun'di sumunod sa kanila at tumakbo na rin. Nang makarating kami sa labas ng gate ay walang sabi-sabi kaming nagsialis paalis sa bahay na 'yon.

Shit!

Tangina!

Bawat hakbang ng mga paa namin palayo ay mas lalong nagpabigat sa pinapakawalan kong hininga. Napahawak ako sa dalawang tuhod ng makarating kami sa bungad ng ilog kung saan kami galing kanina.

"S-sinabi ko sa inyo 'wag na tayong tumuloy, di'ba!" Nanunumbat na baling sa akin nung isang lalaki. Ito yata yung Albert na inaasar nila kanina.

"Hindi ko naman sinabing sumama ka, i kung sino sa inyo." Kalmado ngunit yung hinga ko ayhindi pa rin kumakalma.

"A-ano nang gagawin natin ngayon? Ayokong mabaliw." Saad pa nang isang lalaki na kaibigan ni Liam. Tsk. Bullshit.

"Walang mababaliw. Nakarating na ako roon. Pangalawa na 'to." Inis na sambit na Liam. Ngayon ko lang narinig na naging seryoso siya. Marahil ay natakot din sa nangyari. Dalawang beses na akong nakarating dito at dalawa na kami ni Liam na makakapagpatunay na walang sumpa ang bahay.  Pero kanina ibang-iba, e.

'Sinubukan niya raw hanapin yung iyak pero bigla daw may isang anino na lumabas sa pinto at tumakbo palapit sa kaniya.'

Halos manlaki ang mata ko nang maalala ang sinabi ni Raylan kaninang umaga. Ganito rin ba ang naranasan nang matandang magsasaka kaya siya tumakbo palayo? Pero bakit siya nagpakamatay? Anong dahilan niya para gawin 'yon, o baka hindi kaya— Shit!

Nanaig ang katahimikan sa aming apat. Kalmado na rin ang paghinga ko. "Tingin niyo ba may tao sa loob nang mansion at tinatakot lang niya tayo para tumakbo palayo? " Umaasang tanong ko sa kanila.

"Baliw ka ba!?" Pagalit na sigaw nung Albert. Kaagad pa akong napapikit ng may laway na tumalsik sa mukha ko. Pusang gala naman, oh! Nagpipigil ako na 'wag siyang patulan. Kanina pa ako gigil na gigil sa kanilang tatlo.

"Hindi mo ako kailangang sigawan," Naiiling kong nagpunas ng mukha at kalmadong napangisi. Ang baho nang hiniga pucha!

"Oo nga naman, bert. Kung hindi lang mabait si Zeke baka napatulan ka na niya," Mahinahong gatong pa ni Liam sa akin. Tsk. Anong mabait? Nagpipigil lang ako pero gusto ko na talaga siyang balatan ng buhay. Hindi ito sumagot at pagkatapos ay huminga nang malalim.

"Pasensiya ka na," tumango lang ako at umayos nang tayo.

"Kailangan na nating umalis." Tanging nasabi ko saka sila iniwan doon.

Posible kayang may ibang tao sa loob ng mansion? Isa pa sa ipinagtataka ko ay ang kadenang nakapulupot sa gate ng bahay. Nakakapagtaka lang pero babalik ako rito. Hindi puwedeng hindi dahil kailangan kong malaman ang totoo. Dahil sa nangyari sa amin ngayong gabi ay mas lalo pa akong na curious sa lahat.

TATLONG araw simula nung naisipan kong puntahan yung sinasabi nilang Mansion. At hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na tumakbo ako nung araw na 'yon. Hindi ko iyon matanggap. And that's hurt my ego.  Damn it! Hindi ako napasama sa tinaguriang 'Black Scorpions nang grupo kung sa simpleng haka-haka ay takot ako. I am not Ezekiel Anson for nothing a.k.a. Storm

Behind The Story Of HerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora