Chapter 1

3 0 0
                                    

Mula bata palang ako wala na akong naririnig sa umaga kundi mura. Sino pa nga ba walang iba kundi ang nanay at tatay ko na laging pinag-aawayan ang Pera. "Wala ka nang ginawa kundi tumambay lang sa bahay! ano ba naman humanap ka naman ng paraan ang dami natin gastusin" Rinig na rinig ko ang galit ng aking nanay hayss! kung mayaman lang ako sana wala na ako maririnig na ganito twing umaga. Bago pala ang lahat magpapakilala muna ako ako nga pala si Maria Gomez 19 years old at kasalukuyan nag-aaral ng Senior High School. Simula na nag-aral ako hindi ko man lang nakita ang nanay ko na pumupunta sa school tuwing may events lagi nya lang binibigyan ng suhol ang kapatid nyang beki para umattend. Hanggang sa nasanay ako at tanggap ko na laging ibang tao ang pupunta bumangon na ako para makapaghanda ng almusal at makapasok na sa paaralan "Magandang Umaga nay" bati ko aking inay na kasalukuyan naglilinis ng aming babuyan "O siya bumili ka ng monggo dun kila aling remedios" habang binibigay nya sa akin ang bente pesos dali-dali naman ako umalis malapit lang pala yung palengke dito sa amin konting lakad lang "Magandang Umaga po pabili nga po ng bente monggo" bati ka sa babae nasa 60's na di katangkaran at laging nakapostura "Aba! Andito na naman ang dalaga ni Mr. Gomez" kantyaw nya sa akin habang nakangiti at nilalagay ang inorder ko na monggo sa plastic. Magkalapit lang kami ng bahay mga apat lang agwat ng kabahayan bago sa kanila. Nakarating na ako sa bahay agad na ako naghanda ng almusal para makakain na ang aking mga kapatid. Anim na magkakaptid kami at ako ang panganay naalala ko dati kahit noodles at tuyo lang ulam namin ang saya na namin ang layo ng pagbabago. Lagi nalang nag-aaway ang aking inay at tatay sa twing kulang ang binibigay ng aking ama na sweldo nagsisimula na putak-putak ang bunganga ng aking nanay mula umaga hanggang gabi wala nako naririnig na maganda kundi "walang kwenta yang ama mo!". Nakakarindi pakinggan "oi! bat tulala ka naman ha? Ano na naman iniisip mo?" pukaw sa akin ng aking kapatid na si marilyn sunod sa akin 18 years old na sya "Naku! Wala to iniisip ko lang kung ano lelesson ng guro namin mamaya" sabi ko sa kanya. Saktong alas 7:30 na ako pumasok di na ako umattend sa flag ceremony diretso klasrom na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Secret LovestoryWhere stories live. Discover now