"Anong aaminin ko, Mom?"

"Magulang mo kami. Sabihin mo sa amin ang totoo."

Umupo ako. "Ano po ang sasabihin ko?"

"Buntis ka ba?" direktang tanong ni Mommy.

Ang malaking piraso ng mangga ay bigla kong nalunok. Napaubo ako dahil na-stuck siya sa lalamunan ko. Tumayo ako at dali-daling pumunta sa fridge. Kinuha ko roon ang fresh milk at kaagad uminom.

Napahinga ako ng maluwag nang tuluyan ng mawala ang mangga sa aking lalamunan. Ibinalik ko ang fresh milk sa fridge at hinarap ang mga magulang ko.

Utak talaga ni Mommy ay sobrang dumi. Napatanong na lang ako kung paano kaya ito napagtiisan ni Daddy noong magkasintahan pa lamang sila. Ang hilig manduda eh.

"You know what, Mom, minsan naisip ko na siguro kaya palagi mo akong pinagdududahan kasi excited ka ng magkaroon ng apo." Umupo ulit ako. "Don't worry, Mommy, kasi darating din tayo riyan. Just tell me kung ilang apo ang kailangan niyo dahil pag-aralan namin ni Jetty kung paano mabuntis na may maraming batang laman sa tiyan sa loob ng siyam na buwan lang." kinindatan ko siya.

"Ewan ko sa iyo, Chamika Gail. Iyang kabaliwan mo to the highest level na."

Ngumisi ako. Grabe ang kunsumisyon ni Mommy sa akin.

Lumabas siya ng kusina. Daddy make a silly face and went outside the kitchen as well. Ngayon ay alam ko na kung saan ako nagmana. Obvious na kung saan.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Walang makakahigit sa mangga na may bagoong. I'm gonna eat all these mangoes.

Nang maubos ko na ang manggang hawak ko ay kumuha ulit ako ng isa pa. Binalatan ko muna at pagkatapos ay kumagat. Kapag mangga na ang pag-uusapan ay hinding-hindi ako magpapatalo sa kainan.

Tumayo ako at lumapit sa cupboard. Kinuha ko roon ang chili powder. Nilagyan ko ang mangga at kinain.

"Ang sarap ng kain ha. Good luck sa dysmenorrhea, Palangga."

Napalingon ako kaagad sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Jetty.

"Anong ginagawa mo rito?"

Umupo siya sa upuan na inuupuan ko kanina. "Tambay."

Lumapit ako sa mesa habang dala-dala ang chili powder at umupo sa katapat na upuan.

"Alam ba ni Tita na nandito ka?"

"Kasama ko sila."

Tumango ako. Naghiwa ako ng mangga at isinawsaw sa bagoong at chili powder. Sarap na sarap kong isinubo.

Napaangat ang aking tingin nang maramdaman kong nakatingin si Jetty sa akin. Hindi nga ako nagkakamali.

"Bakit?"

"Alam mo, Gaily, kung may nangyari na sa atin ay iisipin ko talagang buntis ka ngayon."

"Huh?"

"Tingnan mo iyang kinain mo. May bagoong na nga. May chili powder pa. Seriously?"

Napahinto ako sa pagnguya at tumingin sa hawak kong mangga, sa chili powder at bagoong tapos balik sa kaniya.

"Masarap siya, Jetty, kapag ipinagsama mo ang dalawang ito. You want to try?"

Naghiwa ako sa manggang hawak ko at isinawsaw sa bagoong at chili powder. Pagkatapos ay inabot sa kaniya.

"Try."

Tumitig siya sa hawak kong mangga.

"Kung tititigan mo lang ay hindi mo malalasahan ang sarap."

Hinawakan niya ang pupulsuhan ko. Yumuko siya ng konti at kinain ang hawak kong mangga na nakaabot sa kaniya.

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now