"Magbihis ka na. Tapos lumabas ka, kakain na tayo." Sabi niya pagkatapos tumalikod na siya. Tayo.
Really, anong nangyayari sa akin?
Bakit parang uminit yung makabilang pisngi ko?
Nilalagnat ba ako?
Putcha, nangyayari sa'kin?
Minabuti kong tapusin ang pagbibihis ko at lumabas na. Kung ano ano nang naiisip ko. Nagugutom lang siguro ako. Naka-tshirt lang ako. Pero mahaba siya sa akin. Mga above the knee. Ganun. Kaya ganun nalang ako sa paghila nun para lang bumaba! Hello? Naka-underwear lang kaya ako!
Ang tagal kasi matuyo nung damit ko e!
Pagpunta ko sa kusina, nakita ko siyang naka-upo dun. Blangko lang expression ng mukha niya! Gosh, kinakabahan ako! Aaminin ko, natakot talaga ako sa boses niya kanina.
Pano ba ako kikilos ngayon sa harap niya?
Siguro dapat ganito:
Uupo ako sa upuan sa harap niya tapos aakto ako na parang walang nangyari tapos sasabihin ko, "So, ano? Kain na tayo?"
Hindi, masyadong ewan. Baka sabihin niya masyado akong FC. Ano kaya kung ganito? :
Dahan dahan akong uupo at sasabihin sa kanya na, "Sir, pasensya ka na sa kanina. Pero di'ba, sabi mo hello kitty? Edi may nakita ka nga! Dedeny ka pa! Ang kapal ng mukha mo!" *sabay buhos ng tubig ng malamig*
Napa-iling ako. Hindi. Nakikipag-bati na nga ako tapos, io-open ko pa yung issue na yun. Mali, Nadine pano kaya kung ganto-
"Do have plans of standing there for the rest of the night?" Natigil yung pag-pa-plano ko nang may biglang magsalita. Napatingin naman ako sa lalaking yun. He was just sitting there wearing his infamous pokerface. Yung totoo? Paano niya name-maintain ang ganung composure? Infairnes ang galing niya ah!
Para namang akong tuod kung maglakad kasi kada hahakbang ako umaangat yung suot ko! Umupo ako at sinara ko talaga ng maigi yung binti ko.
Paano ba ako mag-so-sorry sa lalaking ito?
Pero siya naman may kasalanan di'ba?
Haay. Hayaan na nga.
"Uhm," Nag-angat ako ng tingin. Nakatingin na rin siya sa akin. Sige Nadine, pagkakataon ko na. Sasabihin ko lang naman di'ba? Sige cheer niyo ako.
"Sorry,"
Napa-angat ulit ako ng tingin. Sinabi niya ba yun? O nagdedeliryo lang ako? Hahaha. Oo nga. Naka-pokerface parin siya e. Sabi ko na e. Haha. Nagdedeliryo nga lang-
"Sorry, I just yelled at you."
***
Nakatayo ako ngayon sa parang ano ba tawag dito? Bintana? Ang laki e. Basta kita mo ang buong city dito, tapos!
Yun nga nakatayo nga ako dito, pero hindi parin tumitigil ang ulan. I guess lalo pa yatang lumakas. Tapos na nga palang kaming kumain. In all fairness, masarap siyang magluto (sabi niya, siya nagluto e) kaya nabusog ako.
Kelan kaya titigil ito? Tuyo na rin yung damit ko kaya nagbihis na ako. At suot ko narin ang sout ko kanina sa office ngayon, kayafeeling ko nasa opisina parin ako hanggang ngayon.
Gusto ko nang umuwi at makapagpahinga. T.T
At tsaka sabi ko kay mama dadaan ako sa kanila. Anong oras na? 1:00 AM na! Naisip kong tawagan si Mama kaya lang naisip ko rin na baka tulog na iyon. Bukas nalang ako tatawag.
"Aren't you going to sleep?"
Napalingon naman ako sa nagsalita only to see the most gorgeous man I've ever met. Malandi ka! Saway ng sub-conscious ko.
"Iintayin ko nalang tumila ang ulan para maka-uwi na."
"Iniisip mo ba...na titila pa 'yan?" Nakapamulsa na sabi niya habang papalapit sa direksyon ko. Lalo tuloy ako napa-yakap sa sarili ko.
"S-sa tingin k-ko." Mautal-utal na sabi ko, pano ba naman kasi ang lapit niya sa akin! "P-pwede ba, dumistansya ka ng konti? Ang lapit mo e!" Sigaw ko para itago ko ang pagka-pahiya ko. Alam kong hindi ito first time na malapit siya sa akin, pero for Pete's sake, hindi na yun mauulit! Never na!
Lumayo nga siya ng konti. 'konti' nga lang din. Namimilosopo pa ata 'to e.
"You said, little. So, I did." Balewalang sabi niya.
Ha, bahala nang mabasa ng ulan! Aalis na talaga ako dito! Kinuha ko yung bag ko na nakapatong sa may sofa at magmartsa palabas ng unit ng lalaking ito. Nakakainis! To the nth time!
Nagulat ako ang hilain niya ang braso ko dahilan para matigil ang pag-wo-walkout ko. At tuluyang mapahiga sa mahabang sofa. At nasa ibabaw ko siya!
"Where do you think you're going? Tatakas ka ulit?"
Sanabi niya yan habang matamang nakatingin sa mata ko!
***
Itutuloy...
A/N: Guyssss! Baka i-private ko na talaga yung next chapter! 98% siya! At tsaka nga pala tumatanggap ako ang DEDICATION REQUEST! Hahaha! Please leave a comment! ツ
Follow me on Twitter @superJOemss
Official Hashtag #NoStringsAttachedEM
YOU ARE READING
No Strings Attached
General Fiction"I'm Pregnant. . ." Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya habang hawak ang isang pregnancy test. Ramdam ko ang pagbigat ng hininga niya sa mga sinabi ko. Napahugot ako ng hininga nang akmang aalis na siya, mabilis kong hinawakan ang braso niya. "A-an...
Chapter 7
Start from the beginning
