Kabanata 4

6 1 0
                                    

"Mama!"
Sa labas pa lamang ng bahay ay sumigaw na ako. At kung kakapalan lamang din ng mukha ay talagang nangunguna ako.
"Tari!"
Gulat ang ginang nang makita ako sa labas ng kanilang bakuran. Nagmamadali itong lumabas ng bahay at sinalubong ako.
"Ang akala ko ay hindi ka tutuloy ngayon. Ang sabi ni Marcus ay abala ka raw!"
Talagang nasabi na niya sa magulang na hindi ako pupunta ha! Tss! Lagot siya magugulat siya mamaya.
"Naku hindi naman, Mama."
"Basa ka, Tari magbihis ka muna sa banyo."
Sinamahan ako ni Mama sa banyo nila para makapagpalit ng damit. Iginala ko ang mata ko sa banyo nila, hindi ito malaki ngunit hindi rin naman maliit. May bowl at may mga timba. Mukhang dito rin sila naliligo dahil sa mga nakahanay na shampoo at sabon.

Nilagay ko sa paper bag ang basa kong damit. Mabuti na lamang at nagdala ako ng plastik para hindi tumagos sa paper bag ang tubig.
Lumabas ako ng banyo at nagulat ako kung sino ang naghihintay sa labas.
"What are you doing here?"
Nagawa ko paring ngumiti at kumaway sa kan'ya kahit na ang mga tingin niya ay parang kinakatay ako. Sungit!
"I told you-
Hindi niya natapos ang kung ano mang sasabihin niya dahil sumigaw ang mama niya.
"Tari! Tapos ka na ba?"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Mama na naglalakad papalapit. Ngumisi ako kay Marcus bago muling bumaling sa kan'yang ina.
"Opo, Mama."
"Nandy'an ka na pala, anak,"  puna niya kay Marcus na nasa harapan ko at pinapatay ako sa matatalim na tingin.
Tumango si Marcus sa kan'yang ina at nagmano rito. Shocks! Nakalimutan ko iyong gawin kanina.
"Isasama ko na lamang muna si Tari sa kusina at gustong matutong magluto," sabi ni Mama kay Marcus.
Naunang maglakad si Mama at nang susunod na ako at hinatak ni Marcus ang braso ko.
"Bukas na lang, Ma. Mag-uusap lang kami ni Tari," sabi ni Marcus.
Lumingon muli ang ginang at naguguluhang tumango na lamang kay Marcus. Hinigit ako ni Marcus palabas ng bahay at binitawan nang nakalabas na kami sa bakuran nila.
"Hindi ba sabi ko--"
"Oo na," putol ko sa kan'ya. "Hindi naman ikaw ang pinunta ko rito!"
Umigting ang panga niya sa pagsagot ko. Ang matatalim na tingin niya ay parang pinipira-piraso ako. Akala mo naman ay malaking kasalanan na nandito ako, wala pa nga akong ginagawa ay ganyan na ang reaksyon niya.
"Tari!" Marahas na sambit niya sa pangalan ko.
Kahit na halos puputok na ang litid niya sa galit sa akin ay parang kinikiliti pa ang pakiramdam ko. Ang hot niyang tignan!
"Yes?" malambing na sagot ko sa kan'ya.
Tila mapipigtas na ang katiting na pasensya niya sa akin. Bakit ba galit na galit siya? Ang ibang lalaki nga ay nagkakandarapa pa para lamang pansinin ko. Ngunit heto siya pinagkakaabalahan ko na ay pinagtatabuyan pa ako.
"Umuwi ka na," mababa ngunit puno ng diin niyang sambit.
"N-no..."
My confidence is a bit shaken.
"Umuwi ka na!"
Napatalon ako sa lakas ng sigaw niya. B-bakit kailangang sumigaw? Kinagat ko ang ibabang labi ko sa takot na baka tumulo ang luha ko.
"Marcus!" suway ng inang kalalabas lamang.
"Bakit sinisigawan mo si Tari?" Galit na tanong ng ina niya.
Ngumiti ako kay Mama para ipakita sa kan'ya na ayos lamang ako. Baka lalo siyang magalit sa anak kapag tumulo ang luha ko.
"A-ayos lang ako, Mama. Babalik na lamang po ako sa ibang araw," nakangiting sabi ko bago tumalikod para umalis na.

Nagmamadali akong naglakad palayo. Habang tumatawid ako sa tulay ay bumuhos na ang luha ko. Kahit minsan sa buhay ko ay wala pang nagalit sa akin ng ganoon. Wala naman akong ginagawa pero galit na galit siya. Marahas kong pinunasan ang luha ko, ano ba Tari! Don't cry, maliit na bagay lamang naman iyon.
Kahit anong pagpapagaan ko sa loob ko ay hindi tumitigil ang luha ko. Dumidilim na nga ay nanlalabo pa ang mata ko dahil sa mga luha ko. Ngayon lang ako nasigawan, first time iyon! Walang sino mang nagtatangkang sigawan ako, siya pa lamang ang gumawa noon sa akin.
"Ahh!" napatili ako nang sumabit sa isang ugat ang paa ko kasabay ng pagkulog.
Lalo akong naiyak sa pangyayari. Madilim na, wala akong makita dahil sa luha ko. Isang malakas na kulog ang muling pumailanlang. Halos mapunit ang tenga ko sa lakas noon.
Dahil sa sobrang gulat ay nanikip ng sobra ang dibdib ko. I c-can't b-breath... Not now please.
Unti-unting nilamon ng dilim ang aking paningin at tuluyan ng nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang puting silid at alam kong nasa ospital ako. Sanay na ako, lagi naman. Mabilis na lumapit sa akin si Mommy nang makitang gising na ako.
"My," I called her.
"Tari..." bumuntong hininga siya at hinaplos ang pisngi ko.
Malungkot na nakatingin sa amin si Daddy. Bwesit na kulog iyon kung hindi dahil doon ay hindi ko maabala ang magulang ko na alam ko namang abala sa aming negosyo.
"Uwi na tayo, My."
Ngumiti sa akin ng malungkot ang aking ina.
"Later anak, hinatayin natin si Rocco. Kinukuha lamang ang gamit niyo sa mansyon ni Mariel."
Tumango ako kay Mommy. Siguro ay uuwi na kami, may isang araw pa sana kami rito sa San Juan ngunit uuwi na kami. Nakakahiya kay Rocco baka nag-eenjoy pa ang isang iyon.
Ilang sandali pa ay dumating na si Rocco. Umalis muna ang magulang ko to settle the bill.
"Magpaiwan ka na," nakangiting sabi ko kay Rocco habang kumakain ng orange.
Masamang tumingin sa akin si Rocco. "Sabi ko naman sa'yo, Tari wag kang gagawa ng kalokohan. Ano itong nangyayari sa iyo?"
Hindi ko lang siya pinansin. Papagalitan lang naman niyan ako.
"Sino pala nagdala sa akin dito?" biglang naalala ko.
"Ako, sino bang inaasahan mo?" Inis na tanong ng pinsan ko.
Wala naman akong inaasan. Malungkot akong ngumiti. Hindi naman ako susundan ni Marcus dahil galit iyon. Nagtatanong lang naman ako, baka mamaya ay taga San Juan ang tumulong sa akin. Papasalamatan ko lang sana.
"Ikaw lang naman maaasahan ko," sabi ko sa kan'ya at tumawa pa.
"Kung hindi ko napansin na madilim ang langit ay baka kung napano ka na roon sa daan."
I am thankful na palaging nand'yan si Rocco para sa akin. Ngunit hindi naman habang buhay na palagi siyang susugod kapag kailangan ko.
"Tapos na ang pustahan, binayaran ko na sila," sambit niya.
"Ha? Ako dapat magbabayad ako ang talo 'di'ba?"
Ang mahal no'n tig limang daang libo bawat isa. Palagi niya akong inunahan pagdating sa mga ganitong bagay.
"Hayaan mo na, ako naman ang may gustong itigil mo na!" sagot niya.

Maswerte ang magiging karelasyon ng pinsan kong ito. Sobrang maalaga at mapagmahal. Siguro kahit mamatay pa ako basta may manakit sa kan'ya babangon ako sa hukay para lang awayin kung sino man ang gagawa no'n.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Brat's Kryptonite Where stories live. Discover now