Minjeong: Hoy! Bakit mo ko binebenta?

Yujin: Single ka naman. Parang ayaw naman sayo nung isa.

Minjeong: Delete it!

Binasa ko yung comments nila. Why would Ryujin offer Minjeong sa iba? Nakakainis.

Kaya napacomment ako.

Karina: Your chicken is already sold :P

Ryujin: Huh? Wala pang nabili.

Karina: I'll buy it so shut up.

Ryujin: Ay akala ko ba ayaw mo?

Yujin: Bawal po joker dito.

Hindi na ko nagcomment. Pinatay ko na ang phone ko at dumiretso na sa kwarto.

May nagnotif naman bigla sa phone ko.

Hey, I'm sorry sa nangyari kanina. It's Minjeong.

I know, I have your number
And please, wag kang magsorry. Ako dapat yung magsorry sa inasal ko.

No. Ako yung nauna e. Hindi ko lang naman kasi mapigilan.
I'm jealous.

Min...

Sorry, hindi dapat ako nagseselos.

Where are you?

I'm with Ryujin and Yujin. Why?

Nothing. Ingat kayo.

Hindi ko na hinintay yung reply niya sa message ko. Ano ba kasing nangyayari sakin? Nagpagulong gulong ako sa kama dahil litong lito na ko. Hindi ko na alam. Mahal ko pa siya, oo pero ayoko nang masaktan.

Kainis.

"Bakit ba ganito? Mahal pa kita, Min. Gusto kitang bumalik..."

"Bakit hindi kayo mag usap about sa feelings niyong dalawa?" nagulat ako nang may nagsalita. Nakasandal lang si Heejin sa may pintuan ng kwarto. Great. Nakalimutan ko na naman magsarado ng pinto.

"Heejin, hindi na pwede."

"Bakit naman?"

"Look, masyadong nasasaktan si Minjeong sakin ngayon."

"Nasasaktan siya ngayon kasi gusto ka pa rin niya. Nasasaktan siya kasi akala niya may chance pa. Nasasaktan siya kasi mahal na mahal ka niya."

Lumapit sakin si Heejin at umupo sa tabi ko.

"May chance pa kayo, ayaw mo lang pagbigyan ulit kasi sa isip isip mo, masasaktan na naman kayo. Karina, part yan ng buhay, ang masaktan."

"Sana pag isipan mo munang mabuti."

——————

Umalis na din naman ang nga kaibigan ko pagdating nung gabi. Yujin and Ryujin stayed with us. Dito pa rin tumuloy si Minjeong despite of what happened kanina.

"Buti pumayag si Yeji na dito ka muna?" tanong ko kay Ryujin.

"Kasama niya si Giselle, Yuna at Ning ngayon sa condo namin kaya pinayagan na rin niya ako." ah kaya pala.

"Ikaw, Yujin?"

"Hmmm?"

"Kamusta si Won?"

"Ayun busy pa din, bawi daw siya next time. Dadalaw daw siya after work. Sipag nga e kahit holiday nagwowork." natawa ako.

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now