Chapter 20

513 26 2
                                    

Minjeong's POV

"Omg, narinig mo na ba? Papunta nang New York si Karina. What a beautiful news." sabi ni Somi na tuwang tuwa pa. Hindi ko nalang siya pinansin at umalis.

"Saan ka na naman pupunta? Aalis ka na naman? Lagi ka nalang umaalis, ayaw mo ba kong kasama?" tanong niya. Tss.

Tanga ba to? Obvious namang ayaw ko talaga siyang makita.

Panira ng araw. Panira ng relasyon. Panira ng buhay.

Hindi ko nalang ulit siya pinansin at umalis na. Dumiretso ako sa bahay nila Minju. As usual, dito ako tumatambay.

Alam ko namang papuntang New York si Karina. Sinabi sakin ni Minju at ni Wonyoung ang about dito. She wanted to forget.

Naiintindihan ko siya. Kasalanan ko din naman. Naging duwag ako. Nasaktan ko siya.

Kung kaya ko lang ibalik yung araw na yun, ipaglalaban ko si Karina.

"Oh Min? Gabing gabi na ah?" gulat na tanong ni Minju nang kumatok ako sa pintuan ng bahay niya.

I sighed "Can I rest here?" tanong ko. Tumango siya at pinapasok ako.

"Kailan ang flight ni Karina?" tanong ko sakanya.

"Bukas nang gabi." sagot niya.

Hays. So hindi ko na siya makikita nang matagal? Hindi ko na siya makakasama?

Ang tanga tanga ko. Nangako pa kong mamahalin ko siya palagi pero ako pa yung nanakit. Ang tanga mo, Minjeong.

Ever since that day, sobra ang sisi ko sa sarili ko.

I'm still sending her a weekly allowance para hindi na siya gagastos at maiipon niya yung pera niya.

I even asked Giselle to buy her a new clothes and luckily, pumili siya. Sobrang saya ko non.

Nasira pa yung phone ko nung araw na yon dahil kay Somi. Nagtantrum siya at sinira ang phone ko. Buti nalang kinabisado ko ang number ni Karina.

Nagmemessage pa rin ako as anonymous.

Lagi pa rin akong binabalitaan ni Giselle at Minju. Silang dalawa lang ang may alam sa buong kaganapan samin. Sa pamilya ko.

I told Won din about it at sinabihan kong wag na munang sabihin kay Yujin.

Alam kong pag nalaman niya, mas magagalit pa siya lalo. She witnessed it. Nasaksihan niya mismo kung paano ko saktan si Karina.

"May balak ka bang sundan si Karina?" tanong bigla ni Minju. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong balak o plano ko. She doesn't want to see me.

"Hate na niya ako, Minju. Mas okay na siguro na hindi na niya ako makita."

"Hmmm."

Napatingin ako sakanya "Ano? Hmm ka nang hmm dyan?"

She chuckled "Marupok kayo parehas, imposible naman yang mga sinasabi mo."

Binatukan ko nga siya. Seryoso ako dito tas ito isasagot niya sakin.

"To naman hindi na mabiro."

Sumandal ako sa sofa nang tumunog ang phone ko.

Nakita ito ni Minju.

"Hanggang text nalang ba? Ayaw mo magpakilala?"

"Hindi na ako rereplayan ni Karina kung malalaman niyang ako itong nagtetext sa kanya." Sagot ko

"She's looking for you..."

"Okay na to, Minju. Promise."

"Liar."

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now