Kinagabihan, may mga pumunta kila Minjeong. Pero hindi ko sila namukhaan dahil madilim na sa labas. I was about to go outside nang maaninag ko si Somi na papasok ng bahay nila Minjeong.

Right. Hindi na niya ako need. Andyan na si Somi e.

Hinintay ko silang umalis lahat. Nakakapagtaka lang dahil ang tagal nila sa loob. It's almost midnight pero nandun pa rin sila.

Nakatanggap naman ako ng message bigla from Minjeong.

Karina.

I replied Why may masakit ba? Do you want me to go there?

After non, hindi na ulit siya nagreply. Aaminin ko, sobra akong nag aalala. Mas malala pa to kesa yung mga alaalang sinaktan niya ako. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko. Hindi ako nasasaktan pero sobrang weird talaga ng feeling ko.

So I did what I have to do. Dumaan ako sa likod ng bahay at dumiretso sa may likod ng bahay ni Minjeong. Bukas yung ilaw. Sumilip ako sa bintana and I saw Somi. Hindi ko masyadong makita yung iba dahil may mga lalaking nakatayo sa may bintana.

Something's not right.

Sumilip pa ko nang kaunti at dun na ko nanghina sa nakita ko.

Si Minjeong...

She's torturing by Somi.

——————

Hinintay ko sila Somi na makaalis dahil kapag nagpakita ako, baka hindi lang yun ang magawa niya.

Ito ba yung sinasabi ni Somi na madalas sila magkita? Dahil dun?

Nakagapos si Minjeong sa upuan habang pinapalo ng kahoy ni Somi ang braso niya pati ang buong katawan niya.

Nakita ko namang nagsialisan silang lahat pero bago umalis si Somi may sinabi siya kay Minjeong na ikinagulat ko.

"Next month ulit, sis. Sabi ko naman sayo kaya ko gawin ang lahat just to get my sister's attention." tumawa pa ito.

"Buti naman at sumusunod ka sa usapan kasi kung hindi baka sumunod na yung babae mo!"

Pagkaalis na pagkaalis ng sasakyan ni Somi saka ako sumugod papasok na ikinagulat naman ni Minjeong.

"Karina?"

"Min? What the hell?" napaiyak na ako habang papalapit sakanya. Tinanggal ko ang pagkakagapos niya saka siya niyakap.

"Karina... What are you doing here? Gabing gabi na, may pasok ka pa bukas." sabi niya habang hinang hina siya. This explains kung bakit namumutla at puro pasa si Min.

I called Yeji pati na rin yung iba kong kaibigan. Lahat sila ay nagmamadaling pumunta dito. I told them na sa bahay na mismo dumiretso dahil mas safe doon.

Ginagamot ko ang mga sugat na nakuha ni Minjeong pero hindi ko pa rin mapigilang hindi umiyak.

"All this time you're protecting me... I'm sorry, if I have listened to you edi sana—" hinawakan niya ang kamay ko para patigilin ako.

"I'm okay as long as you're okay, Karina."

"Bakit?!"

Napayakap na ulit ako sakanya. This time, niyakap na niya ako nang mahigpit.

"Please, Min. I'll listen to you just tell me what actually happened..." she kissed my forehead at ngumiti.

Dumating naman ang mga kaibigan ko. Si Yujin ang unang nagmadali papasok sa bahay.

"Tangina! Lintik talaga yung babaeng yun, baliw na!" sigaw niya.

Pumasok din naman ang iba. They brought food as well.

"Dito kami tutulog ngayon, Karina." sabi ni Yeji at Giselle. Tumango nalang ako. The more na maraming tao dito, the more na safe.

Hindi pa rin ako umaalis sa tabi ni Minjeong. Hawak hawak ko pa rin ang kamay niya.

"I'll explain everything by tomorrow..." she said. Tumango nalang ako sa kanya and I cupped her face.

"Karina wag kang ganyan hindi ako makakamove on, sige ka." She joked. Tumawa nalang ako.

"Pre, kumain ka ice cream!" masayang sambit ni Ryujin kaya nabatukan naman siya ni Yeji.

"Seriously? It's 1am already gusto mo ba sumakit tyan niya?"

Eto na naman sila mag aaway na naman.

"Karina, what happened?" tanong ni Minju na tumabi sakin.

Kwinento ko lahat ng nakita ko sakanya.

"Minjeong, bakit hindi mo naman agad sinabi? Wala siyang karapatang saktan ka." pagsermon ni Minju sakanya.

"Ayoko lang madamay kayo."

"Min. Stay here for a while." sabi ko kaya napatingin siya sakin.

"Wag na, Karina. Okay lang naman ako sa bahay."

"Okay? Hello? Pinuntahan ka nung baliw na kapatid mong yun tapos sasabihin mong okay ka lang don?" this time nagtaas na ng boses si Minju.

Napatawa ako dahil parang nanay na siya kung umasta. She's caring at all.

"Karina, don't let her stay there. Okay?" tumango ako.

"Wait so you already knew na kapatid lang ni Minjeong si Somi? Ghad bakit hindi niyo sinabi sakin."

"It's not our story to tell... Kaya sinasabihan ka nila Heejin na makinig kay Minjeong pero ayaw mo naman." Oo nga no? Hindi ako nakinig.

Nag ayos na silang lahat at nagsilabasan na ng kwarto ko. Kami nalang ni Min ang natira. They will probably sleep in the couch at sa guest room.

"Karina? Saan ka tutulog?" tanong sakin ni Minjeong. Bumangon siya.

"Dito ka nalang, I'll sleep there." turo niya sa sahig.

"Sinong may sabing dyan ka tutulog?" pagtataray ko sakanya.

"Uhhh..."

"You're sleeping with me, Min."


Unwanted Marriage Where stories live. Discover now